Chapter 62

184 10 1
                                    

JANELLA'S POV

"I see sparks fly whenever you smile." Kanta ko habang nagliligpit ng gamit. Kagagaling ko lang sa gym ngayon at nagdidiet na ulit ako kahit na sobrang hirap dahil nasanay na naman akong maya't maya kumakain.

"Janella?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako nang makita si Inigo. Lumapit siya agad sa akin, tumango ako at ngumiti.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa gym?" Natatawang tanong niya sabay nguso sa gym na nasa likod ko. Aba't pilosopo pala 'to, e. Ngumiti na lang ako at aalis na sana pero humarang siya sa dadaanan ko. "Belated happy birthday pala. I've heard about your surprise party."

"Ah, really? Thanks!"

"Welcome. Dito ka rin pala nag-ji-gym?"

Tumango ulit ako.

"Madalas ako dito this year, bakit ngayon lang kita nakita dito?" Takhang tanong niya. Ang dami namang tanong nito.

"Bihira kasi ako makapunta dito lately, lalo na ngayong taon. Busy lalo na nung nag shoot kami sa Japan para sa upcoming show ko. Nood ka ha!"

"Sure," ngisi niya. "With Elmo Magalona, right?"

"Yup! Ah sige, alis na ko."

Tumabi siya para makadaan ako. Sumulyap muna ako sa kanya at ngumiti ulit bago tuluyang maglakad paalis.

"See you around, Janella!" Pahabol niya.

"See you around." Kahit naman nagmamadali ako, ayokong maging bastos. Weird lang dahil hindi naman kami close ni Inigo pero medyo napahaba pa usapan namin. If it was some other teen actor, baka in-acknowledge ko lang 'yung presemce ng tao at 'di na kami masyadong mag-usap.

It's been almost 2 weeks mula nung birthday ko at todo rehearse rin ako para sa birthday prod ko bukas. Excited ako para doon, Black Magic ang kakantahin ko at gusto ko ang simpleng moves sa prod na ito. We kinda copied the original performance from Little Mix, 'yung kumanta ng Black Magic. Pinanood kasi sa akin ng isang G-force instructor ko 'yung version nila sa isang awards night at nagustuhan ko.

Last week, galing kami sa Thailand for an endorsement shoot sa Olay. Kasama ko ang isang sikat na Thai actress. She was actually nice kaso nga lang hindi kami masyadong nagkakaintindihan, may taga-translate pa minsan pag may gusto akong sabihin sa kanya or vice versa. In-extend namin ni Mama 'yung trip to serve as our vacation dahil ang dami ko pang gustong puntahan sa Thailand noon. Pati si JV nag extend rin kaya kasama namin siya ni Mama. Ginawa ko siyang photographer dahil mahilig siyang kumuha ng litrato bukod sa mag-ayos ng buhok kaya ang dami ko tuloy gustong i-upload sa instagram!

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko si Mama na kumakain ng dinner.

"Have you eaten already? Halika, sumabay ka na. Manang pakuha nga po-" Umiling agad ako at sinabing kumain na ako sa labas kanina. Pinagalitan pa nga ako ni Mama dahil hindi ako nagsasabi kung nasaan ako mula kaninang umaga, hindi raw porke't 18 na ako ay magiging maluwag na siya kaya natawa ako at nag sorry na lang.

"By the way, nagkausap na ba kayo ni Jerome mula ng birthday mo?"

Napahinto ako sa pag-inom ng tubig. Bumuga ako ng malalim na hininga at umiling. Umiling bilang pagsasabi na hindi at ayoko na sanang mapag-usapan pa. I've been avoiding topics about him and my father although I'm a bit fine with my father now. Tatay ko siya at kahit masakit man na hindi niya ako priority, kailangan kong intindihin na mahirap ang sitwasyon niya, malayo pa siya sa akin noon. He kept on calling me to say sorry at babawi raw siya once na maayos na niya 'yung mga kailangan niyang ayusin.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon