Seven

5K 129 13
                                    

Sam's POV

"Inakit nya po ako!"

Napatawa lang ako ng malakas ng isigaw ng gagong 'yun ang salitang 'yun... Wow! Ang lakas ng loob nyang sabihin 'yun! Sa harapan ko pa talaga ha? Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Sa gandang kong 'to at sa pangit nyang 'yan.... Aakitin ko sya? Tiningnan ko ulit sya. Wow! Gwapo mo kuya! Tumawa ulit ako. Grabe! 'Yung kakapalan ng mukha nya, 'di ko matantya! Wow! But I guess, pinaghalong encyclopedia at dictionary ang kakapalan ng mukha nya ha! O baka mas malala pa dun! Grabe! Jusko!

Whooo! Galing! Talaga ni Boy kanina!

Tinitigan ko sila kuya pulis, si ate na may-ari ng karinderya, 'yung mga tanod na umawat sa akin kanina at higit sa lahat si Simon. Nakataas ang isang kilay nila habang nakatingin kay 'Boy Kanin' a.k.a. Juan Manyakis....

Pati sila hindi makapaniwala! Naman! Sino bang maniniwala sa gagong 'to? Mga taong taga-Human rights? Nabugbog ko eh! Kasi sabi nila kahit may kasalanan ang isang tao wala daw karapatan bugbugin... Sus! Wala sila sa posisyon ko kanina!

O diba may connect ang pinagsasabi ko?!

Laki! Sobrang laki ng connect! PLEASE INSERT THE WORD SARCASTIC!

"Sigurado ka ba dyan Juan?" naniniguradong tanong sa kanya ni kuya Pulis sa kanya. Tumingin sya sa akin at napa-smirk ako. Galing ko talaga! Pwede na akong mag-applay na maging ka-tropa ng mga pangit na lalaki sa wrong turn! Galing kong mang-torture! Napangisi na lang ako ng maaalala ko 'yung nangyari kanina...

Pumiglas ako ng bongga para makawala sa pagkakahawak ng kung sino mang adik ang nakahawak sa akin. Kasi una sa lahat, ang baho ng kamay nya. Pangalawa, hindi ko carry ang pawisan nyang braso at higit sa lahat ayokong ma divirginize ng isang adik!

In full force level, inapakan ko ang paa nya kaya nabitawan nya ako. Agad na siniko ko sya sa mukha! Gago sya! Anong akala nya sa akin si Mara? Si Flor de Luna? Flordeliza? Pwes nagkakamali sya! Ako kaya si Amor powers original!

Bwisit!

Para saan pa at nag-aral ako ng karate ng isang taon, kung hindi ko ma-aplay sa totoong buhay?! Kaya humanda sya! Agad na naghanap ako na pwedeng ipalo sa ulo nya. Napangiti ako sa nakita ko. Kutsilyo! Kukunin ko na sana 'yun ng may humila ng buhok ko kaya napasigaw ako. Shet na naghihinagpis! Ang sakit ng ulo ko! Pero hindi 'yun ang issue dito! Bagong rebound kaya ang buhok ko kaya.... Bwisit!

"Bwisit na babae!" inis na sigaw nung lalaking may hawak ng buhok ko... Kung hindi ko lang iniisip ang buhok ko baka tumawa pa ako sa sinabi nya... Ako? Bwisit? Wow!

Humarap ako sa kanya para suntukin sya sa mukha at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si 'Boy kanin'! Aba't gago sya ha! Sinuntok ko sya ng malakas sa ilong kaya nabitawan nya ulit ako. Kinuha ko 'yung kalan at pinagpalo-palo ko 'yun sa mukha nya.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit! BWISITTT!" inis na sigaw ko habang binubugbog sya.

Sinipa!

Sinuntok!

At pinalo ko sa kanya 'yung kalan!

Bwisit sya!

Paulit-ulit na ginagawa ko 'yun sa kanya at tuwing ginagawa ko 'yun lagi lang syang sumisigaw ng 'Aray!'!

Malamang!

"Ano ang nangyayari dito?!"

Napatigil ako sa pagsipa sa kanya ng may biglang sumigaw sa harapan ko... "Ate?" bigla kong naibaba ang kalan. Napatingin ako sa diswashing area nya. Napalunok ako. Lagot! May nabasag na mga baso at plato...

Bad Girl, Good Kisser (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon