Chapter 70

217 11 2
                                    

JANELLA'S POV

"You're always absent kapag una o pangalawang rehearsal day! Gusto mo ba talagang nagso-solo mag rehearse? Special?" Inis na tanong ko kay Jerome. 2nd rehearsal day na namin ngayon para sa pangalawang prod namin with Loisa and Joshua as a group. Kahapon nag rehearse rin kami pero wala si Jerome. Nag rehearse rin sila kaninang umaga pero hindi na ako sumabay dahil nalaman kong sa hapon pa 'yung rehearsal ni Jerome. Hindi ako sumabay kina Loisa para makasabay ko si Jerome.

Actually, hindi naman talaga kailangang sabay-sabay mag rehearse dahil understandable na busy ang schedules namin. May sub partners naman kami from G-Force at sa general practice lang required na present. But we're trying to do our best as a group, hindi rin naman ako nakasabay nung isang rehearsal para sa first prod namin pero grabe naman siya, sa general rehearsal lang present last time sa group rehearsal namin tas kahapon absent rin.

Nagpasundo ako sa kanya dito sa bahay para magsabay na talaga kami sa rehearsals. We're in front of my room to be exact. Kinatok pa kasi niya ako sa kwarto.

"Sorry na, busy lang talaga sa call time niyo." Aabutin niya sana 'yung kamay ko but I faced my back on him and crossed my arms.

Inis na inis talaga ako at hindi ko alam kung bakit.

"Busy or pinagbawalan?"

I heard him sigh. "Busy."

Nagdududa talaga ko. What if gusto na naman ng management na i-limit ang exposure namin? I bet they're regretting na pinayagan nila akong tanggapin ang proposal na 'to, na makasama ako sa group nila Jerome

Nakakainis lang dahil hindi ko alam kung busy lang ba si Jerome, kung may inutos na naman sa kanya o may tinatago siya sa akin. Maybe it's his way of making things easier for me? I don't know.

"Totoo, busy lang ako." Umikot siya para makapunta sa harapan ko.

"Saan ka galing?"

"Office."

"Ng?"

"Executives."

Bumuntong hininga ako at dumiretso ng tayo. I knew it. "Why?"

"Nag-usap lang."

"Why?" Ulit ko sa mas mataas na boses.

Pumamulsa siya at yumuko. "Pinagalitan lang, the usual.."

"Because of me?"

Umiling siya. "Ako naman 'yung makulit na hindi nakikinig sa kanila. Don't worry, wala 'yon. Sanay na ako kasi nga matigas na talaga ulo ko noon pa, 'di ba?" Natatawang sabi niya.

Tumatawa pa siya pero natigil rin nang makita akong seryosong nakatingin sa kanya. I can't help but worry. Apektado rin siya sa trabaho dahil sa akin lalo na't parang he's taking all the blame kaya 'di ako napapagalitan.

"Ano na namang iniisip mo? Sabi ko sa 'yo kaya ko naman, e. Sus wala 'to." Ngumisi siya.

Nanatili akong malungkot na nakatingin sa kanya. "Hindi ka ba natatakot? They're the boss. Paano kung tanggalan ka nila ng trabaho?"

Natahimik siya sandali dahil sa sinabi ko.

"They could do a lot to either destroy you or destroy us." Dagdag ko.

"Janella, ginagawa ko 'yung best ko sa trabaho. Kaya kahit boss ko sila indirectly dahil hindi naman ako under sa unit nila, hindi ko hahayaang gawin nila 'yub sa 'kin. My craft is my armor." He smiled before taking my hands. "At tayo, hindi nila tayo matitibag dahil ikaw 'yung ka-red string ko. Kahit anong gupit nila sa string natin, hindi na nila mapuputol 'yon." He laughed.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon