"Tita Gidge, anong sched ko bukas?" Tanong ko sa handler ko. Kinuha niya 'yung phone niya tapos chineck 'yung notebook na palagi niyang dala.
Sana wala, sana wala, sana wala.
"TVC shoot lang naman for Palmolive, why?" Nanliit ang mata niya kaya nagmukha siya lalong mataray.
"Wala lang, Tita. At anong oras ba Tita 'yung shoot?"
Tinanggal niya 'yung salamin na suot niya tapos tinitigan ako ng mabuti.
"7-10 in the morning, why, may lakad ka 'no?"
I gave her a small smile. "Bibisitahin ko lang sina Mai at Claire, miss ko na sila, e."
Ang totoo niyan, dapat pupunta kami nina Mai-Mai, Claire, Mccoy, AJ at Marlo sa condo ni Jerome bukas. Ako pa ang namilit sa kanila dahil miss na miss ko na sila. I want some BCWMH vibes around me! Nakakamiss, sobra. But then the boys are all busy, hindi rin natuloy kaya nag-usap na lang kami ng girls na pumunta na lang kina Mai-Mai.
Kalaland lang namin sa Manila, we went to Cebu kasi to promote my album which was kinda late already pero buti na lang, pinush ng management ang pagpromote.
"Sino susundo sayo?" Asked Tita Gidge.
"Driver ko lang, Tita. Sasabay ka?"
"Hindi na. I'll just have to remind you, be careful. Ilang beses na tayong sinasabihan ng bosses nito. Just be careful, okay?" Nagtaas siya ng kilay. I sighed before nodding.
"I will."
"Thank you. Napanood ko 'yung interview ni Jerome sa PEP, it was released yesterday." She held my hand then looked at me sincerely. "I'll tell you this, Jea. My job isn't easy but I'm enjoying it because of you, kayong mga parang anak ko na. Your success motivates me. You're young and smart. Decide on what you want for your life but make sure you won't regret choosing whatever you'll choose."
Hindi man niya direktang sabihin, I knew what she meant by then. But I don't get why I have to choose. Okay lang naman kay Jerome na mag-ingat kami. And there's no problem with that because people know I'm not ready for a relationship yet. They see me as a teen actress which isn't ready for real romantic scenes yet. Sa BCWMH kasi, hindi naman ako ang pinakabida. May lovelife man ako doon, dahan-dahan naman ang process at talagang pang puppy love lang or crush. Sa Oh My G, it's about the values. Hindi centered sa lovelife ko, kaya hati rin 'yung mga tao sa kung si Gabby o si Harry ang gusto nilang makatuluyan para kay Sophie kahit na established na ang loveteam namin ni Marlo.
Siguro sa MMK at Wansapanataym lang, kahit na hindi makatotohanan 'yung sa Wansa, it's still romantic, right?
Sa Haunted Mansion... well it's obvious na si Jerome ang love interest ko sa movie pero si Marlo ang lead kasi bestfriend ko siya. But then they both died.
That is probably why I'm really nervous for Born For You. Because this time, the show's foundation will be my partnership with Elmo. Sobrang laki ng tiwalang ibinigay ng Dreamscape sa amin ni Elmo considering na bago pa lang si Elmo sa network at nag-aadjust pa lang sa rules and rituals dito, habang ako naman ay—well, I still consider myself a newbie. Parang parepareho kasi roles ko minsan at alam kong hindi pa ako lumalabas sa comfort zone ko, but slowly I am.
I know I should make our tandem work. The management wants us to work closely to each other dahil sobrang laki nitong project na 'to. Elmo and I had to attend different workshops for our individual characters and as a tandem, of course.
And I'm telling you... katakot-takot na workshop ang pinagdadaanan namin ngayon.
Napatingin ako sa pusa na pumasok sa kwarto. OMG! Ang cute! Umupo ako sa sahig katabi ng pusa at hinimas siya, she looks so adorable.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...