JANELLA'S POV
"Well, she's his first love."
"First love?" Tanong ko ulit.
"Yup. Why, selos ka? Don't worry, ang alam ko kasi siya mismo ang nang iwan kay Jerome, kaya wala na naman siguro siyang gusto sa boyfriend mo."
"Kuya Rob, hindi ko siya boyfriend!!" Sigaw ko.
Tinawanan niya lang ako over the phone, "Basta magtiwala ka lang sa Jerome mo."
Uminit ang pisngi ko, "Kasi! Nabanggit ko lang naman 'yung Loreen. Hindi naman ako nag-iimbestiga or ano. I really called you para doon sa pinapatanong ni Mama."
"Whatever, so hindi mo dineny na Jerome MO?" Tawang-tawa na tanong niya.
"Che! Friends lang kami. Saka wala akong pake sa Loreen na 'yun, magsama sila! Isaksak ko pa siya sa baga ni Jerome eh!"
"Okay, so hindi ka nga inis sa kanya."
"Oo at mas lalong hindi ako threatened ah."
Tumawa siya ng malakas, "Uh huh. Okay, sabi mo, e. At hindi ka rin defensive."
Kumunot ang noo ko and sighed out of frustration, "Bakit ba napunta doon ang topic. Sinabi ng hindi si Jerome o 'yung Loreen na 'yun e. Sige, bye na kuya."
"Okay, and stop killing her in your mind okay. Like what I've said, baka magkaibigan na nga lang talaga sila. Magtiwala ka lang sa Jerome mo."
"Kuya Rooooob!"
Tumawa siya saka ako binabaan ng telepeno. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama saka napatingin sa cell phone ko. 'Yung walang hiyang Jerome na 'yun, hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam. Akala ko dahil hinatid niya ako dito sa bahay days ago at dahil nakita ko siyang kasama 'yung Loreen na 'yun, akala ko susuyuin niya na ako.
Akala lang. Maling akala na naman. But it's because of me anyway, I chose to be just a friend. It's my decision kaya wala akong karapatan.
Decisions, decisions...
Biglang nagvibrate 'yung phone ko, it's Loreen.
From LOoseREEN:
What's up? You sure it's alright? :)
Napabuntong-hininga ako, saka ko inayos ang pangalan niya. Grabe, nawala kasi ako sa sarili ko nung araw ng birthday ni Jerome, kaya medyo masama ako that day para gawing Losereen ang name niya.
To Loreensecure:
Yeah :)) excited to see u
Nainis naman ako bigla. Ako ang nagmukhang insecure, pinalitan ko ulit ang contact name niya, this time, Loreen na lang.
Pupunta kasi siya sa set ng Oh My G mamaya. Nagligpit na rin ako ng gamit para makadiretso na sa set.
***
"Hi Janella!"
Nagulat ako nang tuloy-tuloy siyang pumasok sa tent. Ang aga naman nito.
"Andiyan ka na pala, hello.." Napako ang tingin ko sa likod niya. Bakit kasama nito si Jerome? Magkasama na naman sila?
Kinunot ko ang noo ko, "Wala ka bang trabaho ngayon?" I asked pointing at Jerome. Sasagot na sana siya kaso inunahan siya ni Loreen, "Bukas pa. Grabe, sa mga susunod na araw magiging busy siya sa taping, tas may events pa siyang pagkakaabalahan tapos movie shoot niyo."
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
De TodoWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...