Chapter 25

295 12 3
                                    

JEROME'S POV

"Jerome, Three more scenes and you're done." Paalala ni Direk. Tumango ako at kinapa agad ang cellphone ko.

Today's the day. She'll be here later. Umuwi sila kahapon at tulad ng pangako niya, pupunta siya dito sa set kinabukasan. I don't think it's a good idea, though. Nang huli niyang nakita si Jane ay hindi maganda ang nasaksihan niya kaya naman sinabihan ko na siyang ako na lang ang pupunta sa kanila after my work but she insisted. Magiging busy rin daw siya after at ang free time niya lang ay habang nasa set ako ng NKNKK.

To Janella:

Text me kapag malapit na kayo.

Nag-angat ako ng tingin nang may aninong humarang sa akin. Nag-igting agad ang bagang ko nang makitang si Jane iyon.

"Uuwi ka na?"

Dinungaw ko ang cellphone ko na may bagong mensaheng natanggap.

From Janella:

Okay, see you in a bit.

Napangiti ako at nagtipa na agad ng reply nang marealize ko na nasa harap ko nga pala si Jane at naghihintay ng sagot. Nakakunot ang noo niya na dumungaw rin sa phone ko, agad ko iyong tinago.

"Not yet done." Simpleng sagot ko. Maglalakad na sana ulit ako palayo nang magsalita na naman siya.

"Uh.. nagbreakfast ka na?"

I'm sorry, Jane. If you want friendship, I can give you that. Just.. not now. Alam kong hindi pa humuhupa ang nararamdaman niya, sariwa pa sa alaala ko ang pag-amin niya sa'kin. And I know Janella's affected. Kaya gusto ko munang dumistansya kay Jane. And I want her to move on, I still have hope na babalik pa kami sa dati.

"Magbebreakfast ako kasama si Janella. Papunta na siya dito.."

Nagtaas siya ng kilay at tumango. "I know I still have a chance on you, natatakot ka lang na masaktan siya. She's one of my bestfriends.. and she will always be, and the only thing that could break us, is you. Kung piliin mo man ako, maiintindihan ko kung magagalit siya. And losing her will be worth it if I'll have you. I can wait. I know I have a chance."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell?

"Jane, anong sinasabi mo?" Naiiritang tanong ko. "I can never move on from her, I won't lose her. Hindi ko kakayanin iyon. I'm sorry."

Umiling siya. "Hindi natin alam kung anong mangyayari sa hinaharap."

"That day will never come." Tinitigan ko siya ng matalim, pero ni hindi siya natinag. Nilagpasan ko na lang siya dahil baka hindi ko makontrol ang sarili ko sa sobrang galit.

Kumalma lang ako nang mabasa ko ang text ni Janella. Malapit na raw sila kaya lumabas na ako.

Panay ang buntong hininga ko habang naghihintay. Nasilaw ako nang biglang umaraw, kasabay nito ang pagdating ng isang puting van. She's here!

Natulala ako habang pinapanood ang van na huminto sa harap ko. Tinulak agad ako ng mga paa ko para lumapit at buksan ang pintuan. May kumalabog sa dibdib ko nang magtama ang paningin namin. Nakakagat siya sa labi niya at mukhang kinakabahan.

Bakit siya kinakabahan? Maybe because she knows that Jane is around. Ngumiti siya at tumayo ng kaonti para bumaba, naglahad ako ng kamay na tinanggap niya agad. Ang isang kamay ay nasa dibdib habang bumababa. Nang nakita kong wala siyang ibang kasama sa loob ay sinarado ko na kaagad ang pinto.

Binitiwan ko na ang kamay niya nang isinarado ko ang pinto pero hinawakan ko ulit iyon pagkatapos. Namula siya at babawiin na sana ang kamay sa gulat pero hinawakan ko iyon ng mariin. I missed her soft hand. It's made to be intertwined with my fingers.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon