Chapter 53

219 9 1
                                    

JANELLA'S POV

Kumuha ako ng towel at pinunasan ang mukha ko. Medyo nakakapagod 'yung workshop namin ni Elmo ngayon kasi ang daming pinagawa ni direk. It's been a stressful day, mula pa kanina sa ASAP. Apat kasi kaming kumanta ng live, I thougt our number did well until I read some tweets saying na sinasapawan ko 'yung iba.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag tweet tungkol doon, I've had a horrible day and I'm just trying hard to calm down.

"Hey... okay ka lang?" Halos napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Elmo. Akala ko umuwi na 'to.

Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

"Bat nandito ka pa?" I asked.

"May naiwan lang. Ikaw?"

"Nagpapahinga lang saglit." Tumaas ang kilay ko. "Hindi ka pa ba magmamadali?"

"Why?" Kunot noong tanong niya.

"Well, it's Valentine's day!"

Natawa siya sa sinabi ko at nag kibit balikat. "I surprised her already. Susunduin ko na lang siya mayamaya."

"Say hi for me! Joke." Nag peace sign ako. Hindi naman kami magkakilala ni Janine, FC ko naman kung ganun.

He grinned. "You should meet her, she's really nice-unless pagselosan ka niya."

I crinkled my nose. Wala namang dahilan para magselos ang girlfriend niya, but I guess it's natural to be jealous sometimes.

"She wouldn't be jealous! She's a kapuso kaya, hindi niya mapapanood." Tumawa ako. "And sagot ko na promo kaya she wouldn't be jealous."

"Crazy!" He laughed and nodded. "But thanks, Janella. Ikaw? Walang lakad?"

He looked at me with teasing eyes. I can't help but compliment his silly face. He looks much better kapag nakangiti. Minsan kasi para siyang badtrip palagi. Emotionless or bored lang talaga. Siya 'yung klase ng tao na sa unang tingin akala mo mahirap makipaglapit but I'm definitely wrong. He's been nice and friendly so far. Awkward lang talaga 'yung mga unang pagkikita namin.

Ngumuso ako nang bumaling sa kanya. "My bed is waiting for me at home. My date for today."

"Talaga lang?"

"Yup."

"Okay." He nodded though he's smirking as if he knows a secret about me. Sinimangutan ko siya.

Inaya niya akong sabay ng bumaba pero tumanggi ako at pinauna ko na siya. Tumingin ako sa phone ko, wala pa ring text.

He promised he'll take me out for dinner. Siguro masyado pang maaga?

Bumaba na ako at lumabas ng building para magpahatid sa bahay. I'm already hungry kaya kumain muna ako ng konti para maenjoy ko pa 'yung food sa dinner namin ni Jerome.

"Why don't you eat dinner already? Hindi 'yung panay ang papak mo sa ulam." Pangaral ni Mama nang madaanan ako sa kusina.

Tinagilid ko ang ulo ko habang naghahanap pa ng makakain sa ref.

"Ma, I can't eat dinner yet." I said as a matter of fact.

She looked like she realized something when she laughed. "Oo nga pala, it's Valentine's day. Ang hirap talaga kapag walang nagpapatibok ng puso mo, nakakalimutan mong araw ng mga puso. By the way I bought pizza, kaso may dinner kayo diba?"

Kinagat ko ang labi ko at tumango. Pizza, oh my god. I want a slice but I know I won't be able to stop eating! Saka mabubusog ako kahit isang slice lang dahil kanina pa ako kumakain.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon