Eight

4.6K 128 10
                                    

Simon's POV

Kunot ang noong sinuyod ko ng buong tingin ang sala... Walang akong Samantha na nakikita. Na sobrang imposible! Nauna kaya sya!

"Sam!" tawag ko sa kanya. Wala man lang ako nakarinig na sagot mula sa kanya. Nasaan kaya sya? Pumunta na lang ako sa kusina para ilagay 'yung pinamili ko sa mesa. Naku! Baka matunaw 'tong binili kong ice cream para sa kanya. Hindi kasi agad ako umuwi at pumunta muna ako ng Convenience store para bumili ng ice cream. Kasi ito naman ang puno't dulo ng lahat. Kung binilhan ko lang sya hindi na sana sya naghanap ng trabaho na kung saan sa trabaho nya, nakilala nya si Juan at umabot ang pangyayari sa ganun. Kasi naman si Father, inutusan ako na 'wag daw ibigay lahat ng gusto ni Sam lalo na 'pag tungkol sa mga luho nya...

"Sam!" tawag ko ulit sa pangalan nya. Hindi ulit sya sumagot. Napakunot tuloy ang noo ko. Nakapagtataka naman kasi... Nauna kaya syang umuwi, eh bakit hindi sya sumasagot? Hindi ba sya dumeritso sa bahay? O ayaw lang nya talagang sumagot dahil ako 'yung tumatawag sa kanya? Napabuntong hininga na lang ako. Galit yata sya sa akin!

Pero.. 'Yung ice cream...

"Samantha!" tawag ko ulit sa kanya. Pumunta ako sa may sala. Wala pa ring sumagot. Napabuntong hininga na lang ako. Baka siguro may pinuntahan pa sya at hindi sya dumeritso sa bahay. Napatayo ako sa pagkakaupo ng may narinig akong kalampag sa may kusina. Baka 'yung pusa ni manang Selda! Naku! Baka pinakialaman 'yung binili ko... Maglalakad na sana ako ng may biglang sumigaw sa likuran ko.

"Hoy!" napapitlag ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Nagulat ako doon ha! Akala ko kasi ano na?! May kwentu-kwento pa naman noon na may mga 'unlike ours' a.k.a. multo dito sa bahay ni Father. Humarap ako at ganun na lang ang gulat ng makita ko si Sam...

Ang weird lang no?!

Hinahanap ko sya, 'tapos ngayon na nakita ko sya, nagulat ako? Napailing na lang ako. Simon... i-tuwid mo nga ang utak mo!

"Bakit ba tawag ka ng tawag sa pangalan ko? May kailangan ka ba?" inis na tanong sa akin ni Sam. Napatingin ako sa kanya.

Agad na nanlaki ang mata ko! Hindi ko kasi sya nakita kanina-Mali hindi ko napansin yung damit nya-Hindi! Ano! Aish!

Ano ba ang pinagsasabi ko?! Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya at napahimas na lang ako sa batok ko. Okay... Kalma lang... Hindi ko napansin na...Nakatapis lang sya ng twalya! Napalunok ako. Dahan-dahan na tumingin ulit ako sa kanya. Tinitigan ko sya ulo hanggang paa. Nagulat ako ng mapatingin ako sa mukha nya, nakataas ang isang kilay nya 'tapos pinamaywangan nya ako.

"Tingin-tingin mo?!" sigaw na tanong nya sa akin.

Umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Ano ba 'tong si Sam?! Bakit hindi sya nagdamit?! 'Yung MATINONG damit ha!

Tumalikod ako sa kanya. "May binili akong ice cream para sa 'yo..." mabilis na sagot ko sa kanya at nagmamadaling naglakad ako papunta sa kusina.

Aish! Ano ba ang ginagawa ko?!

Sam's Pov

Napailing na lang ako habang tinitigan si Simon. Iwan ba ako? Psh!

Tsk! Tsk!

May kaadikan din 'tong si Simon eh. Tinawag-tawag ako. 'Tapos ng magpakita ako, bigla na lang umalis? Psh! Napatingin ako sa suot ko. Bwisit! 'Yan tuloy nakita nya akong nakatapis lang. Hindi kasi makahintay... Hay... Ang adik lang talaga! Psh! Pero may ano daw ... Ice cream?

Napangiti ako ng malaki.

Galing, nakabugbog lang ako, may ice cream agad ako! Bumbogbog na lang kaya ako everyday para may ice cream ako? Ma-try ko nga... Pero dapat ano... Sa malayong lugar hindi dito... Tama! Tama! Masisira ang tito ko eh!

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon