Naubusan ng Filpino words ang babaeng nagsulat nito kaya humanda sa mga wrong grammar at promise kailangan ng matinding 'understanding'. Nabuang na jud ko bay!
---------------------
Simon's POV
"~Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong ito...
Lalalalalalalalalalala~"
Napatigil ako sa paghahalo ng pintura at napatingin ako kay Sam nang 'Lalalala' na lang 'yung lyrics ng kinakanta niya.
Busy siya sa pagpipinta habang nakikinig ng music at kumakanta. May headset sa tenga niya kaya hindi ko alam kung ano ang pinakikinggan niya pero base sa lyrics kanina at pagkanta niya ngayon, tadhana yung pinapakinggan niya ngayon.
Ini-swing-swing pa niya ang ulo niya habang nag 'lalala'. Bigla siyang tumigil sa pagpipinta 'tapos inilapit niya 'yung brush niya sa bibig niya na para bang ginawa niyang mikropono at kumanta ulit siya with feelings...
"~Ba't di pagpapatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan--- "
Napatigil siya sa pagkanta dahil nang dinilat niya ang mata niya ay nakita niyang nakatitig ako sa kanya. Dahan-dahan niyang binaba 'yung brush na nasa bibig niya 'tapos tinaasan ako ng kilay.
"May iniisip ka bang masama sa akin dahil nakita mo akong mukhang ewan?!" maangas na tanong niya sa akin. Pinigilan kong mapangiti sa tinanong niya. Kahit hindi niya pinapahalata, alam kong nahihiya siya. Hay naku, Sam!
"Wala noh..." sagot ko sa tanong niya.
Mas tumaas ang isang kilay niya.
"Weh?"hindi naniniwalang tanong niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti kaya mabilis na tumalikod sa kanya.
"Hoy Simon, sinasabi ko sa 'yo! Lokohin mo na ang lahat 'wag lang ako! Kasi alam ko 'yan eh! Alam ko ang mga titig na ganyan kasi ganyan ako nakatitig sa mga taong mukhang ewan!" inis na sigaw niya sa akin.
Samantha... Napailing na lang ako. Ewan ko talaga sa babaeng 'to!
Huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa kanya. Tumayo pa ako sa pagkakaupo ko sa maliit na upuan na inuupuan ko. "Sam, hindi ako nakatitig sa 'yo dahil sa mukha kang ewan..." pang-aalo ko sa kanya. Nakabusangot kasi ang mukha niya habang masama ang tingin sa akin.
"Talaga lang ha?" tanong niya.
"Yeah... Actually, kaya ako nakatingin sa 'yo kasi naaliw ako and I find you cute by the way..." Natigilan ako sa huling sinabi ko kay Sam. Shit! Really, Simon?! Did you really said that to Sam?! Ang sarap ihampas sa pader ang ulo ko! Baka ano pa ang isipin ni Samantha!
"Really?" mahinang tanong ni Sam sabay hawi ng baby hair niyang mukha ng bangs. Pinapungay niya pa ang mata niya at nagpa-cute sa akin.
Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Yeah..." mahinang sagot ko sa kanya at umupo ulit ako sa inupuan ko kanina at pinagpatuloy 'yung ginagawa kong paghahalo ng pintura kanina. Gagamitin kasi 'to mamamaya eh.
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam