Chapter 65

286 10 4
                                    

JANELLA'S POV

Sana maging magkaibigan tayo ulit? I laughed half-heartedly. Bakit? Dahil nakokonsensya siya? Para gumaan ang loob niya? No, I won't give him that relief.

Nang natapos ang taping namin sa Born For You ay dumiretso agad ako sa ASAP studio. Mag bo-blockings kami doon bago ako mag rehearse para sa isang dance production.

"Pagkarating mo rito, kasama mo sina Kathryn at Liza, dito ka pupwesto." Turo ni Teacher G.

Tumango-tango ako hanggang sa natapos na siya sa pagpapaliwanag. May iba ring artista na nandito at nag bo-blockings o 'di kaya ay nakaupo lang at nanonood.

Inaya na ako ng instructor ko na bumalik sa room namin para makapag practice na ulit ako.

Habang nag lalakad ako palabas ay naaninag ko si Jerome na naka tayo sa isang gilid at tahimik na naka sunod ang tingin sa akin. Nagka tinginan kami habang naglalakad ako pero binalik ko rin agad ang tingin ko sa dinaraanan ko. Kumikirot ang puso ko sa simpleng pagkakakita sa kanya.

Nakakahiya sa instructor ko dahil hindi na ako nakapag focus pagkarating namin sa dance studio. Madalas pa akong magkamali at mawala sa steps.

Narinig kong bunukas ang pinto at hindi ko na kinailangang lumingon para makita kung sino ang mga pumasok dahil kitang-kita ko ang repleksyon nila sa malaking salamin na nasa harap ko. Tumayo ako ng maayos.

"Can we watch?" Rinig kong paalam ni Inigo sa instructor ko. Wala naman 'yong problema dahil malaki naman ang studio kaya naupo lang sila sa may bandang harap ko sa gilid nang pumayag ang pinayagan sila ni Jerome.

Pareho silang may hawak na medyo malaking bag na pinaglagyan siguro nila ng damit nila pamalit.

Nakangisi si Inigo habang kumakaway sa akin nang naglalakad sila papunta sa may harap. Si Jerome naman ay nakatingin sa akin ng seryoso at hindi naputol ito kahit na noong umupo na siya sa sahig.

What the hell are they doing here? Nakakainis. Hindi na nga ako makapag concentrate dahil iniisip kong nandito lang siya sa building, paano pa kaya kung nasa iisang studio kami?

Tumingin na lang ako sa repleksyon ko nang magsimula ulit ang kanta. May back-up dancers sa likod ko kaya marami kaming sumasayaw. Concentrate, Janella. Hindi dapat ikaw ang nagkakaganyan, dammit! Hindi man lang siya nahiyang magpakita sa akin.

Ayokong mapahiya kaya ginalingan ko na at nag focus. Mabuti naman at hindi na ako napagalitan ngayon. Nang nag break time kami ay lumapit si Inigo sa akin. Nanatiling nakaupo si Jerome habang nakatingin sa amin.

"You did great!"

"Thanks. Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko.

"We're done rehearsing. Inaya ko rin si Elmo manood pero may gagawin pa raw siya. But Jerome came instead." Lumingon siya kay Jerome at sinenyasan si Jerome na lumapit dahil hindi pa rin ito tumatayo sa kinauupuan niya.

Tamad na tumayo si Jerome at lumapit sa amin.

"Nagugutom ako. Gusto mo kumain sa labas? Pagkatapos mo?" Aya niya.

Kasama kaya si Jerome? 'Wag na lang kung ganoon.

"I... I have something to do pa after rehearsing. Saka I'm going out with my mom." Sabi ko sa nanginginig na boses.

Napasimangot si Inigo at nag kamot ng ulo. Hindi ko maiwasang sumulyap kay Jerome dahil katabi niya na lang si Inigo. Naka pamulsa siya habang wala na namang ekspresyon sa mukha. Nang mapatingin rin siya sa akin ay binawi ko ang titig ko at nilipat kay Inigo.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon