JANELLA'S POV
"May attitude? What do you mean?"
Sinandal niya 'yung ulo niya sa pader, "Sinusungitan daw 'yung mga production staff, gano'n. Dahilan daw niya, kulang sa tulog, pagod. Tss. Pare-pareho lang naman tayo."
Itinaas ko 'yung binti ko sa upuang inuupuan ko at niyakap.
"Hindi siya ganun. Mahal niya ang trabaho niya that's why even when he's super tired, nakangiti pa rin siya at hyper."
"Hindi mo na siya nakakasama ng 24 hours tulad noon, magkaiba na kayo ng palabas," naiinis na sabi niya, "Pa'no mo nasiguradong hindi siya nagbago? Or hindi siya bumalik sa DATI?"
Napairap ako, why does he have to bring the past.
"Alam mo, basta ako I know na he's a great guy. That's why I lo-- like him." Tumingin ako sa malayo pagkasabi ko n'on.
"Sigurado ka? And isa pa 'yang like-like na 'yan. Nagpapakapraktikal siya. Kaloveteam niya si Jane na maganda at mabait. Madali lang magkagusto sa kaniya. Kaya malamang sa malamang, pormahan na 'yun ni Jerome hangga't loveteam pa sila para patok. Mas mapapadali sa kanila ang lahat."
Inis akong bumaling sa kaniya, "Alam mo kasi Marlo it's not all about FAME. At hindi rin magandang paasahin masyado ang supporters kung wala naman talagang something, parang panloloko na rin 'yon. And fortunately, naiintindihan 'yon ni Jerome." Tumayo ako at lumabas na ng tent.
Ang aga-aga, naiinis na agad ako. Si Marlo kasi kung ano-anong sinasabi, kanina pa 'yan. But sorry Marlo, I know what and who to believe.
Mabilis kong kinuha 'yung phone ko at tinawagan si Jerome na sinagot agad unang ring pa lang.
"Hello?" Bungad niya. Kumunot ang noo ko. He seems to be in a bad mood too. And mukhang hindi niya napansin na ako 'yung tumawag.
"Jerome?"
"Janella.." Napabuntong hininga siya, "Sorry, ikaw pala. Badtrip lang ako kaya ganu'n ang tono ko."
I smiled bitterly, "Control your anger. Pa'no kung importanteng tao lalo na sa showbiz pala ang tumawag sa'yo? Edi nahusgahan ka ng wala sa oras? Sabihin pa may attitude ka."
He sighed again then chuckled, "Sorry, sorry. Ang layo naman ng narating. Sorry na baby ko.."
Napangiti ako ng malapad, "Baby ko ka diyan! Tigilan mo ako diyan sa baby na 'yan Jerome Ponce ha."
Tumawa siya, "Joke lang. Bakit ka pala napatawag? Miss mo 'ko?"
Tumaas ang kilay ko, "Nope!"
"Eh bakit?"
"Kakamustahin lang kita."
"Edi miss mo na nga ako!"
Napakagat ako ng labi para pigilan pa ang nagbabadyang malawakang ngiti sa pretty face ko, "Hindi nga! Iba ang nangangamusta sa namimiss! Saka gusto ko lang i-check kung buhay ka pa."
"Matagal na akong patay sa 'yo." Bulong niya. Sigurado ako, nagpipigil 'to ng tawa, "Ayiee! Nagbublush na 'yan!"
Tinakpan ko ang mukha ko at tumingin-tingin sa paligid, "Hindi kaya!"
"Ows?"
"Oo nga. Ugh. I hate you."
"Weh?" Pang-aasar niya.
"I HATE YOU!"
"'Di nga?"
"I hate you to bits! Sagad sa bones."
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
CasualeWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...