JANELLA'S POV
"Oh My-" Kinagat ko ang labi ko. God, I swear if he doesn't stop, I'll go crazy.
Bumilis lalo ang pag hinga ko nang mula sa baywang ay pumasok ang kamay niya sa loob ng pang itaas ko.
Tumigil siya sa paghalik at napapikit. Pinatong niya ang noo niya sa noo ko, his eyes were still on my lips. Pareho kaming naghahabol ng hininga pero nakatingin lang rin ako sa labi niya. He inhaled once more, "Mahal na mahal kita." At dahan-dahang lumapit para halikan ako ng marahan sa labi.
"M-Mahal rin-"
"I know." He said in a low tone as his lips traced my shoulder. Napapikit ako at napabuga ng malalim na hininga.
Bahagya niyang itinaas ang damit ko, dahilan para lumitaw ang tiyan ko. Mas lalong nag wala ang mga paru-paro sa tiyan ko nang maramdaman ko ang hininga niya doon.
Halos mamilipit ako nang hinalikan niya ako doon, pataas.
"I want to put a baby in here.." Hinalikan niya ng matagal ang tiyan ko. Napahawak ako sa buhok niya. "Kapag pwede na, kapag may maipagmamalaki na ako sayo... kapag kaya ko na kayong buhayin ni baby." Sabi niya habang patuloy ang pag halik sa akin doon.
Halos maluha ako sa saya dahil sa sinabi niya. I want that to happen. I want an eternity with him, I want to have him for the rest of my life. I want him to stay beside me forever.
Ang saya ko at mas lalong ayoko ng tumigil pa kami. Umakyat ang kamay niya sa likod ko, halos maghuramentado ang puso ko dahil paakyat ito sa bra kong nakatanggal ng kawit nang makarinig kami ng doorbell.
He leveled his face on mine. Kinakabahan ako dahil sa nag doorbell pero hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko. Napanguso ako nang bigla siyang kumalas at tumayo. Nagsuot siya ng t-shirt.
"Uh.. pakibukas 'yung pinto, please?"
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Ang bilis pa rin ng kabog sa dibdib ko at lutang pa rin ang pag-iisip ko.
"B-Bakit ako?" Takhang tanong ko habang pinupunasan 'yung pawisan kong noo.
Naka-aircon namin pero bakit pawis ako? Ang init-init ng pisngi ko dahil bumaha sa utak ko 'yung mga nangyari.
"Kailangan ko pang kumalma.." bulong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Sumulyap ako sa mukha niya at nakita kong hindi makapagfocus ang mga mata niya. He's biting his lower lip endlessly.
"A-Ako rin naman." Angal ko. Pakiramdam ko kahit wala namang ibang nakakita sa amin kanina, malalaman pa rin ng kahit sinong titingin sa akin. Hindi ko alam, did we went overboard? Hindi naman ata..
"Pagbuksan mo lang, I'll follow.."
Tumango na lang ako. Kinakabahan kong binuksan 'yung pinto at nakahinga ako ng maluwag nang makitang babaeng staff lang ng building na ito ang nandoon at mukhang may gusto lang na ipromote na bagong establishment sa building.
Napaawang ang bibig niya nang makita ako. Nakilala ba niya ako? Napakagat ako ng labi at sinuklay ng daliri ang magulong buhok ko. Darn! Ni hindi ako nagsalamin, alam kong hindi maayos ang itsura ko ngayon! Pawisan pa ako.
"Uhm, Ma'am pwede po bang pakitawag si Mr-" tumingin siya sa papel na hawak niya saglit. "Ponce?"
"Ako iyon, bakit Miss?" lumapit si Jerome sa amin. Manipis lang ang t-shirt niya kaya kitang-kita ang pagpapawis ng katawan niya. Tayo-tayo pa ang buhok niya at magulo. I bit my lip and looked at the woman instead. Nasa mid 30s na siguro siya. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Jerome kaya mas lalo akong nahiya. Naasiwa ako at inayos ang damit ko. Kanina pa rin ata siya nagdodoorbell dito. Nanliit ang mga mata niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
AcakWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...