Chapter 23

282 6 0
                                    

JEROME'S POV

Ngumiti ako at lumapit nang magtama ang paningin namin. Sumasabay ang pag-alon ng buhok niya sa paglalakad niya patungo sa'kin.

"I told you not to go." Ngumuso siya.

"I won't. Kahit na gustong-gusto ko." Bumuntong hininga ako. "Pwede naman akong malate sa pictorial. Gusto talaga kitang ihatid, kaso ayaw mo naman."

Napangiwi siya sa sinabi ko.

"Jerome, you have to be professional. Ayokong dahil sa'kin mapabayaan mo ang trabaho mo."

Tumango ako at lumapit pa sa kanya. "Sorry. I just love you so much. Pero kung ano ang gusto mo, masusunod." Ngisi ko. I opened my arms, waiting for her to come in.

Namula pa siya bago tuluyang ibinalot ang kamay niya sa baywang ko. Humalakhak ako at niyakap siya ng mas mahigpit sa may balikat.

"Kapag nalaman kong may lalaking umaaligid sa'yo doon, liliparin ko agad ang kalahati ng mundo." Seryosong saad ko. Pinalo niya ako sa likod kaya natawa ako. "I'm serious!"

"Kapag nalaman kong umaaligid ka sa ibang babae habang wala ako, hindi na ako babalik!" Pabiro pero nakangiwing sambit niya.

Napangiti ako ng malaki dahil doon. Mas naging mahirap lang sa'kin na pakawalan siya.

"Janella.. I can't love another while you are away, I can't look at another when you're far. Dahil kahit saan ka pumunta, dala-dala mo ako. Buong-buo."

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Napangiti rin ako nang ngumiti siya.

"I wish I can have you with me, though. All the time. Literally." Inangat niya ang tingin niya sa'kin. Para akong nahulog, nawala sa sarili at walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Itinuon ko ang pansin ko pababa sa kanyang labi. Namumula ito at manipis. Napalunok ako sa pag-awang ng kanyang bibig.

No. Damn, Jerome. No. Nag-iwas ako ng tingin, saktong lumabas si Tita Jenine sa bahay nila kaya sinalubong ko siya at hinalikan sa pisngi. Sumulyap ako kay Janella habang ginagawa iyon, nakatingin lang siya sa ibaba at nakakagat sa labi.

"Good afternoon, Tita." Kinuha ko ang bag na dala niya. Nagpasalamat siya sa'kin matapos akong batiin pabalik. Kinuha ko rin 'yong bagahe ni Janella sa sala at ipinasok sa van nila.

"Mang Rene, ingat po kayo sa pagdadrive." Paalala ko sa personal driver ni Janella na siyang maghahatid sa kanila patungo sa airport. Gusto ko talagang ako ag maghatid sa kanila, kaso ayaw ni Janella. May trabaho pa kasi ako.

"Oo naman ho, sir Jerome." Paninigurado niya sa'kin na may okay sign pa sa kamay tsaka siya bumalik sa pagtitingin ng makina ng sasakyan.

"Tita, enjoy po. At kayo na po ang bahala kay Janella." Bilin ko. "Kapag po may nangyaring hindi maganda, ipaalam niyo po sa'kin agad, please. Kapag may problema. Tsaka Tita, ingat kayo ha. Baka maraming loko doon. Tsaka pakitingnan po si Janella ng mabuti, baka mawala lang saglit sa paningin niyo-"

"Jerome, Jerome!" Halakhak ni Tita. "I'm her mother, I know what to do. Don't worry 'bout it, okay? And you, take good care of yourself. At mag-aalala rin itong anak ko."

"Ma.." Nahihiyang angal ni Janella. Nagtama na naman ang paningin namin. Ngumiti ako samantalang siya ay nag-iwas ng tingin at tinakpan ang namumulang pisngi.

"What?" Tumawa ulit si Tita at napatingin sa orasan. Nanlumo ako bigla. "Malelate na kami. Osya, we need to go Janella. Goodbye, Jerome."

"Bye Tita." Hinagkan ko siya saglit at binulungan. "Ingatan niyo po ang sarili niyo at ang anak niyo, mahal na mahal ko po 'yan."

Napatawa siya ng malakas kaya tumingin sa amin si Janella. I looked at Tita. "Two minutes lang, Tita. Please?"

"Maximum of Five."

Napangiti ako ng malaki at tumango. I'll have Five more minutes with Janella.

Pumasok na si Tita sa van, si Janella ay nakatayo sa may pinto ng van at nakatingin sa'kin. Hindi alam kung magsasalita o papasok na sa loob kaya naglakad agad ako palapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Kanina lang medyo excited ka pa. Bakit bigla kang lumungkot diyan?" Pinisil ko ang ilong niya.

Hinawakan ko ang magkabilang siko niya, napabuntong hininga siya at matama akong tinitigan.

"We need to go.." Sumulyap siya sa van tapos tumingin agad pabalik sa'kin. "Don't do stupid things while I'm away, okay?"

Bahagya akong ngumiti. "I'll only do stupid things when you're around."

Hilaw ang ngisi niya nang sinabi ko iyon. Pakiramdam ko tuloy, masyado siyang nasasakal sa'kin. Kanina lang, excited na excited pa siya. Pero nang dumating ako ay nawala iyon. Maybe she hate to see me like this. Ang hirap naman kasing magpanggap na natutuwa akong aalis na siya at makakapasyal sa London. Or maybe because I'm the one holding her back. Baka nagsasawa na siya sa pagiging OA ko.

"Mag-enjoy ka doon. Magtatrabaho ako ng mabuti dito." Inilapit ko siya sa dibdib ko at pinulupot ang kamay sa katawan niya. "Pupuntahan ko rin minsan si Russell doon sa Tita mo to make sure he's okay."

"T-Thank you, ah."

Tumango ako at imunuwestra na ang van. "Sige na, kailangan niyo ng umalis."

Dahan-dahan siyang tumango at tumalikod sa'kin para harapin ang van. I hate to know she can be happy, or even happier without me. I want her beside me all the time. Pero alam kong pwedeng magsawa lang siya at mairita sa'kin.

I want to stop her to hug her one last time before she leave. Pero ayokong makita sa ekspresyon niya ang guilt na maiiwan niya akong naghihintay, habang siya ay magsasaya doon. Ayokong dumagdag sa iisipin niya, I want her to have fun.

Natatakot ako na baka mairita na talaga siya sa'kin at isiping napakapossessive ko. Takot na takot lang talaga akong mawala siya sa'kin, that's why I'll take everything slowly with her.

Ang makita siyang pumasok sa sasakyan nang hindi ako nilingon ni sinulyapan kahit isang beses lang ay nakakapanlumo na.

Nakita kong sumilip si Tita Jenine mula sa bintana ng van at kumaway sa'kin. Pinilit kong ngumiti at kumaway pabalik.

Tumungo ako papunta sa sasakyan ko habang hindi inaalis ang tingin sa sasakyan nilang unti-unti ng lumiliit sa paningin ko.

Aayain ko sana siya kanina, to be my date on the incoming star magic ball. Kahit palihim lang. Pero hindi ko pa nagawa.

Sumandal ako sa kotse ko at pumikit. "I'll wait for you."

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon