JEROME'S POV
"You're blooming, miss. I wonder why." Halakhak ko at tinitigan ulit ang necklace na ibinigay ko sa kanya.
Namula ang pisngi niya. "Maybe because I came from London."
Nagtaas ako ng kilay. "Nakakainlove ba ang London? I'm jealous."
Ang simpleng pagkunot ng noo niya ay nakakamangha na para sa'kin. She's like a miracle that happened to me.
"Really, Jerome?" Natatawa niyang tanong.
Pumamaywang ako at ngumisi. "Of course I'm jealous. I want to go to London too! Makikita mo, blooming ako pagkauwi ko."
Inirapan niya lang ako. Ngumiti ako, nakakamiss ang pagiging mataray niya.
"Jerom-" Napalingon agad kami sa pinanggalingan ng ingay. "Oh. Hi, Jea. Nandito ka na pala."
Oh shit. Nakailang mura pa ako sa isipan ko bago pa tuluyang nakalapit si Jane sa amin. Itinuon ko ang pansin ko kay Janella, she's staring blankly at Jane.
"I missed you! Where's my pasalubong?" Tawa niya. Napaawang ang bibig ni Janella. That's it, I won't let her near my girl.
Tumayo na ako para lapitan siya nang itaas niya ang kamay niya para pigilan ako.
"Jerome naman. She's my friend, hindi ko siya tatalikuran basta-basta para lang sa isang lalaki." Irap niya.
Don't push me, Jane. You might not wanna see my other side.
Hinawakan ako ni Janella sa braso, napatingin ako doon. May halong pag-aalala ang mga tinging ibinibitaw niya.
"Calm down, please." Bulong niya.
Mariin akong pumikit ng ilang segundo para tumango. I'll try but I can't promise.
"Jea, can we talk? 'Yung tayo lang-"
"No." Matigas kong sabi.
Umiling si Jane at binaliwala ang sinabi ko. "Janella, please?"
"Okay.." Damn!
Nilingon ko agad si Janella. "Janella, you can't."
"We'll just talk!" Sabat ng sarkastikong si Jane. "I won't bite her or something."
Mas lalo lang akong nainis. No way! Napabuntong hininga na lang ako ng titigan ako ni Janella na may halong pagmamakaawa.
"Okay, Ten minutes."
"What? Ano ba naman-"
"Fifteen minutes. Will that be fine, Jane?" Tanong ni Janella. Nag-igting ang bagang ko. Dapat hindi na lang ako pumayag. But what can I do? She pleaded.
"Alright." Sagot niya. Nagmartsa na ako palabas ng tent kaysa sila pa ang lumayo.
Pero bago ako makalabas ay tumingin ako kay Janella.
"Call me when you need me. Sa labas lang ako." Magsasalita pa sana si Jane pero inunahan ko na siya. "Hindi ako makikinig, h'wag kang mag-alala."
Tumambay ako di kalayuan sa tent. May ilang pumapasok sa tent pero lalabas rin agad, siguro may kinuhang gamit lang sa loob. Panay ang tingin ko sa relos ko, it's already Ten minutes. In Five minutes dapat ay nasa akin na si Janella. Naging abala rin ako sa pagrereply sa handler at road manager ko na pinapaalalahanan ako sa schedule ko.
Halos mapatalon ako nang may kumalabit sa'kin, paglingon ko ay nakita kong si Janella iyon na abot langit ang ngiti. Kumunot agad ang noo ko, anong pinag-usapan nila?
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
De TodoWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...