JANELLA'S POV
"Kuya Jerome!" Russell ran towards him. Binuhat agad siya ni Jerome habang tumatawa.
"Hey bro," ginulo niya ang buhok ng kapatid ko.
Umakyat ako ng kuwarto at nagshower saglit. Nang nagbibihis na ako ay kinatok ako ng kasambahay namin para sabihing kakain na.
Pagkatapos ko talagang kumain, hindi na muna ako lalabas. I feel emotionally drained. Gusto ko ng tumahimik ang buhay ko kahit sandali lang, but how can that happen if he wouldn't leave me alone?
Pagkababa ko, nilalaro pa rin ni Jerome si Russell habang nakaupo sila sa dining table. Jerome is sitting on Mom's place, I sat on my usual spot which is on his right. Katapat ko si Russell na nasa kaliwa niya.
"Let's eat na.." walang buhay na sabi ko. Aabutin ko na sana 'yung plato ng mga kanin when Russell glared at me.
"Ate, let's pray first," bulol na pagkakasabi niya.
I half-heartedly smiled, "Oh, okay. Sorry baby," I peaced out and leaned forward to pinch his cheek.
Russell asked if Jerome could lead the prayer. Pumayag naman siya.
"In the name of the Father, the Son, and of the Holy Spirit.." he closed his eyes, "Lord, salamat po sa pagbibigay sa amin ng mga pagkaing kakainin namin ngayon."
Russell is smiling while his eyes are closed. Napangiti na rin ako. He looked extra happy tonight.
"Salamat po sa mga biyayang binigay Niyo. Pasensya na po kung minsan, nakakalimot kami sa Iyo," bigla siyang dumilat kaya naabutan niyang nakatingin ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at pinamulahan. "Salamat rin po kasi pinagsamasama Niyo kami ngayon para sa salu-salong ito. Thank you Lord. Amen."
Naaasiwa ako habang kumakain. Ramdam na ramdam ko ang titig niya.
"Russell, are you done eating?" I asked. He nodded sleepily.
Tumayo na ako at binuhat siya, "Time to sleep."
"Ako na," lumapit si Jerome at akmang kukunin si Russell sa 'kin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa simpleng paglapit niya. I don't want to have contact with his skin again. Parang natrauma na ako kanina. His touch is addicting and it's freaking me out.
"Ma-Magaan lang naman 'to," umatras ako. He stepped forward. Sobrang init na ng pisngi ko dahil nilalapit niya na naman ang mukha niya. Pagkapikit ko ay naramdaman ko na lang na gumaan ang pakiramdam ko, pagkadilat ko, buhat-buhat na niya si Russell.
"Bakit ka pumipikit?" nangingiting tanong niya.
Tinakpan ko ng kamay ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Humalakhak siya.
"Paano ka makakamove on niyan?" nakangiting iling niya. I saw how he's trying to look serious but the smile on his face was unstoppable.
"E-Ewan ko sa 'yo. Tara na nga, d-dito 'yung kuwarto ng kapatid ko," I marched towards the left side. Sumunod naman siya at naririnig ko pa rin ang tawa niya.
"Makakapatid mo naman. Magiging kapatid ko rin 'to," seryosong sabi niya.
Mas binilisan ko ang lakad. Hinding-hindi ako lilingon! Gustong-gusto niya talagang makitang namumula ako!
Pagkatapos niyang ilapag ang kapatid ko sa kama niya, lumabas na agad ako para pumunta sa kuwarto ko.
Kaso sinusundan niya ako kaya lumingon na ako at tinuro 'yung kabilang side, "Doon ang guestroom, remember?"
Tumango siya.
Naglakad na ulit ako pero nararamdaman ko pa ring sumusunod siya kaya nilingon ko ulit siya. Nakapamulsa siya at mukhang pagod na pagod. Kahit ako rin naman, nakakapagod talaga ang trabaho namin.
"What?"
"Anong oras ka bukas? Wala ka namang ASAP diba?"
Umiling ako, "Photoshoot lang sa hapon tapos mall show natin. Matutulog na ako.."
"Hindi pa ako inaantok," he lied. Halatang inaantok na siya.
"I am."
"Ayaw mong manood ng movie?"
Umiling ako. Bumuntong-hininga siya, "Good night."
Napakagat ako ng labi at tumango.
"Uh.." lumingon ulit ako, napakamot siya ng ulo, "Gusto mo bang manood ng kahit na ano bukas pagkagising mo?"
Ang lakas ng kalabog sa dibdib ko. Dahan-dahan akong tumango, "Sure."
Napangiti siya at tumango, "Good night."
"Good night," tumalikod agad ako at napangiti na lang na parang ewan. Gusto kong makipagtalo sa sarili ko pero pagod na pagod na ako para mag-isip pa.
The next day, I woke up early just to see him laying on the sofa. Sigurado akong tulog pa si Mama ngayon kasi madaling araw na talaga siya umuwi, Russell's sleeping on the same room.
Nanliit ang mga mata ko, "Don't tell me diyan ka natulog?"
Umupo agad siya ng maayos at ngumiti, "Good morning din. Doon ako sa guestroom, maaga lang ako nagising kaya dito ako tumambay."
Tumango ako. Akala ko naman ganun siya kaexcited na manood kami sa TV kaya doon siya sa sofa natulog. Natawa na lang ako.
"Pagkagising ko nakaluto na si Manang ng breakfast, gusto sana kitang ipagluto kaso ang dami na niyang naluto, saya naman," napakamot siya ng ulo.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Para talaga siyang bata minsan.
"Ayos lang," I laughed.
Napangiti siya, "Good mood ka ngayon?"
Tumango na lang ako at umiling habang papunta sa kusina. Biglang tumakbo si Jerome na mala-Naruto pa.
"Ingat, madulas," paalala ko. Pinagalitan ko siya pagkadating ko sa kusina. "Bakit ka ba nagmamadali?"
Sa halip na sumagot, naging abala siya sa pag-aayos ng mga plato, utensils and glass saka kumuha ng ulam mula sa oven at juice sa ref.
"Kain na tayo," hinila niya 'yung isang upuan. Uminit ang pisngi ko.
"Nakapagluto na si Manang kaya ako na lang naghanda ng pagkakainan," napangiwi siya. Tumango ako at umupo na, saka niya ipinasok 'yung inupuan ko palapit sa lamesa. Umupo siya sa tabi ko.
Ang saya-saya ko pa kanina, but I'm afraid that being happy is not good right now. Tahimik kaming kumain, pagkatapos ay nanood lang kami sa HBO. 'Yun ang pinili kong panoorin kasi The Purge 'yung palabas.
"Sorry."
Napalingon ako kay Jerome. Kumunot ang noo ko, "For?"
Tinitigan niya ako ng diretso sa mata, "Bad mood ka na agad. Masyado na ba akong nagpupumilit?"
I shrugged and pretended that my whole attention was on the movie. Kahit na ang totoo, siya at 'yung nararamdaman ko ang iniisip ko.
Naramdaman kong tumingin na rin ulit siya sa TV. I relaxed a bit knowing na hindi na siya nakatingin sa akin.
But I stiffened when I heard his whisper.
"I'm sorry pero hindi talaga kita kayang pakawalan."
![](https://img.wattpad.com/cover/39378847-288-k393104.jpg)
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
CasualeWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...