Even the best fall down sometimes.
JANELLA'S POV
Katatapos lang ng huling workshop namin ni Elmo bago kami pumuntang Japan. We'll just have a break for two days then we'll fly to Japan and start taping for Born For You.
Pagkalabas namin ng studio, nakita ko bigla si Jane. Nagulat rin siya nang mapansin ako pero lumapit agad.
"Hey!" She hugged me, I hugged her back. "Why are you here?"
I shrugged. "Workshop, you?"
"Kinausap lang ako para sa movie, Bloody Crayons. Nood ka ha? Marami kami dun including Julia." Excited na sabi niya.
Ngumiti ako at tumango. "I've heard about that! I'm so happy for you, Jane! Kailan start ng shooting niyo?"
"By April. Medyo mahihirapan pa kami sa schedule." Ngumuso siya. Ang alam ko kasama rin doon sina Bailey, Ylona and other teenage actors na in demand rin. Looks like this movie will be a hit.
Her pout turned into a grin. Napakunot ang noo ko.
"Free ka ba? Let's catch-up!"
I gladly nodded dahil wala naman na akong gagawin, it's past 9 pm. Pumasok kami sa isang cafe at umorder bago kami umupo. Mukhang nailang pa 'yung cashier dahil nakilala kami.
"So?" Ngiting-ngiti na sabi ni Jane pagkaupo namin.
I raised a brow. "What?" Natatawang tanong ko.
"Kamusta kayo?"
My smile slowly faded kaya mukhang nag-alala siya. While looking at her, my memory of her kissing Jerome suddenly visited me kaya mas lalo akong napasimangot.
Erase the thought, Janella. Besides, she's dating Arjo now and I'm... not with Jerome anymore. Even if we've never been officially together.
"May problema ba?" Inabot niya ang kamay ko na nasa lamesa. Nag-iwas ako ng tingin dahil nararamdaman kong namamasa na naman ang mga mata ko.
"Janella alam mo namang pwede mong sabihin sa'kin kung may problema ka..." bulong niya saka umupo sa tabu ko para yakapin ako.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. Hindi ako makapaniwalang dumating ako sa point na ginusto kong talikuran ang pagkakaibigan namin ni Jane noon. She's one of my showbiz bestfriends and having her at this point in my life is a huge relief.
"I know," nilabas ko ang panyong dala ko at pinunasan ang gilid ng mata ko. "Thank you Jane."
"Jerome is in the building." Bumuntong hininga siya. Napatingin ako sa kanya bigla. She nodded na para bang sinasabi niyang hindi ako nagkamali ng rinig. "Dance workshop raw. Nung nakita kita, naisip ko baka magkikita kayo kaya sinadya niya na ring magworkshop."
Umiling agad ako. She gave me a knowing smile.
"Maybe he really did plan it, para magkita kayo?"
"Imposible," kinagat ko ang labi ko. "Ayaw na rin talaga niya."
Kumunot ang noo niya at mukhang nainis. "Ano? Ayaw na niya? That bastard! Ano na namang naisip nun? He's crazy if he's serious, Jea."
"Hindi, Jane. Ako mismo ang nagsabi na..." Hindi ko na matuloy. Mukha namang nakuha niya kaya naguguluhan siyang tumango.
"Hindi mo na ba siya gusto?"
"I-I still do love him." Nauutal na sabi ko, naramdaman kong uminit ang pisngi ko. I seldom become vocal on my feelings for Jerome to someone.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
AcakWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...