Chapter 28

250 9 0
                                    

JEROME'S POV

"You tired?" Tanong ko.

"Kaya pa." Ngiti niya.

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse. Nang nakaikot na ako para umupo sa tabi niya ay napansin kong abala siya sa pagkakalikot sa cellphone niya.

"I'll post this picture." Nakangiting turo niya sa picture namin kasama si ate Jods.

"I was tagged in your heart." Halakhak ko. Sabi ko kasi kay France i-tag ako kapag nagpost siya ng picture ni Janella ngayong gabi.

"Oo nga, nakita ko! Ikaw kung ano-ano pinapagawa mo kay Moya." Natatawang sabi niya.

"Hmm? Promo assistant si France." Halakhak ko.

"Yeah, sa star creatives!" Batok niya sa 'kin habang tumatawa.

Hindi gaanong mahaba ang biyahe, pagkarating namin sa building ng ABS-CBN ay agad niya akong nilingon. "ABS?" Takhang tanong niya.

Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya bago ko siya pinagbuksan ng pinto ng kotse mula sa labas.

Simple lang ang hinanda ko para ngayong gabi. Pagkarating namin sa rooftop ay nilatag ko 'yung blanket na dala ko at nilabas ang mga pagkain na nakalagay sa basket na dala ko.

"Picnic sa rooftop?" Natatawang tanong niya.

"Para maiba." Ngisi ko. Nauna akong umupo at tinap ang bakanteng espasyo sa gilid ko para senyasan siyang doon umupo. Pagkaupo niya ay idinikit ko ang sarili ko sa kanya.

"Wow." Sambit niya habang nakatingin sa view. "City lights."

"Ang ganda, 'di ba?" Bulong ko, titig na titig sa kanya. I love the curve of her lips when she smiles, natutuwa ako kapag 'yung ngiti niya ay halata mong genuine. 'Yong nakikita mo sa mga mata niyang masaya talaga siya. The angle where I am right now, looking at her side view is already perfect. I'd prefer this view.

"Jerome." She frowned. Kumunot ang noo ko sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya.

"Bakit? Ayaw mo ba dito?" Kinagat ko ang labi ko. "Pwede tayong lumipat sa-"

"Hindi, ang ganda dito." Pinilit niyang ngumiti. "I'd stay anywhere as long as it's beside you."

Umangat ang labi ko at hinigit siya palapit pa sa 'kin. Pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya, nang mahaplos ko ang braso niya ay napansin kong nilalamig siya. Malakas kasi ang hangin sa rooftop, mabuti na lang at napaghandaan ko na 'yon. Kumuha ko ang jacket na nilagay ko kanina sa basket, at ipinatong kay Janella.

"Thank you."

"Anything." Bulong ko at niyakap ko siyang muli mula sa likod. "Nagugutom ka na ba?"

"Hindi pa.."

"Tell me when you are.." Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman kong bumilis ang paghinga niya.

"Can I tell you something else?"

"Oo naman." Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Marami akong narinig these past few days." Buntong hininga niya. "Who's Iris?"

JANELLA'S POV

Nabigla siya sa tinanong ko. I knew it.

"Hey, I know her, right?" Tanong ko. "I know you mentioned her to me before, I just can't remember when and why."

Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya. "Diba?" The fact na namutla siya, kinabahan ako.

He cleared his throat na parang natauhan. "Ah, oo nabanggit ko nga si Iris.. kaibigan ko. Bakit?"

Tumango ako. "I heard palagi kayong magkasama lately? I dont want to sound like a pathetic g-girlfriend, Jerome. I'm just wondering.. why? I don't know why I've been receiving pictures of the two of you, sa internet."

"Iris is a great friend." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. Kumalabog ang dibdib ko. "I like her as a friend."

"I see." Tango ko at nag-iwas ng tingin. "Sorry I was just real-uh, bothered."

Tumikhim siya bago humiga sa tabi ko. He motioned me to lay, too. Umunan ako sa tiyan niya.

"I'm sorry for the rumors.." Hinaplos niya ang buhok ko. Napapikit ako sa haplos niya.

"Ayos lang, there's nothing to worry about naman right?"

Tumingin ako sa madilim na kalangitan, puno na ng bituin. Ang dami nila at kumikinang. You really can't shine alone in this world, can you? Palaging may kahati sa atensyon ng mga tao. Lucky moon, malaki-laki siya at agaw pansin. Pero hindi buwan ang sinusungkit kung hindi bituin. But they are too many, maliit ang tsansang ikaw ang mapili, sa dami nilang kumikinang at ang gandang tingnan.

"Nothing to worry about." Pag-ulit niya. Ngumiti ako, there's no point in worrying. He's just right here beside me.

Matagal kaming nanahimik. I can still see the city lights sa malayo kahit na nakahiga na ako. This is where I think I belong, beside him.

My thoughts were interrupted by his sudden question.

"Anong gagawin mo kung sakaling nahulog ako sa iba?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Why does he have to ask me this?

"I mean, curious lang ako. Sabihin mo sa 'kin para mas lalong hindi na ako tumingin sa iba." Biro niya.

Bumuntong hininga ako. I'll probably be the most devastated person in the whole wide world if that happens.

"I'll be broken. But I'll try to move on kung iba na talaga ang gusto mo. I'll respect your decision." I almost choked out my words.

"Hindi mo.. hindi mo ba ako pipiliting bumalik sa 'yo?" Halos pabulong na lang na sabi niya na muntik ko ng hindi maintindihan.

"Why will I, if I know that you won't be happy beside me?" Pumikit ako at inamagine kung nagkatotoo nga ang iniisip ko. I'll want him to come back, no, I'll beg for him to come back. Sumasakit ang dibdib ko sa iniisip ko. But if he'll insist, I'll let him go. Marami pang pwedeng mangyari. And I know I'll die when he leaves, but I'll try to keep it in me. I can't be selfish.. I can't.

It's really hard to convince myself that I will be able to let him go if that day comes. It's unbearable. I wonder if my feelings towards him will ever change?

"So you'll let me go, kapag nahulog ako sa iba." Napapaos na sabi niya.

"I'll let you leave but you'll always be within me."

-~-

Author's Note:

JerNellas, this is a product of my imagination. The whole story is. Siguro similar sa mga nangyayari sa totoong buhay but it doesn't mean na lahat, totoo. Fan FICTION ito. Kaya kung hindi happy ending for real dito sa story ko, wag mawalan ng pag-asa. Kung happy naman ang ending ko sa kanila, wag masyadong umasa na ganun din in real life. Lol.

And also, if aware kayo sa kung ano mang nangyayari, let's not judge JerNella. Kasi wala tayong alam sa totoong nangyayari. Hindi lahat ng issues na lumalabas, totoo. Sa showbis kasi, competition, let's be open about it. Or baka namisinterpret lang. Iba minsan ang nacacapture ng camera o mata natin sa nangyayari kapag wala tayo. :) Let's give them privacy, personal life nila yan. Bata pa sila, let's aim for their team up to be a success first!

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon