Chapter 16

287 13 1
                                    

JEROME'S POV

"Oh 'di ba! Mas bagay sa 'yo." Natutuwang sabi ni Tito Avel habang iniikutan ako at pinagmamasdang mabuti ang pagkakafit ng suit ni ibinigay niya sa akin.

"Salamat Tito," nakangiting sambit ko tsaka tumingin sa wrist watch ko, "Kailangan ko na po pala umalis, baka malate ako sa presscon."

"Oh sige, mag-ingat ka little boy. Bagay na bagay talaga sa 'yo iyang suit na iyan." pamumuri niya ulit.

Ngumisi na lang ako at nagpaalam na ulit na aalis na. Ayoko namang malate ulit.

"Jerome, oh my God!" sinalubong ako nina JC at Vaughn, "Ang gwapo mo diyan beh."

"Salamat," ngiti ko sa kanila tsaka nila ako kinuhanan ng litrato, sakto namang dumating si Jane. Mahaba ang suot niya, napangisi ako, "Pinaghandaan talaga ah. By the way, you look beautiful tonight."

Ngumiti siya ng malapad, "Thanks. You don't look bad yourself, too."

Before the event started, may ilang paparazzi na agad ang lumapit sa amin ni Jane at tinanong kami, nang dumami sila ay nagkahiwalay na kami ni Jane but I heard what she's talking about and I didn't like it.

Si Jeron na naman. I should talk to her, lately kasi ang dami niyang interview tungkol kay Jeron at sa tingin ko ay hindi na appropriate ang iba niyang sinasabi. I'm not saying na magsinungaling siya at magpanggap na may something sa amin, but what he's doing is affecting our loveteam. Parang mali ang pinopromote niya. Ako nga, kahit gustong-gusto ko ng ipagsigawan na gusto ko si Janella at angkinin, hindi ko magawa dahil bukod sa ang bata pa namin, lalo na niya, may pangalan kaming inaalagaan.

I was asked about Jane, syempre. Pero tinanong rin ako kung may iba akong nagugustuhan, syempre sinabi kong meron at sa showbiz rin.

But I can't reveal it to them yet. Una, dahil magiging issue 'yon, for sure. We have different loveteams that became a sucess, nasanay rin ang mga tao na sila ni Marlo for a long time, nagsuccess ang loveteam namin ni Jane in a short period of time, at maraming may ayaw dahil ang incest raw tignan dahil dating magkapatid ang role namin. Tsaka ang bata pa rin namin, isang maling hakbang, sira ang pangalan namin.

Pangalawa, may show ako, with Jane. Kapag nagalit ang fans namin o fans ko, there's a possibility na maapektuhan ang show.

At pangatlo, ayokong mamisinterpret ng iba. Na dahil sobrang sumisikat na si Janella ay gusto ko na siya. Or dahil lang sa may movie kami ay kailangan ko ipromote ang loveteam namin, lalo na ngayong 'di pa alam ng supporters kung MarNella or JerNella ba talaga 'yong movie.

Pero napaisip ako, tama ba 'yung sinabi ko? Mga sinabi ko, lately? Baka kasi maapektuhan na siya ngayon pa lang. I better shut up.

Hanggang sa pagpunta ko para sa rehearsals ng ASAP, iyon ang iniisip ko.

Am I too obvious?

Bumusina ako nang nasa tapat na ako ng bahay nina Janella. Bumeso ako kay Tita Jenine na lumabas agad ng bahay, sumunod rin agad si Janella sa likod niya.

"Good afternoon Tita," ngumiti ako at lumingon kay Janella na busy sa pagsusuklay.

"Anak, enough. Nandito na ang sundo mo, hindi ka dapat nag-aayos sa harap ng manliligaw mo. Dapat haharap ka lang sa kanya kapag maayos ka na."

Namula bigla si Janella at nagpapadyak na parang bata habang kung ano-anong sinasabi. Tawa ako ng tawa lalo na nang inasar ni Tita na pabebe raw si Janella.

"Finger comb, remember?" Paalala ko kay Janella sabay kuha sa suklay niya, binigay ko iyon kay Tita at hinawakan ang kamay ni Janella. "Tita!"

"Oh! Jerome?" may pagkabiglang sabi niya nang sumigaw ako para pigilan siyang pumasok sa loob.

"Can I," tumingin ako kay Janella, "Have your daughter for the rest of my life? Say yes  say yes 'cause I need to know."

Umismid si Janella tsaka ako binatukan, "HEH!"

"Go lang."

"Ma!"

Tita laughed, pero binalingan ako ng seryosong tingin. Umangat ang labi ko.

"Can I have her now, po?" Ngumisi ako, "De joke lang Tita, alis na kami!"

"Loko kang bata ka!" natatawang sabi niya, "I thought friends lang muna kayo?"

Pansin kong tumalikod si Janella sa amin para humarap sa kotse ko. Very uncomfortable of our topic, syempre mama niya itong kausap namin.

"Friends nga lang po, Ma. That's why he said joke." humalukipkip siya.

"Ah, that's why he keeps on joking. You know, you two.." Hinawakan niya ako sa balikat, at ang isa namang kamay ay sa balikat ni Janella na pilit niyang ipinaharap sa amin. Tumingin siya ng pabalik-balik sa akin bago siya bumuntong-hininga, "I know what you've been through. Not all, though. But I was there to witness some of it. At sa nakikita ko, you want to take it slow. 'Yun rin ang gusto ko. But UGH—" she groaned. Napakunot ako ng noo.

"I hate to see you guys act like this. Nahihirapan ako para sa inyo. I mean, I know h'wag talaga kayong magmadali. But you don't have to be just friends for the sake of slowing down. Like what you're doing now, flirting and all—" natawa siya pero nagseryosong muli. Napakamot ako ng ulo at naramdamang uminit ang pisngi ko, "Then you'll suddenly remember you're just friends kaya you'll end up saying it's a joke."

Hindi ko alam ang sasabihin. Biglang lumalim ang usapan, nahihiya ako na parang nalulunod sa lalim ng mensaheng ipinararating ni Tita.

"I trust you, kids. And I want you happy."

Napako ang tingin ko kay Janella. Namuo ang luha sa mata niya. Niyakap siya ni Tita at binulungan, "Jea, I know you're still scared that you'll end up hurting yourself, and be like me. But don't be. Dahil kapag sinaktan ka ng lalaking ito—" kumalas siya sa yakap at tinuro ako, "Ako ang bubugbog rito!"

"Ma naman," natatawang sambit ni Janella habang patuloy sa pagpupunas ng luha.

"Will never happen," I assured them both. "Pero Tita, salamat. Salamat talaga."

Tumango siya. "Basta ha, Janella. I know your issues, na baka magaya kayo sa amin ng Papa mo? Well, your father was a good man. It just didn't work out. But with you two, if you really love each other, you might have your own forever, malay na'tin." ngumisi siya.

Ngumuso ako para pigilan ang sariling ngumiti.

"Hindi sapat ang forever sa akin." biro ko. Sinapak ako ni Janella sa braso, napa—"Aray!" na lang ako tsaka ko hinagod ang likod niya.

"Siraulo ka talaga! Hindi pa nga napapatunayan ang forever, tapos hindi pa sapat 'yun sa'yo? Imposible na ata gusto mo, eh?" sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

Natawa ako at hinawakan ang kamay niya para pigilan sa pagpupunas ng luha. Hinalikan ko ang mga ito bago ko hawakan gamit ang isang kamay oara magamit ko ang isa pa sa pagpupunas ng mga luha sa pisngi niya.

"Patutunayan natin ang forever." Nakangiting bulong ko.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon