JANELLA'S POV
Fr Jerome:
Congrats sa anak tv award mo!! :) Celebrate tayo?
Hindi ako nagreply sa text ni Jerome. I haven't replied to any of his messages since the last time I've seen him drunk.
I sighed in frustration nang sukahan niya ako. Tumayo agad ako mula sa kama niya at dumiretso sa cabinet niya para manghiram ng damit.
I asked my driver a while ago to go home first dahil mukhang magtatagal pa ako dito. I'll just probably tell him to bring my spare shirt sa car ko mamaya pagkabalik niya.
I wore Jerome's plain white shirt which was actually big, too big for me. Halos matakpan na ang shorts na suot ko. Kumuha pa ako ng isang shirt niya para ipasuot sa kanya dahil may suka rin sa bandang dibdib niya.
Nagbasa ako ng hand towel at nagdala ng palangganang may maligamgam na tubig at dinala sa kwarto ni Jerome.
Gumapang ako sa kama at niyugyog siya. "Jerome, wake up."
"Mmmmm.."
"I'll get you some water to sober up. Can you remove your shirt?"
"Yeah..." He tried pulling up his shirt from the bottom but he's just too drunk to focus.
I inhaled before taking his shirt off of him. Nag-iwas agad ako ng tingin.
Wala naman siyang abs pero... my god. Iwas, Janella.
Kinuha ko 'yung towel at nilublob sa palanggana tapos pinilipit ko at pinunas sa mukha niya.
"Pasalamat ka hindi ko kayang hayaan kang matulog doon sa sahig." Sabi ko habang dinidiinan ang pagpunas sa mukha niya.
"Salamat," he managed to say kahit na parang tinakasan na siya ng katinuan sa mundo.
Nilagay ko sa kamay niya 'yung towel, "Here. Scrub it on your body, amoy suka at alak ka. I-I'll just get you water."
Nakita ko namang sinunod niya ang sinabi ko kaya kumuha na ako ng tubig. Masunuring lasing.
Pagbalik ko sa kwarto niya, suot na niya 'yung bagong shirt niya na nilabas ko. Pinainom ko kaagad siya ng tubig. Sabi kasi nila mas maganda raw na painumin na lang ng maraming tubig ang nakainom kaysa painumin ng kape.
"You want more?" I asked. Umiling siya. Tumayo na ako para ibalik sa kusina 'yung baso ng tubig pero hinawakan niya ako sa braso.
"'Wag ka umalis."
"Sa kusina lang ako, mamaya pa darating sundo ko."
"Wag mo ko iwan... please." Dumilat siya at tinitigan ako sa mata.
"Jerome matulog ka na."
"Dito ka muna sa tabi ko, please?"
"I can't sleep here, Jerome. Aalis rin ako mayamaya."
Bumuntong hininga siya at pinakawalan ako. Pagkarating ko sa kusina, sumandal ako sa lababo at pumikit ng mariin.
Jerome Ponce, you're making everything hard for me. Nahihirapan ako kasi parang ang lungkot-lungkot niya kanina. 'Yun ba ang epekto ng alak? Ang mawala sa sarili o mailabas 'yung nararamdaman ng isang tao?
Nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin kaya mas napasandal ako sa lababo. Nilagay ni Jerome 'yung kamay niya sa gilid ko, sa lababo bilang suporta habang 'yung isa naman nasa likod ko. Parang nahihilo pa siya pero pinipigilan niya lang magpabigat dahil nakahilig siya sa akin. 'Yung ulo niya, nakapatong lang sa balikat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/39378847-288-k393104.jpg)
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...