JANELLA'S POV
"Iyong mga poster! Anne, iyong mga poster damihan mo!"
"Tubig rin, may nagdala ba ng cooler?"
"Naku! Sana hindi umulan, mas okay na 'yung maaraw! Payong nga!"
"ANO?! ULITIN MO NGA?"
Natataranta na ako. Nakakatense naman kasi, people are shouting at each other. They're all tensed, paano pa ako?
"Jea, picture daw." Lumapit si Marlo na may kasama pang photographer. Nagbend siya ng konti saka umakbay. I just smiled for the camera.
"Grabe! Mahabang araw 'to!" sabi pa ni Marlo habang nagpupunas ng pawis.
"Go Team Haunted Mansion!" sigaw ni Miss Roselle. Pumaikot kaming lahat at naghawak-kamay saka nagdasal.
Lord, their appreciation is all that I'm asking for. Sana ma-appreciate nila.. 'yun lang hinihiling ko. I'm so nervous, I'm the lead cast of this movie. Its impact will reflect on my career, my passion.
Masyado akong kinakabahan na hindi ko napansin na nakatingin pala sa 'kin si Jerome. He's a bit far, though. Bakit hindi siya lumalapit? For this event, dapat palagi kaming magkakasama nina Marlo. I just thought that he'll at least take advantage on this so we'll be able to stick to each other the whole day, but I haven't talked to him since I came.
Napalingon ako at ngumiti kaagad dahil may taga-kuha ulit ng litrato. Ang dami ng media dito sa loob.
"Smile," the guy said as he took another photo of me with Marlo.
"Jea, water?" alok ni Marlo. Umiling na lang ako at ngumiti. Siya na lang ang uminom. "Grabe, mayamaya lang paparada na tayo. Nag sunblock ka ba? Maeexpose balat mo sa araw masyado. Baka magkasunburn ka."
Napangiti ako. "Everyday naman. Ikaw ba?"
"Naglagay na 'ko kanina. Baka mas umitim ako, mabawasan pa kagwapuhan ko mahirap na."
Natawa na lang ako. He's so happy today, ano kayang meron? Nakita ko namang papalapit si Jerome habang nakasimangot. Kung anong ikinasaya ni Marlo, ikinalungkot naman nitong si Jerome.
"Problem?" I asked.
Umiling siya at tumayo lang, he didn't say anything. Okay..
Nalingat lang ako sandali, pagtingin ko nakasuot na siya ng cap. Napangiti ako kasi ako ang nagbigay ng cap na 'yun sa kanya. Bagay pa sa kanya.
"Bakit?" kumunot ang noo niya. Ang sungit.
"Nice cap," I commented then smiled.
Tumango siya, "Mainit kasi mamaya." simpleng sagot niya.
"Papayungan naman tayo," Marlo said.
"Hindi na ako makikihati, hindi naman gaanong kalakihan 'yung payong. Saka mas siksikan kapag maraming nagpapayong sa atin," tumingin siya sa akin. "May cap naman ako na sa akin lang at wala akong kahati."
"Mahirap naman makihati sa cap." Marlo laughed. "Pero pwede namang hiramin."
"Bro, hindi ako nagpapahiram kapag akin lang." Matalim na sabi niya. Naubo ako bigla kaya hinimas ni Marlo ang likod ko. Inabot niya 'yung bottled water na ininuman niya kanina. "Water?" Kinuha ko kaagad iyon at uminom.
Tinanggal ni Jerome ang cap niya at ginulo ang buhok saka tumalikod. What's his problem?
"Excuse me." I followed Jerome. Umupo siya malayo sa mga taong nagkakagulo.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...