Twenty-Two

2.5K 50 3
                                    


AN: Dedicated to JoeyJMakathangIsip. Silent reader po ako ng story niyong  When a gay fell in love with a girl. Hope you like it ^__^



Sam's POV


"SO, saan mo gustong pumunta?!" tanong sa akin ni Andrew ng makalabas kami sa hospital. Tumingin lang ako sa kanya. Tanga lang?! Alam ko ba ang mga lugar dito! Kabilang bayan lang ang alam ko at 'yung shrine na... Aish! Basta! Dayo lang kaya ako! Nag roll lang ako ng eyes sa kanya. "Oh I forgot! You're a tourist!" sarcastic na sabi niya sa akin sabay talikod sa akin. Nice! Ang nice talaga ng ugali ni Andrew!

Nag roll lang ako ng mata. Nakita ko siyang umupo siya sa may... Ano nga tawag dun sa may banitang na humahati sa lawn ng naglalakad at sa kalsada. Aish! Basta siya dun sa may baitang. Umupo na lang din ako sa may tabi niya.

Walang nagsalita sa amin. At dahil sa hindi ako sanay sa tahimik, I need to talk!

"Alam mo, Andrew, sayang ang ate mo, ang ganda-ganda niya..." sabi ko sabay tingin sa kanya. Boring na tiningnan niya ako sabay tingin sa may kalsada.

"Gwapo kasi lahi namin..." mayabang na sabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko na sakalin siya dahil sa pagiging mahangin niya. Pero, may ipagmamayabang naman siya! At totoo naman talaga na gwapo siya... Tsk! Landi lang Sam?! Napangiti na lang ako 'tapos ay napailing. Hay naku, Andrew!

"But why she end up like that?" puno ng hinayang na tanong ko sa kanya. Kasi naman, ang ganda niya talaga. Siguro kong isasali siya sa mga beauty contest, tiyak na mananalo 'yun. O 'di kaya kung mag-momodel siya, tiyak na sisikat ang babaeng 'yun. Kaya bakit?!

"I was a coward..." puno ng kalungkutan na sabi niya. Napakunot ang noo ko. Why... Bakit nag-iba yata ang boses niya? Atsaka, anong connect ng pagiging duwag niya sa pagiging baliw ng ate niya? Napatingin ako sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. "Tingin ko nga hanggang ngayon duwag ako..." mahinang dugtong niya na sapat lang na marinig ko.

Teka... Teka lang... Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang naging ganito?!

"Masaya ang pamilya naming even though kami na lang tatlo nila kuya Simon, Ate Carla at ako..." ngumiti siya ng mapakla at tumingin sa may haraan namin. Napatingin na lang din ako sa tinitingnan niya. "Bata pa lang ako sinabihan na kami ni kuya na magpapari siya, si Ate naman sinabi niya na siya na lang bahala sa negosyo namin kasi alam niya naman na wala akong hilig dun..." sabi pa niya. Lihim na napanguso ako sa sinabi niya. Yeah right! Magligtas ng tao ang gusto mo! Superman to be exact! Hindi na lang ako nagsalita at nakinig na lang ako sa kwento niya! Sa maala-MMK na kwento ng buhay niya.

"Kaya after graduation sa high school, umalis ako dito sa San Vicente, lumuwas ako ng Manila to pursue my dreams. I took up Med Tech for my prep. I was busy studying kaya hindi ko na nakakamusta si ate and then one day, nagpadala ang mayordoma namin sa bahay ng sulat sa akin. She said my sister met this guy name Alfonso. Naging magkasintahan sila but this Alfonso is a dick! Binuntis niya ang ate ko 'tapos iniwan niya 'to. Ang nakakainis pa, na-depressed ang ate ko nun..." galit na galit na sabi niya. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Parang biglang may kumurot sa damdamin ko ng makita ko ang itsura niya. Makikita mo ang pain sa mukha niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at tumingin ulit sa may kalsada.

"Umuwi ako agad nun ng matanggap ko ang sulat na 'yun at nakita ko kong gaano kalaki ang ginawang kasamaan ng lalaking 'yun sa ate ko. She used to be a happy woman, full of life pero ang nadatnan ko dito, tulala 'tapos bigla na lang umiiyak. I was 18 at that time kaya hindi ko alam ang gagawin ko kasi hindi ko kayang magpakalalaki para sa ate ko, I always depend to my kuya Simon na wala dahil nasa Cebu siya...." tumigil siya sa pagsasalita at narinig ko siyang huminga ng malalim. "Well, pumunta ako sa Cebu para sana makausap siya pero mga bwisit ang mga taong nandoon... Hindi ko daw pwedeng makita si kuya ko kasi nasa stage daw siya kong saan tini-test kung para ba talaga sa kanya ang pagpapari kaya umuwi ako ng frustrated! That's why I made a very bad decision..." walang kaemosyong-emosyong sab niya at naramdaman ko siyang tumingin sa akin. Napalunok ako at dahan-dahang humarap sa kanya. Napalunok ulit ako ng makita ko ang itsura niya. He's so serious at the same time so sad. May ganun ba? Eh sa 'yun ang nakikita ko sa kanya. "Akala ko makakabuti na mawala ang bata sa sinapupunan niya para maka-move-on na siya kaya pinainom ko siya ng gamot na pampalaglag..." bigla akong hindi nakagalaw. Parang nakalimutan kong huminga sa sinabi niya. Napatitig ako sa mukha niya. WHAT THE HELL?! Pinainom ng pampalaglag? Napalunok ako. Dahan-dahan akong napatingin sa kalsada. He's ....a.... killer?

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon