Reminder: This is a work of fiction. Siguro 'yung statements, totoo. But I use them as a guide, for even the smallest details of this story. So syempre, personal opinions ng characters ay imbento ko lang. Could be true pero kadalasan hindi. But this is my story, pinapagana ko lang imagination ko para maging matino ang story ko, for you readers :* sige, pagtiyagaan niyo na! Haha hope you'll enjoy reading! Sorry sa errors! -Jem
JEROME'S POV
To Janella:
Nakauwi ka na ba?
Napangiwi ako nang marinig ang malakas na tawanan nina Jane at Loisa. Pinagtritripan na naman ata si Joshua na pabirong umiirap sa kanila pero humahagikgik rin naman.
"Oh, Jerome!" Natatawang bati ni Jane, "Ang tagal mo, kanina pa kami rito."
Humalukipkip naman si Joshua at itinaas ang paa sa lamesa, "Oo nga ang tagal mo, kanina pa nila ako pinagtutulungan dito. Palibhasa ako lang ang gwapong nakikita dito."
"Hoy ang kapal mo!" hinampas-hampas siya ni Loisa kaya natawa ako. Mga loko talaga.
"Ano ka!" tumayo si Jane at tumayo sa tabi ko sabay akbay, "Ito. Ito ang definition ng gwapo!" tsaka niya hinigpitan ang pag-akbay sa akin at itinuro pa ako gamit ang isang kamay.
"Ayos ba, Je?" kinindatan pa ako ni Jane tsaka sila humagalpak sa katatawanan ni Loisa.
Nagkatinginan na lang kami ni Joshua at napailing tsaka ngumisi.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya nilapag ko agad ang bag ko sa tabi ng folding bed ko at umupo roon tsaka binuksan ang message na galing kay Janella.
From Janella:
Yup. :)
:(
Napakunot ako ng noo. Humilig ako sa pader at nagtipa.
To Janella:
Don't be sad. We will all miss Oh My G. You will too, syempre. Siguro mas mamimiss mo 'to kaysa sa bcwmh, kasi ito sariling show mo talaga at parang barkada lang lahat ng casts. Isipin mo na lang na marami kang nainspire (lalo na ako) at nagbalik-loob sa diyos dahil sa 'yo. It was a success. Congratulations :')
To Janella:
Ngayon, you need to rest. Wala ka ng taping next Monday pero alam kong magiging busy ka pa rin. Sa album, movie natin :D, appearances tulad sa ASAP.
To Janella:
Nako! Excited na ako sa ASAP sa Sunday. Noon medyo bangag ka pero nakakamangha bawat prod at spiels mo. Pa'no pa kaya ngayon, mas marami ka na sigurong prod. At mas nakakaiyak siguro ako sa galing mo. Hahahahah
To Janella:
PS: See you sa Sunday :) Malamang niyan mas magshishine ka, star magic anniv tas andun lahat ng stars ng star magic, at mapapanood nila lahat ng prod mo.
To Janella:
PPS: excited for ASAP IG prod hihihi XD
Nagmamadali pa ako sa pagtype niyan para hindi siya makasingit sa reply. I'm trying to cheer her up, kasi alam kong malungkot talaga siya ngayong last taping na ng Oh My G. Balita ko nga kay Tita, nag-iyakan pa sila ng ibang casts kanina.
Sinandal ko ang ulo ko sa pader. Magkikita kami sa kamakalawa, general rehearsals para sa ASAP sa Sunday. Siguro uuwi na lang ako saglit sa bahay para magbihis, hindi na ako magpapahinga sa bahay, didiretso na agad ako kina Janella para sunduin siya.
That way, I'll get to spend more time with her. Wala na siyang taping but I don't know kung magiging mas busy na ako sa kanya. Pakiramdam ko sasalamantahin ito ng management para gawan siya ng wansapanataym or another MMK. Ako, NKNKK pa rin ang pinagkakaabalahan. Extended kasi, kaya doble kayod na kami nito hanggang October.
Bukas ng gabi naman, may presscon kami para sa NKNKK. Tapos-natigilan ako nang napasulyap ako kay Joshua na tutok na tutok sa cellphone.
Umismid ako nang mapansin ang pinagkakaabalahan niya. Umigting ang bagang ko habang tinititigang mabuti ang cellphone niya.
Hindi nga ako nagkakamali. He's stalking Janella's instagram account. Naglilike pa siya ng pictures.
Naiinis ako, sinasabi ko na nga ba gusto niya si Janella. Iba 'yung mga tingin nito at palihim na sulyap kay Janella sa ASAP at sa rehearsals.
I don't really like Joshua before. Jane was one of my closest friends, and I admit na I liked her way back then. But I realized na mahal ko si Janella. Kaya tinrato ko lang siya bilang malapit na kaibigan. But I am protective over the girls of my life. Mother, siblings, friends and the girl that I love.
Inaamin ko, naiinis ako kay Joshua noon. He acted like he likes Loisa noong simula ng PBB. Nang umalis si Axel sa bahay ni kuya, ay si Jane naman ang sinunggaban niya! I was thinking na he's the type na-katulad ko noon. 'Yung klase ng tao na ayaw ko para sa mga kaibigan, lalo na sa mga kapatid ko. 'Yung klase ng lalaki na madaling maattract sa ibang babae, na dahil lang nagandahan ay pakiram nila na in love na agad. Infatuation lang naman. Maging si Axel ay ayoko rin para kay Jane, ang protective ko lang talaga siguro kaya nung nalaman kong makakatrabaho niya si Janella ay hindi ko nagustuhan.
Lagi kong sinasabihan si Janella na walang dahilan para magselos siya, pero ang totoo natatakot ako. Janella is every man's ideal girl. Natatakot ako na baka dahil lang sa maganda siya, sakit, talented at maraming followings sa industriyang ito ay maraming pumorma sa kanya. Pakiramdam ko ay aagawin nila si Janella sa akin. Ganyan talaga eh, mahal mo kaya kahit may tiwala kang mahal ka rin niya, natatakot ka pa ring sumugal na malayo sa kanya kasi baka mamaya, malingat ka lang ay may pumorma na sa kanya at mahulog siya sa bitag ng mga ito. It's them that I don't trust. I kept hiding that issue in me, kasi ayokong isipin ni Janella na wala akong tiwala sa kanya at ayoko ring magkaganun siya.
But I wonder if she's as scared as I am. Because I love her that much. Na pumayag akong maghintay na walang ibang nakakaalam kung ano kami, o ang namagitan sa amin, kahit pa natatakot ako. I know she has shown me jealousy before, at hindi 'yun nawawala sa kanya.
Pero napapaisip lang talaga ako, does she love me as much as I love her? Kasi ako mahal ko siya, sobra sobra na ayos lang sa 'kin kahit na hindi niya masuklian ng buo ang pagmamahal ko. Siguro dahil sa dami ng nakarelasyon ko noon, ngayon ko lang talaga naramdaman ang pagmamahal, hindi lang basta attraction. At ngayon, sobrang mahal ko siya na pakiramdam ko hindi niya mahihigitan iyong magmamahal ko sa kanya. Because I won't even let her sacrifice so much for me, I love her that much.
But I'm cool with Axel now, karamihan ng lalaking umaaligid kay Janella ay kaibigan ko kaya mas panatag ang loob ko, dahil medyo kilala ko naman sila.
Back with Joshua, naging magkaibigan na kami kaya ayos na sa akin. Pero ngayong nakikita kong he likes her, parang gusto kong ibakod bigla si Janella against all the men in the world.
Mabuti pala at ako ang nakatrabaho niya at hindi si Janella sa kaunaunahang proyekto niya dito sa ABS-CBN. So I can clear things up with him. Ngayon, I don't care if he likes Jane. Magkaibigan na naman kami, or if he likes Loisa, mas okay! Mas gusto ko si Jeron for Jane. I know na seseryosohin niya si Jane. And Jane looks happy with him.
Nag vibrate muli ang cellphone ko. Tinitigan ko ito.
From Janella:
Thank you.
Thank you!
THANK YOU.
HAHAHAHAHA.
HEH.
CRAZY!
But thank you, seriously.Are my replies :))) see you on Saturday! You, texting me is more than enough to cheer me up actually..
Napangiti agad ako nang mabasa ang reply niya. Naisip ko tuloy, sobrang mahal ko siya. OA na ba 'yon? Na pati si Joshua, na siguro ay may crush lang kay Janella, kaiinisa ko na rin? Matatakot na agad ako? Normal lang naman sa mga tao ang magkaroon ng maraming crush. Time will come, malalaman na rin niya ang pagkakaiba ng love sa infatuation at hindi na siya magdadalawang isip.
Things you'll do for love.. being corny but deep for love.
To Janella:
That's why I'll be the last one to text. Don't reply after this, alam kong pagod ka. Sweet dreams :) my princess.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RastgeleWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...