Simon's POV
"SAAN KAYO GALING?!" sigaw na tanong ni father Ismael sa kanila pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay.. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa. Tsk! Tsk! Nakakaawa silang tingnan. Nakayuko lang sila habang pinapangaralan ni father. At kahit gustuhin ko mang iligtas sila, hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Lalo na at galit na galit si Father sa kanilang dalawa. "Alam niyo ba kanina ko pa kayo pinaghahanap?!" galit na tanong niya. "Pinag-alala niyo kami! Akala na namin may nangyaring masama sa inyo? Kasi bukas 'yung gate ng simbahan 'tapos hindi lock ang pinto ng bahay!" galit na dugtong niya. Napatingin ako kay father. Parang sasabog na 'yung mukha niya. Ang pula na kasi ng mukha niya at may lumalabas na ugat sa leeg niya. Napalunok na lang ako. Galit na galit talaga siya. Baka mabuhatan niya ng kamay sila Sam at Andrew. Speaking of Andrew, ano ba kasi ang ginawa nila o saan ba sila nagpunta?! Makakatikim talaga sa akin ang kapatid kong 'to mamaya. "Atsaka, sinong tanga ang nag-iwan bukas ang washing ma-
"Ako 'to!" sabad ni Sam na ikinalaki ng mata ko. Dahan-dahang tumingin ako sa kanya. Anong nagyari sa kanya? Why... Bakit parang galit na galit siya?! May ginawang bang hindi maganda si Andrew sa kanya? "Naiwan kong bukas 'yun, happy ka na?!" inis na tanong niya. Napakunot ang noo ko ng mapatitig ako sa pisngi ni Sam. Bakit ang pula ng isang pisngi niya? Blush-on? Pero diba dapat magkabilang pisngi ang mapula? Bakit isa lang? Kasi uso? Wow! Minsan ang weird talaga ng mga babae!
"Anong nangyari sa pisngi mo?!" tanong ni father kay Sam. Hinawakan niya pa ang pisngi ni Sam at tinitigan ng mabuti.. "Sinuntok ka ba? Sinampal? Ano? Atsaka sino?" sunod-sunod na tanong ni father. Napangiti na lang ako. Kahit hindi palaging pinapakita ni father, alam kong concern siya kay Sam kaya naiintindihan ko na kong bakit siya gumaganyan ngayon."Sam sagutin mo ako?!" inalis ni Sam ang kamay ni father sa pagkakahawak sa pisngi niya at umiwas ng tingin dito.
"Sinampal ako ng mga hindi ko kilalang lalaki." Mahina pero madiin na sabi niya. Tumingin siya ulit kay father. "'To pwede bang mamaya na lang tayong mag-usap, masakit kasi ang ul--
"Hindi!" madiin na saad ni father. Napatingin ako sa kanya. Oh no... Akala ko ba okay na ang lahat? Para yatang mas lalong nagalit si father. "Samantha, ano bang problema mo?!" frustrated na tanong niya kanya. Lumapit naman sa akin si Andrew na para bang naramdaman din niya ang biglang pagbigat ng atmospera na nakapalibot sa amin.
"Kuya..." napatingin ako kay Andrew ng magsalita siya sa gilid ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin paramanahimik siya. May ipapaliwanag pa siya sa akin, baka nakakalimutan niya! Tinikom naman niya ang bibig niya at yumuko. Napatingin ako kina father at Sam.
Nakita kong nakatitig si Sam kay father na ngayon ay nakadugtong ang kilay at naniningkit ang matang nakatitig sa kanya. "What do you mean?!" matapang na tanong niya.
"Hindi ka naman kasi ganyan dati!" sigaw ni father Ismael. "Napakabait mong bata! Ikaw 'yung klase ng bata, magsasalita lang 'pag tinatanong pero ngayon Sam hindi lang salita ang ginagawa mo, nagmumura ka na. Hindi ka na gumagalang! Sumasagot ka---
"Shut up!" sabad ni Sam kay father. Galit na hinarap ni Sam si father. "Hindi ka naman ganyan dati?" nang-uuyam na sabi niya. 'Tapos tumawa siya ng mapakla."Akala mo lang na hindi mo alam ang nangyari tito, pero alam mo tito!" nagwawalang sabi niya "Alam na alam mo 'to! Atsaka wala? Eh sa dami--*PAK"
"Father!" sabay na sigaw namin ni Andrew. Hindi ko inasahan na gagawin niya 'yun! God!
Sabay namang tumingin sila father sa amin. "Shut up!" sabay na sigaw nila. Napatikom kami sa sinigaw nila at napatingin kami sa isa't-isa ni Andrew. Okay... Isa lang ang ibig sabihin nun, 'wag sumawsaw sa away nila!
BINABASA MO ANG
Bad Girl, Good Kisser (Complete)
ChickLit"Ang dry kasi ng lips mo, kaya binasa ko..."-Sam