JEROME'S POV
Nagsalubong ang kilay ko nang madatnan kong umiiyak si Jane sa set.
"Anong nangyari?" tanong ko. Napatalon siya nang marinig ang boses ko at agad na nagpunas ng luha na parang tinatago pa rin ang pag-iyak kahit na kitang-kita ko na.
"Wa-wala 'to.." sinubukan pa niyang ngumiti.
Nainis ako bigla, "At sa akin mo pa talaga tinanggi 'yan, Jane? Ano sabi ang nangyari?" seryosong tanong ko sabay upo sa tabi niya.
"Ano? Bashers? Issues? Family problems?" umiling siya, napaismid ako, "Love."
Hindi siya sumagot. Mas nainis tuloy ako.
"Anong ginawa niya?" Medyo napataas ang boses ko kaya napapikit siya sa gulat, pero hindi pa rin nagsalita.
Lumebel ako sa kanya at tinitigan siyang mabuti. "Sasabihin mo ba o aalamin ko pa sa iba?"
Napaawang ang bibig niya at umiwas ng tingin, "J-Jerome naman!"
Kinuha ko 'yung cellphone ko at hinanap sa contacts si Jeron Teng, nang masulyapan niya iyon ay agad niyang hinablot ang cellphone ko.
"Ano bang ginagawa mo!"
"Tatawagan ko siya!" humalukipkip ako, "Ayaw mong sabihin, so paano ko malalaman?"
Ginulo niya ang buhok niya na parang naiinis at naiiyak na naman.
Pinunasan niya ang luha niya at balisang hinarap akong muli, "H'wag mo na akong pakialaman.. buhay ko 'to. Please."
"Tangina." inis kong sabi at tumingin sa sahig, kinuyom ko ang kamao ko sa galit.
"Kaibigan kita kaya ko 'to ginagawa. Gusto kitang protektahan kasi ayoko ring nakikita kang nasasaktan, at hindi kita mapoprotektahan kung hindi ako makikialam. Pero kung 'yan ang gusto mo, bahala ka." tinalikuran ko na siya. Pero hindi pa ako nakakalayo ay inabot na niya agad ang braso ko at pumumta sa tabi ko tsaka ako niyakap, hinagkan ko rin siya at hinayaang iiyak ang nararamdaman niya.
Napabuntong-hininga ako, "Hindi kita matiis, eh."
"Sorry" aniya. Hinagod ko ang likod niya at hindi na nagsalita pa. Ilang minuto rin kaming ganoon, hanggang sa kailangan na naming magtrabaho. I had to make sure she's alright bago kami sumabak sa unang scene namin ngayong araw.
"Hindi pa tayo tapos, Jane Oineza." paalala ko. Matipid siyang ngumiti, halata pa ring kaiiyak niya lang at mukhang naiiyak na naman.
"Jane! Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni direk, "Hindi tayo pwedeng magshoot na ganyan ang mga mata mo."
Tumango si Jane, nahihiya siguro dahil naabala pa ang set.
"Mayamaya na lang kayo ni Jerome, sina Loisa na lang muna. Jayce! Pakitawag naman sina Loisa at Vina sa kabilang tent. Sabihin mo magtetake na sila."
"Yes direk!"
Hinila ko si Jane palayo sa mga tao dahil hindi pa naman pala kami makakapagtake ng scenes. Nagpatianod naman si Jane sa akin, pero ramdam kong nanlamig siya.
"Sasabihin mo na ba sa akin?" hopeful na tanong ko pero mukhang nagdadalawang-isip pa siya. "Jane."
Kinagat niya ang labi niya at nag-iwas ng tingin. Nag-igting ang panga ko sa asar, "Akala ko nagkaintindihan na tayo. Jane, hindi ko-"
"Hinding-hindi mo ako maiintindihan Jerome." malamig na sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Hindi ko maintindihan kung anong gusto niya iparating.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
De TodoWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...