Sam's POV
"SIMON..." tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. Napalunok ako at napaurong ang dila ko ng makita ko ang mukha niya.
"Bakit, Sam?" nakangiting tanong niya. Kakauwi lang niya sa bahay. Ewan kong saan sila nagpunta ni tito pero si tito, hindi pa nakakauwi sa bahay dahil nasa isang pyesta, at nakiki-party-Joke! Nagmimisa siya dun 'tapos matatagalan daw siya ng uwi dahil may binyag pa, 'tapos may mag papa-blessing daw sa kanya na mga bagong bahay sa isang subdivisyon. Kaya talagang matatagalan siya doon. Napatitig ako sa kanya.
Napalunok ako. Bakit ang hirap sabihin sa kanya? Pero kay Andrew, parang wala lang na sabihan ko siyang maging model sa gagawin ko? Dahil ba... Asar! No! Wala akong pagnanasa sa kanya! I'm professional! Umiling ako at huminga ng malalim. Tsk! Mapapatay ko talaga si Andrew! Kung hindi siya tumanggi, hindi ko to gagawin! Tumingin ako sa mata niya. "Simon, I want you to be my model!" diretsung sabi ko sa kanya. Kumunot lang ang noo niya.
"Model?" inosenteng tanong niya. Nawala ang lahat ng inimagine ko sa kanya ng sabihin niya 'yun. Fuck! Ano ba ang naisip ko at siya ang gagawin kong model para sa nude painting ko? Napasapo na lang ako sa noo ko. Inuuna kasi ang landi eh! Pero paano 'to? Nasabi ko na sa kanya.
Nag-isip ako ng magandang idadahilan. Napangiti ako. Tumingin ako sa kanya. Tinitigan ko siya ulo hanggang paa. Well, alam kong masamang gamitin ang pigiging tanga ng isang tao pero ngayon ko lang naman gagawin 'to eh. Para 'to sa project ko.
"Yeah, gagawin kitang model." Nakangiting sabi ko sa kanya sabay tingin sa mukha niya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. Nakapagdecide na ako. Gagawin ko siyang model! Napahagikhik ako sa naiisip kong mga 'evil plan' para sa kanya. "Kaya sige na, maghubad ka na dahil pipintahan ko ang buong katawan mo..." nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko man siya makitang makahubad lahat-lahat but pwede ko namang hawakan ang katawan niya habang pinipintahan siya—Damn!
'Wag manloko ng kapwa kasi kapag nanloko ka, nagbabagang apoy ang naghihintay sa 'yo kapag namatay ka.'
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang biglang naisip ko ang mga linyang 'yun.
Bakit naalala ko bigla ang sinabi ng madre noon nung high school ako? Napakunot ang noo ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko ulit. Patay na kaya siya. Napayakap ako sa sarili ko. Nasa paligid ko lang ba ang kaluluwa niya? Biglang umihip ng malakas ang hangin. Nanlaki ang mata ko.
Sister Mia?
Napatingin ako sa paligid ko. Oh God! Hindi kami close pero masasabi ko, siya ang pinakamabait na madre nung high school ako. Hindi kasi ako nakatanggap ng kurot kapag nagiging pilya na ako sa klase niya nun eh puro verse lang sa bible ang binabato niya. Napalunok na lang ulit ako at tumingin kay Simon. Ngumiti ako ng alanganin at nag peace sign. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Pinagtitripan lang kita." Sabi ko sa kanya sabay takbo palayo sa kanya. Ghad!
Simon's POV
NAPAKUNOT ang noo ko nang biglang tumakbo si Sam papasok sa kwarto niya. Anong nangyari sa kanya? Napailing na lang ako. Maybe she's stress. Very stress kaya kung anu-ano ang ginagawa niya. I hope maging okay na siya. Nainis ako ng biglang humangin ng malakas ulit. Hay, naku!
"Andrew, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, 'wag mong galawin 'yung malaking electric fan sa simbahan!" sigaw ko kay Andrew na nasa kwarto niya. May mga butas kasi ang pintuan ng kwarto niya kaya lumabas 'yung hangin galing sa electric fan kaya huli siya! Impossible kasi na galing sa normal electric fan galing ang hangin! 'Yung vase kasi parang lilipad na dahil sa hangin!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
Romanzi rosa / ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam