JANELLA'S POV
"Cancel everything?!" Napapikit ako sa sigaw ni Mama.
I knew she would get furious kapag sinabi kong ayoko ng ituloy 'yung debut celebration ko lalo na ngayong halos nakalahati na namin ang pagpaplano."Ma," Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Ang cinecelebrate naman sa birthday, 'yung existence diba? I want to thank the Lord by this 18 blessings. Sayang kasi kung gagastos ng malaki para lang magpaganda at magkaroon ng bonggang party, kung pwede namang gamitin na lang para makatulong sa nangangailangan, diba Ma?"
"Anak." She looked at me pleasingly. "Once in a lifetime lang ang debut. Hindi naman masamang gumastos ng malaki paminsan-minsan, you're worthy of it. You deserve to be happy on your special day. What can you say, Jerome?"
Napatingin kami kay Jerome na nakaupo sa sofa sa tapat namin. He stopped from munching donuts and looked at us with a weird expression on his face.
"Tss. Takaw." Irap ko.
Tumawa siya kaso puno 'yung bibig niya kaya nilunok muna niya iyon. "Nagsalita ang hindi maya't maya kumakain."
"Bwisit!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"So what do you think Jerome? Should she cancel the debut?" Tanong ni Mama.
Nanlaki ang mata ni Jerome. I knew he wasn't listening kanina dahil focus siya sa panonood ng If I Stay sa Star Movies habang nilalantakan 'yung donuts, akala mo naman ngayon lang nakanood. Fanboy kung fanboy ang drama nito.
"Ha? Bakit?" Gulat na tanong niya.
"Because it's magastos! I could just save all these money to help others instead of wasting it for my own good. Besides, I'm not fond of parties or grand celebrations. At hassle lang."
"Pero once in-" I looked sternly at him. Ngumuso siya at bumuntong hininga. "Oo nga naman, Tita. Kung saan siya masaya, tapos gusto pa niyang tumulong na lang sa iba para sa birthday niya. Sinong hindi magiging proud sa anak niyo?"
Tumingin ako kay Mama. Tumango-tango siya at bumaling sakin. "I'll think about it."
"Thank you!" I hugged her tight. She hugged me tighter and kissed my head. Pagkatapos, pumunta si Mama sa kusina para ihanda ang lunch namin.
Tumabi agad sakin si Jerome.
"Oh bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumisi lang siya at itinuon ang atensyon sa panonood. Baliw talaga nito. Nanood na lang rin ako nang biglang may kissing scene, naasiwa ako kaya lumayo ako kay Jerome.
Sumimangot siya at umupo sa tabi ko, wala ng space sa tabi ko kaya lumipat ako sa katapat na sofa.
"'Wag ka lalapit!" Sabi ko nang aktong tatabi siya sakin.
Inirapan niya ako. "Bakit?"
"Ayoko lang."
God, ang sakit na naman ng puson ko. Nagulat ako nang biglang humiga si Jerome sa sofang inuupuan ko at nilagay ang ulo sa lap ko.
"A-Ano ba?!" Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi siya umimik, aatras sana ako para hindi makalayo kaya lang bigla niya akong tinitigan.
"Namiss kita."
Halos mabali ang leeg ko kayuyuko sa kanya at halos mapudpod ang labi ko sa kakakagat ko. Naiilang talaga ako kaya kinuha ko 'yung remote at nilipat sa susunod na channel, may nagwewrestling sa part ng movie ng movie na 'yon.

BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
RandomWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...