JEROME'S POV
Dalawang linggo. Fuck. And still no means of communication with her. Minsan ay tumatawag ako sa kanya pero si Tita ang sumasagot, may shoot palagi si Janella kapag tumatawag ako.
Ginawa kong abala ang sarili ko sa pagtatrabaho at pakikisalamuha sa mga kaibiga't kamag-anak. Ang dami kong nagawa sa loob ng dalawang linggo, pero hindi ko nakaligtaang icheck ang posts niya. Mukha namang enjoy na enjoy niya ang London. And that's a good thing. Really good.
"Kukunin niyo na po sir?" Tanong nung sales lady. Tumango ako at iniabot ang card ko.
I want her beside me all the time. At sa dalawang linggo lang na ito na wala kaming direktang komunikasyon, parang nababaliw na ako. Para itong patikim, na kapag pinakawalan ko siya ay baka nga tuluyan na akong mabaliw.
Just bring me with you anywhere, Janella. I won't mind.
Pagkatapos kong pumunta sa store na iyon ay pinuntahan ko si Gelo. He's my bestfriend, iyon nga lang, gusto niya ng pribadong buhay kaya alam kong walang supporter ko ang may sapat na kaalaman sa kanya. And yes, tulad ng lahat ng magbestfriend, alam niya ang mga sikreto ko.
"Damn, bro. Sineryoso mo talaga." Namamanghang sabi niya sabay kuha sa dala ko.
"Coz I'm serious about her." Buntong hininga ko. Umupo ako sa malambot na sofa nila sa sala at humiga roon. "Don't touch it."
"Alright." Ngisi niya sabay balik sa akin nito. "Mahal nga pala ito. Baka magasgasan ko."
Kumunot ang noo ko pagkapikit. I don't care if it's expensive. I can buy another one for her. Pero iniingatan ko ang isang ito dahil para sa kanya ito.
"Shut up, Gelo."
Narinig ko ang paghalakhak niya. "You're fucked up, dude. Hindi pa rin ako makapaniwalang tinamaan ka. I thought you will never be serious."
Hindi na ako kumibo. I was so thrilled to see her reaction pagdating niya sa Pilipinas. And I miss her so bad. Natuwa ako nang sabihin ni Tita na pagkauwi nila ay magkikita agad kami ni Janella kinabukasan.
Nawawala nga lang ang excitement ko kapag nasa set. Hindi ako komportable.
"Uhm, gusto mo ng brownies?" Alok ni Loisa nung minsan.
Ngumiti ako at kumuha ng isa matapos magpasalamat. Nabigla ako nang pagkaalis niya ay nakatitigan ko si Jane. Ngumiti siya pero hindi ko nagawang suklian iyon.
"Let's be professional, okay?" Nakangiting paalala niya nang magtatake na kami ng scene namin na dapat ay sweet kami.
Tumango ako at humugot ng malalim na hininga. Nang nagroll na ang camera ay bigla kaming pinahinto ni direk.
"CUT!" Sigaw niya. "Jerome, higpitan mo pa ang yakap mo. Dapat mukhang sweet at sinusuyo mo talaga si Jane."
Napasinghap ako at tumango. Nagroll na ulit ang camera at hinarap ko na si Jane. Matama ko siyang tinitigan, ngiting-ngiti na siya kaya ngumiti na rin ako. Or atleast, I tried to act naturally.
"Ang galing mo kanina." Pahabol ni Jane bago siya umalis at humalakhak. "I almost thought you feel the same way."
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong nais iparating ng tono niya.
Napakagat ako ng labi nang makita ko ang pangalan ni Janella sa cellphone ko. Finally!
"Hey.." Pambungad ko.
"Jerome"
God! How I missed her voice. Napapikit ako para namnamin iyon. Ang lamig ng boses niya ay parang maiinit na mga brasong yumakap sa akin.
"I miss you." Buntong hininga ko.
"I miss you too." Pahina ng pahina ang boses niya. Napangiti ako ng malaki. I can hear longing in her voice. It made me want to fly to Europe even more. Gustong-gusto na kitang makita at mahagkan ulit, Janella.
"Sorry ngayon lang ako nakatawag, I was busy. I'm sorry. How are you?" Dying to be with you?
"Naging busy rin ako sa trabaho kaya okay lang." Napasabunot ako sa buhok ko. Yeah right, sinubukan kong magpakabusy pero nawawala ako sa focus kapag naiisip siya.
"Ahh.."
My heart is racing so fast. Natahimik siya sa kabilang linya, pero alam kong nandoon pa rin siya dahil naririnig ko ang paghinga niya. Sumandal ako sa pader at mariing pumikit.
"When are you planning to come back?"
"3 days from now." Umubo siya na nagpakunot ng noo ko. Her cough sound severe.
"Are you sick? Nilalamig ka ba? Nilalagnat? Na allergy ulit?"
"It's normal naman, ang init sa Pinas tas pagkarating ko dito biglang.. it's freezing in here. Hindi sanay ang katawan ko that's why I have cold."
Ngumuso ako. "You had allergy in the plane, then jetlag and now you're sick again? Sana nandiyan ako para naalagaan kita."
Gusto ko siyang yakapin para mabawasan ang panlalamig na nararamdaman niya ngayon. I hope virtual hugs will do.
"I wish, too." Suminghot siya. "How's Russell?"
Napailing ako. The kid was pityful.
"Last time na bumisita ako, sobra ang iyak niya. Miss na miss na kayo. Pero nalilibang naman siya ng mga pinsan mo minsan."
"Okay, alam kong hindi ako kakausapin nu'n pagkauwi ko." Halakhak niya. "I miss his tiny arms."
"We miss you." Buntong hininga ko. "Nag-eenjoy ka ba?"
"I can't help it. Ang ganda dito. Kahit may sakit ako almost the whole time, ayos lang maglibot at magtrabaho." Bakas ko sa boses niya ang saya kaya medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.
"Just don't tire yourself that much. Gusto ko makauwi ka ng buo dito." Halakhak ko.
"Jerome! Lunch?" Napalingon agad ako kay Jane na tumawag sa'kin. Alam kong narinig 'yon ni Janella kaya napatahimik siya, tinakpan ko kaagad ang cellphone ko.
Mabigat ang titig ko kay Jane na ngiting-ngiti sa'kin. Nakikita niya namang may kausap ako sa phone, why the hell will she still disturb me? Itinuro ko ang cellphone ko para iparating na may kausap pa ako pero tila wala siyang naintindihan, lumapit pa siya at mas lumakas ang boses.
"Saan mo gusto maglunch?" Tanong niya ulit.
Iritado ko siyang binalingan. Can't you see, Jane? I'm talking to my girl. Baka kung ano ang isipin niya. And why in the world would she ask me kung saan ko gusto maglunch? We're not even talking that much, or atleast, hindi ko siya masyadong kinakausap. I don't want to give her false hopes, pero sa ginagawa niya ngayon, parang ayoko na talagang kausapin siya.
"Just a sec, Janella." Paalam ko sabay layo ng cellphone ko at baling ulit kay Jane. "I'm not available. Ask someone else. Or ask Jeron, he's probably more than willing to have lunch with you. In the first place, siya dapat ang tinatanong mo niyan." Galit pero pabulong na utas ko.
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Nagseselos ka ba?"
Nalaglag ang panga ko. Sinabi ba niya talaga iyon? Humalakhak siya at naglakad na palayo.
"That was a joke, Jerome. H'wag mong totohanin."
Hindi ko siya maintindihan. Huminga ako ng malalim bago ko inilagay muli ang cellphone ko sa tainga.
"Hello, Janella.."
She cleared her throat. Parang nawalan ng dugo ang mukha ko. Narinig niya kaya?
"Was that.. Jane?"
Napakagat ako ng labi at tumango. Too bad she can't see me, kailangan ko pang bigkasin. "Yes. Si Jane 'yon."
"You'll go with her?" Nanliit ang boses niya.
"No. I'm waiting for you."
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...