Chapter 27

289 10 0
                                    

JEROME'S POV

Kinagat ko ang labi ko at kinuyom ang kamao para mapanatili ang maayos na postura. I need to keep my shits together, when I saw her, pakiramdam ko mahuhulog ako, not that I haven't fell already, pero parang literal na mahuhulog ako.

Because just by the sight of her, it's already jaw dropping. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at ibulsa. And the thought that I can't do that, that I need to wait para mamaya ay pasimple ko siyang mapuntahan, is killing me.

It's so unfair, why can't I be beside my girl the whole night? Gustong-gusto kong maging makasarili pero siya lang ang pumipigil sa'kin. Iniisip ko ang career niya na baka bumagsak nang dahil sa akin, iniisip ko ang pamilya niya na baka magalit sa akin at iniisip ko siya, na baka ayaw rin talaga sa pagiging possessive ko kaya ipinagtutulakan ako sa iba.

"Stop looking at her," Mariing bulong ni Jane. "I'm your date, I deserve your attention the whole night. Remember, nakapaligid ang camera sa atin. Don't destroy this event, please. Mag-ingat ka."

Suminghap ako at inilipat sa kanya ang atensyon ko. She have a point. "Sorry." Bulong ko pabalik. Tumango lang siya at naglakad na kami patungo sa table namin.

Hindi ko magawa. Kahit noon, hindi ko maiwasang sumulyap kay Janella. Paano pa ngayon? Nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin. Nakatingin siya sa'kin! God, she's killing me. Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti bago nag-iwas ng tingin.

Damn, kanina ko pa pilit na inaayos ang sarili, pero dahil lang sa isang tingin nagulo na naman. I can't wait for the program to end, gustong-gusto ko na siyang makasama.

And she's alone on the red carpet, nakahinga ako ng maluwag. But I'm guilty dahil may kasama ako, kahit siya naman ang nagpumilit na kami ni Jane. But Janella doesn't need me, kahit mag-isa lang siya ay marami ang atensyong nakuha niya.

Marami akong binati, big and small personalities. Mga nakasama ko sa trabaho at mga respetadong tao sa industriyang ito. Sinusubukan kong lapitan si Janella kaya lang ay hindi ko magawa dahil may nakakasalubong akong kailangan kong batiin.

"Jerome, pupuntahan ko lang sina Fifth?" Paalam ni Jane at nginitian si ate Jodi. Tumango ako at binalingan ang sobrang namiss kong Tita Mommy. "Ate Jods! Namiss kita. Hi dude."

Bahagya akong nagbend para makipag-apir kay Thirdy na anak niya.

"Oo nga, namiss kita." Ngumiti siya ng matamis at tinapik ako sa balikat. "Lagi kitang pinapanood! Ang galing-galing mo. Kasama mo na pala Daddy mo." Mahinhin siyang tumawa. Yes, si Richard Yap ay kasama ko na sa NKNKK.

"Thank you! Oo nga 'te Jodi, sayang wala siya dito. Nakapagreunion sana tayo." Halakhak ko.

Napangiti siya ng malaki, "But Janella's here! Kahit tayo lang, picture tayo ha? Wait I'll call Janella. Thirdy, stay with Kuya Jerome." Hindi na niya ako hinintay at kinalabit na niya si Janella na malapit lang at mukhang maglalakad na papunta sa table nila.

Naiwan akong aligaga at hindi alam ang gagawin. What will I say as a greeting? You look lovely? Hi?

Nakita kong napatingin silang dalawa sa'kin pagkatapos nilang magyakapan. Sobra na ang kalabog ng dibdib ko, shoot.

"Kuya Jerome, tayo na lumapit. Let's be gentlemen." Yumuko ako para matingnan si Thirdy na may hawak na baston at nakangiti sa'kin. Tumango ako at hinawakan siya sa balikat habang naglalakad kami. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nag-uusap pa rin ang dalawa at hindi gumagalaw sa kinatatayuan nila. Nakalikod si ate Jodi while Janella's in front of her, nakita kong nakatingin siya sa akin.

"Ate Janella!" Tumakbo si Thirdy at lumapit sa nanay niyang natawa. "I missed you."

Tumingin si Janella sa kanya at kinurot ang pisngi ni Thirdy. "Aww, I miss you more Thirdy. And Russel misses you!"

Dahan-dahan lang ang paglalakad ko kahit kanina ko pa gusting tumakbo. She's looking at me as I get closer.

"Nice suit." Bati niya ng nakangiti.

Tumingin ako sa suit ko tapos sinuklian ang ngiti niya. "Thanks. Nice gown."

"Thanks." Umangat ang labi niya. Gusto ko siyang lapitan at halikan sa pisngi, but right now I don't think that's neccessary.

Natahimik kaming dalawa at pinagmamasdan lang kami ng mabuti ni ate Jodi habang nakangiti. "So.. picture?" Paalala niya.

Tumango kami ni Janella at agad na pumwesto sa gilid nila ni Thirdy. Ngiting-ngiti ako habang pinipicturan kami gamit ang cellphone ni Janella. I took out my phone too para meron din sa'kin.

Nagkwentuhan pa kami saglit at nabanggit pa niya na excited siya sa movie namin ni Janella at makita kami bilang loveteam. Nakita kong namula si Janella at ngumiti. But ate Jodi needed to go to greet some friends kaya naiwan kami ni Janella.

"Come with me tonight?" Bulong ko at lumapit ng kaunti. Ngumiti siya.

"Are you asking me for a date, Jerome Ponce?"

Humalakhak ako. "You owe me one. Ang galing mo kanina sa cotillion."

Dahan-dahan siyang tumango at bumuntong hininga. "I told you. Si Marlo ang partner ko.."

"Ikaw naman ang pinanood ko, hindi siya." Ngumiti ako pero bahagyang napawi ito nang mapansing hind siya suot ang necklace. But I said it earlier, it will be fine with me. And damn, I was so jealous a while ago. Gusto kong tusukin ang mga mata ni Marlo at higitin palayo si Janella sa kanya sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Uhm, si Jane nga pala?" Tanong niya at luminga-linga sa paligid.

"Kasama PBB friends niya kanina, pero.." Napatingin ako sa table namin. Nandoon na pala siya at nakatingin sa amin ni Janella. "There she is."

"Jane!" Tumakbo si Janella. Tumawa ako at gusto ko siyang alalayan pero ayun na at sinalubong siya ni Jane at nagyakapan habang tumatawa.

Hindi na ako masyadong lumapit, pinagmasdan ko siya. She's extra beautiful tonight.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon