Chapter 39

212 11 0
                                    

JEROME'S POV

Damn.

"Jerome I love you!"

Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Nanggigigil ako sa galit.

"Don't ever try to kiss me again, Iris," nanggagalaiti na ako sa sobrang inis, "Alam mong si Janella lang, hindi ba?! I TOLD YOU TO BACK OFF!"

Umiyak na naman siya. Ginulo ko ang buhok ko.

"Get out," malamig na sabi ko. Hindi ako makapaniwalang sinundan niya ako dito sa Korea at pinagpipilitan ang sarili niya sa akin. Lasing ako, pero nasa katinuan pa rin ang pag-iisip ko. At si Janella lang ang laman pati ng puso ko.

Sobrang nabigla ata siya sa sinabi ko na nalaglag ang panga niya. Nanginginig ang labi niya nang nagsalita siya, "J-Jerome please let's give it a t-try—" padabog kong binuksan ang pinto ng hotel room ma tinutuluyan ko.

"I SAID GET OUT. AND GET THE HELL OUT OF MY LIFE, IRIS!"

Marahan niyang pinunasan ang luha niya at nakipagtitigan pa sa akin. Pinanlisikan ko siya ng mata pero hindi siya nagpapatinag.

"You think ganun na lang 'yun kadali?" humalakhak siya at umiling, "You'll regret this day Jerome Ponce!"

"I won't."

Iiyak-iyak siyang umalis sa hotel habang nakangisi, "I'LL MAKE SURE MALALAMAN NIYA!"

Damn, I don't care. Kung gusto niya, ako pa ang magsabi kay Janella na nandito siya. Hindi na ako magpapakatanga ngayon, alam ko kung anomg pipiliin ko. Happiness? I won't settle for temporary pleasure. I wouldn't even dare cheat, kahit pa wala si Janella dito. Hindi ko kakayaning iwanan niya ulit ako, naramdaman ko na 'yon noon at ayoko ng maulit pa. I wouldn't be that same, stupid boy.

Pagkarating ko ng Pilipinas, nakareceive agad ako ng tawag. Si Julia.

"Julia?" kunot-noong tanong ko.

"JEROME, WHAT THE HECK?!" nakakabinging sigaw niya.

Napapikit ako sa lakas, "Bakit? Anong nangyayari? Julia kakauwi ko lang galing Korea.."

"I KNOW! WHY DON'T YOU JUST COME HERE AND TALK TO JANELLA?!"

Nanlaki ang mata ko. Shit. Shit! Kinakabahan ako, ito na nga ba ang sinasabi ko. I should've told her earlier, inisip ko na uuwi na rin naman ako sa Pilipinas kaya personal ko na lang na sasabihin.

Damn Janella, anong iniisip mo?

Nalaman kong nasa Wansapanataym set na si Janella, binigay niya sa akin ang address. Hindi na ako nagpahinga, dumiretso na agad ako doon.

Ang bilis ng pintig ng puso ko habang nagmamaneho ako ng matulin. Damn! Damn!

"Mister Jerome Ponce! What are you doing here?" salubong sa akin ng isang staff.

Napangiwi ako, "Uhm, bibisitahin ko lang si Janella. Nasaan siya? Busy ba siya? M-May sasabihin lang ako."

Kabadong-kabado ako habang panay ang lingon sa paligid.

"Sakto lang po ang dating niyo, pack-up na. Doon ang tent niya," iminuwestra niya sa akin ang isang malaking tent na hindi kalayuan. Tumakbo agad ako doon.

Ang daming tao sa loob! Napasinghap ako. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng tent, and there I saw her. Nakatalikod habang nag-aayos ng gamit.

Tumabi ako sa daanan dahil maraming lumalabas ng tent, hanggang sa may isang bumati sa akin kaya naagaw pati ang atensyon niya.

Nagulat ako nang nakita ko siyang kalmado. Bahagya siyang ngumiti at tumango bago bumalik agad sa ginagawa niya.

Ayoko siyang umiyak. Pero kinakabahan ako ngayong kalmadong-kalmado siya. Anong iniisip mo, Janella? Anong nararamdaman mo? Come on, show me.

Dahan-dahan akong lumapit.

"Hi," bati niya habang nakatalikod at abalang-abala sa pag-aayos ng mga gamit.

Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang ang likod niya.

"Uh.. ano palang ginagawa mo dito?" hindi pa rin siya humaharap.

"Alam mo kung bakit.." mahinang sabi ko.

"What are you talking about?" natatawang tanong niya and that laugh failed to convince me. Kinakabahan siya, alam ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tumingin ako sa paligid. Pinagtitinginan na kami.

Matagal siyang nanahimik hanggang sa tumango na lang siya at nauna ng lumabas. Sinundan ko siya kaagad hanggang sa likod ng van niya sa likod ng venue.

Nadatnan ko siyang nakataas ng kilay. Akala ko ngayon na siya manunumbat, pero kalmado pa rin siya.

"So?" inosenteng tanong niya.

Nailing ako, "G-Galit ka ba?"

Kumunot ang noo niya. Lumunok siya at yumuko, "Why.. Why would I?" parang tinatanong niya ang sarili niya.

"Hindi ba nakarating sa 'yo na magkasama kami sa Korea?" bumuntong hininga ako, "Janella, you have all the right to be mad. Pero kasi.. hindi ko alam na susunod siya at.."

"Why would I be mad?" umangat ang tingin niya sa akin. Kinabahan ako lalo dahil sa natanggap kong malamig na titig, "Bakit, Jerome? May dapat ba akong ikagalit?"

"Wala.." natulala ako.

Tumango siya at pilit na ngumiti.

"Let's just forget that, in fact we can forget everything," nag-iwas siya ng tingin.

"Kalimutan ang alin?" naestatwa ako.

Nagkibit-balikat siya at tumingin sa malayo, "Uwi na ako. Pagod na pagod ako ngayon eh."

Napaawang ang bibig ko at sinundan siya ng tingin habang dunadaan siya sa harap ko. Hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya doon.

"Pwede ba kitang ihatid?"

"May driver ako?" ngumuso siya sa van niya, "Magpahinga ka na lang. I'm sure may jetlag ka pa."

Diniinan ko ang hawak sa braso niya nang naglakad na naman siya palayo, "Okay na ba talaga tayo? I-I mean, wala ng problema?" Shit. I won't expect her to say no. Syempre! Si Janella 'yan, sasabihin niya na okay lang. Walang problema. Kahit na ang totoo, meron.

Tumango lang siya.

"I don't want you upset," habol ko.

Irita siyang bumaling sa akin sa tatlong pagkakataon, pero nakikita ko ang pagod sa mga mata niya.

"We're okay, okay? We're friends. I'm not mad or upset. I'm completely fine, there's nothing to worry about. Happy?"

Napakagat ako ng labi at nag-iwas ng tingin, "Right," I nodded and let her go.

Okay ba talaga tayo? Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

We're okay, pagod lang siya Jerome. Pagod lang siya.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon