JEROME'S POV
"Tsk." Dumekwatro ako saka sumandal sa upuan habang nakatitig sa phone ko.
Kahapon pa tumigil sa pagtetext sakin si Janella, ngayon ni tuldok wala akong natanggap. Nagtampo naman talaga ako pero syempre sino ba namang hindi patatagalin ang pagtatampo kung ang babaeng mahal mo ang susuyo sa 'yo?
Ang daya naman, kapag siya ang nagtatampo hindi ko siya tinitigilan. Kapag ako, susukuan niya agad. Palibhasa alam niyang hindi ko siya matitiis.
Tama, hindi ko siya matitiis kaya ako naman ang manunuyo kahit ako talaga ang nagtatampo. Kasi ganito talaga dapat kapag nagmamahal, gagawin ang lahat para sa prinsesa mo.
Nagsimula na akong magtext.
To: My J
Pst!
After Five minutes wala pa siyang reply, sinubukan ko ulit.
To: My J
Janellaaaaaa?
After Ten fucking minutes, wala pa rin. Mukhang pahihirapan ako nito, dapat talaga nakipagbati na agad ako.
To: My J
Mishu :(
Napailing ako saka tumayo habang nagta-type.
To: My J
busy ka?
Naglakad-lakad ako habang naghihintay ng reply na mukhang hindi naman darating. Sumandal ako sa pader at tumutok ulit sa phone ko.
To: My J
nagtatampo ka? :( sorry na..
Hindi na ako nagtext ulit, naghintay ako ng reply for Fifteen minutes. Halos iuntog ko ang ulo ko sa pader kahihintay sa reply. Wala!
"JEROME! Get ready for your scene!"
"Uh, yes direk!"
Huminga ako ng malalim saka ibinulsa ang phone ko.
"Ready ka na?" Tanong ni Jane.
Pilit akong ngumiti, "Sana.."
Tumaas ang kilay niya at pinatong ang kamay sa kanang balikat ko, "Jerome, I trust you. You're a great guy and a great friend, alam kong hindi naman ganun ka big deal 'to, pero we need to make it real at alam kong hindi mo naman 'to itatake advantage. Some may bash you or me for this pero--"
"Jane, Jane. It's okay, let's just be professional about it, okay?" I smiled reasurring her na okay lang talaga, "Kabado ako kasi pareho nating on screen kiss ito, pero kakayanin, 'di ba?"
She nodded kaya ngumiti ako at tumalikod na. Hindi pa rin ako mapakali. Wala pa ring reply si Janella!
Nilabas ko amg cellphone ko at dinial agad ang number niya. Hindi ko inaasahang sasagutin niya agad sa unang ring pa lang.
"Hello?" Bungad ko dahil wala akong naririnig sa kabilang linya.
Naglakad-lakad ako, hindi alam ang sasabihin o gagawin.
"Baby.."
Suminghap siya sa kabilang linya, "What?! Anong baby? Baby your face!"
Imbis na mainis ako ay natawa agad ako pagkaputol niya ng linya.
Atleast narinig ko ang boses niya 'di ba? Sapat ng inspiration 'yon para sa scene namin ngayon.
***

BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...