Chapter 52

238 8 4
                                    

JANELLA'S POV

Tahimik lang siya habang bumibiyahe kami pauwi. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin dahil kinakabahan ako.

Bumuntong hininga ako at tumingin na lang sa bintana. This is so awkward. I want to apologize for hurting his feelings. I know sumobra ako. Pero nag-iingat lang ako. Para sa amin rin naman iyon.

Hindi ko alam kung makakahinga na ako ng maluwag nang itinigil niya ang sasakyan para kausapin ako.

Pumikit ako ng mariin at sumandal.

No, I won't go out of this car without getting to say sorry. Dumilat ako at nilingon siya. To my surprise, he's already staring at me with his arms crossed.

Napalunok ako at yumuko. "I'm sorry..." Kinagat ko ang labi ko. Alam ko, natuto na ako. Kung hindi ko ibababa ang pride ko, kung walang magpapakumbaba sa amin at kung lagi na lang siya o ako lang ang magpaparaya, hindi kami magtatagal. And I would do everything to save us.

"Okay lang, Janella." Malamig na sabi niya. Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko sa tono ng pananalita niya.

"I'm really really sorry. Jerome, h-hindi ko sinasadyang masabi 'yung mga 'yun." Nanginginig na ang balikat ko at bumibilis na ang paghinga ko. Konti na lang, tutulo na ang mga luhang nagbabadyang bumuhos sa gilid ng mga mata ko.

Bumuntong hininga si Jerome at inangat ang mukha ko. Biglang umamo ang mukha niya nang nakitang naluluha ako.

"Tama ka naman. Naiintindihan ko."

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at tinitigan siya. Parang kinukurot ang puso ko nang sabihin niya iyon. I'm so stupid. Bakit ko ba nasabi ang mga iyon?

"Hindi. Mali ako. You're better than my career. I can't lose you for that..." Halos magmakaawa ako para paniwalaan niya ako.

Matagal siyang nanahimik. Hindi siya umiimik. I reached his hand. Napatingin siya sa kamay namin. I was so scared he'll reject my simple gesture, my apology, me.

Halos maiyak ako sa tuwa nang hinalikan niya ang kamay ko at inihaplos sa mukha niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "I can't lose you for anything." Bulong niya sa tainga ko.

Napapikit ako at sumandal sa dibdib niya, pinulupot niya ang braso niya sa akin saka ipinatong sa ulo ko ang kanya. In his arms, it felt like home. Nakakampante lang ako sa tuwing nasa tabi niya ako, sa tuwing ganito kami. Bakit hindi pwedeng ganito palagi?

"Hindi mo naman kailangang mamili kasi 'di naman kita papipiliin." He tapped my head. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ngumisi siya. "Alam mo namang I blessed the day that I was born for you."

Natawa ako. Nasingit pa niya 'yun, ah.

"You're so breezy."

Humalakhak siya at humarap sa akin. "Oo nga pala, lalabas kami mamaya ng mga kaibigan ko."

Kumunot ang noo ko. "Okay?"

Ano namang kinalaman ko doon?

"Nagpapaalam lang. Nag-aya kasi sina Albie."

Tumango ako at tumunganga.

"Kakain lang kami sa labas bago pumunta sa bar." Dagdag niya pa.

Ngumuso ako at tumango na lang. Well of course, he's not that busy anymore. He deserves this break so he might as well enjoy it.

"All boys ba kayo?" Biglang tanong ko. Bumaling siya sa akin.

What's The Real Score? [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon