Chapter 61

158 8 2
                                    

JANELLA'S POV

Ang lakas at ang bilis ng pintig ng puso ko nang makita ang lugar na dapat paggaganapan ng debut ko. I have a feeling... but I'm probably just assuming.

Pinagbuksan nila kami ng pinto ng van. Napatingin ako sa mahabang red carpet.

"Goodluck, Janella. Make Twinkle happy on her birthday." Ngumiti sila.

"Hindi sa hotel, ate Cams?" 7 years old pa lang si Twinkle, ang bongga naman nun.

"They're pretty rich, kaya nga nagawan pa nila ng paraan to guest you." Halakhak ng isa.

Niretouch nila Mickey ang make up ko one last time. Napatingin ako sa gown ko. Sponsored by Pepsi Herrera, really?

"Goodluck!"

Tumango ako at naglakad na, hawak-hawak ko ang microphone na inabot ng isang staff ng venue. Nakangiti ako habang naglalakad dahil may videographer na nakatutok sa akin mula nang lumabas ako sa van.

Pagkarating ko sa dulo ay may malaking double door na agad binuksan. Nasilaw ako nang tumama ang ilaw sa mata ko kaya napapikit ako saglit. Narinig ko pa ang host na binabanggit ang pangalan ni Twinkle.

Naalala kong kailangan ko pumasok agad at kumanta para masurprise si Twinkle kaya humakbang agad ako papasok at nagsimulang kumanta.

"All those days watching from the windows. All those years outside looking in. All the time never even—" ngiting-ngiti akong kumakanta nang natigilan ako. Napatakip ako sa bibig.

"Oh my God." Bulong ko sa sarili ko at tumalikod saglit. I heard cheers and laughter from the crowd.

Ilang salita pa lang ang nabibitawan ko nang maaninag ko ang mga taong nasa ibaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko, I was dumbfounded but some people urged me to continue singing I See The Light, which I thought was coincidentally picked by Twinkle. Ito kasi 'yung kanta dapat sa 18 roses ko.

May tumunog agad na old music nang natapos ako, a familiar one. Isa ito sa mga pinili kong kanta para sa debut party ko sana. Para sa akin ba talaga 'to? Oo nga naman, bakit naman ito patutugtugin sa birthday ng isang bata? God, this is so real!

Gulong-gulo pa rin ang isip ko pero unti-unti na rin akong napapangisi habang naglalakad pababa ng hagdan. Dahan-dahan, may nagsasalita ring host sa stage at sinasabi ang pangalan ko. Naglalakad na ako papunta sa stage at hindi ko mapigilang gapangan ng hiya dahil malalaking tao at malalapit sa akin ang mga nandito ngayon. Tuwang-tuwa sila sa gulat na reaksyon ko.

I'm actually about to whine, buti na lang naconscious ako sa reaction ko. Dammit! I should have known! Itutuloy nila ang party ko! I was so surprised and happy that I can't even put my feelings into words. 'Yan rin ang sinabi ko kay Robi Domingo na tumungtong sa stage pagkarating ko roon.

Nagtawanan ang mga tao. Nagpasalamat ulit ako sa kanila. Hinanap ng mga mata ko sina Mama at Russell, nasa may harapan lang sila. Kinindatan lang ako ni Mama nang ngumuso ako sa kanya.

Russell was so cute on his suit and tie. My mom's wearing a black dress, they're all wearing black! I can't believe this! I picked this venue, alright. Gusto ko ring black and white ang theme and I want the whole place dark but they said it was impossible kaya pumayag na lang ako until I decided to cut off this party. Pero ngayon? They're all wearing black dresses and suits! Tapos nagawan pa nila ng paraan para dumilim sa lugar! This was really my night, nakakaagaw atensyon talaga ang two-part gown ko in blush nude.

And to keep this huge event as a secret to me? With all these people with hectic schedules, show up for an event that I wasn't even informed of? It's unbelievable!

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon