01

375 11 0
                                    

Inigo

"Haeilyyyyyyyyyyyyy!!!!!!"

Umalingawngaw ang boses niya sa gitna ng opisina kahit na nakasarado ang pinto ng opisina ko. Hindi ko kailangang buksan ang pinto o silipin kung sino ang nasa likod ng boses na yun. Nagiisa lang naman. Si Suzanne.

3.. 2.. 1..

"Good morning!!!!!"

Suzy was on her usual get up. Nice dress, labcoat on, with eyeglasses,. may maliit na slingbag sa harap, flat shoes. Nakapusod ang mahabang buhok with light makeup. Mukhang maamong tupa, malayong malayo sa maingay niyang personality.

Sa kamay nya ay may bitbit na dalawang cup ng kape. Ipinagbukas siya ng pinto ng secretary ko. Sinipa niya ang pinto para sumara.

"Nakakasira ka ng umaga Suzy." Matabang kong bati sa kanya. Umupo siya sa silya sa harapan ng office table ko.

"Sungit." Bulong nito sa akin. "Ayan na yung kape mo Mr. Sungit. Say thank you master."

"Libre ba toh?" pang iinis ko pa.

"Kelan ba kita siningilan?" Padabog niyang ibinaba ang kape sa harapan ko.

Lagi nga naman libre ang mga kapeng dala niya.

"Kumusta ang mga baby ko?"

Tumawa lang si Suzy.

My babies. My farm babies.

May maliit akong farm dito sa bayan ng Santa Isabel. Pamana ng mga magulang ko sa akin. Kaisa isang alaala na iniwan nila mula ng maaksidente sila 5 years ago. First year college ako nung mawala sila at tinulungan ako ng daddy ni Suzanne  na imanage ang farm habang nag aaral pa ako. The moment I graduated business management, I took over.

Hindi naman siya sobrang liit, pero hindi din naman napakalaki. May manggahan kami sa loob, may isang portion para sa mga rambutan at lansones at iba pang seasonal na prutas, at may mga alaga kaming mga farm animals.

Pinakamadami ang alaga naming baka. At mayroon kaming maliit na milk plantacion sa loob. Cow milk, kesong puti, milk candies.

At may isang masuring nag aalaga ng mga babies ko.

Si Suzanne. Our resident vet.

My cousin. Sa Maynila nakatira si Suzy kaya walang nakakakilala sa kanya, si uncle Darren naman ay katulong ni Dad sa pamamahala ng farm. When she graduated, I hired her as our resident veterinarian.

Akala ng mga tao sa opisina, girlfriend ko si Suzanne. Siya lang kasi ang tumatawag sa akin ng Haeily.

Ayokong tinatawag na Haeily. Tunog babae. Simula pa noon, mas prefer ko na tawagin na Inigo.

At dahil akala ng lahat pet name ni Suzy sa akin ang Haeily, her as my girlfriend, hindi ko na yun itinama. Dahil after ko siyang kuhanin na vet at akalain nila na girlfriend ko siya, umiwas na din ang mga babaeng nagpapahaging sa akin, mula sa empleyado hanggang sa mga kliyente.

Ang nakakaalam lang na pinsan ko siya ay ang inner circle ko, my highschool friends na kasama ko dito sa farm, my bestfriend Min na nasa legal department, Shin and Yiseo na nasa production and quality, Insub at Namjun na namamahala sa field, Heejin na nasa admin, at si Geonhee na nasa mango farm. My closest friends.

Napukaw ang isip ko ng magsalita si Suzy.

"Wala namang problema yung mga anak mong baka, yung tatay nila parang meron."

"Ano? May need ba na meds?" Nagtataka kong tanong.

Binato ako ni Suzy ng ginusot na papel.

"Baliw, ikaw yung tinutukoy kong tatay."

"Mas baliw ka."

"Haeily Inigo." tawag niya ulit sa akin.

"May naisip akong bagong pet name mo."

"Huh?" Heto na naman siya sa mga weird nyang antics.

"Haeily."

"Inigo."

"Hae--

--in."

"Haein!!"

Naibuga ko ang kapeng iniinom ko.

"Huy Haeily, ok ka lang?" Nag aalala niyang tanong sa akin ng magkang uubo ako sa pagkasamid.

"Dont ever call me Haein."

Medyo nagulat ata si Suzy sa sagot ko. My face went dark.

"Galit ka ba?" Halos pabulong lang na sinabi ni Suzy.

"Don't ever mention the name Haein again, or else Inigo nalang din ang itawag mo sa akin."

"Hae--

"You may leave."

"Huy bakit ka ba nagalit? May problema ka ba sa Hae--

"Leave."

Napapitlag si Suzy sa boses ko. Alam ko nagulat siya sa biglang pagbabago ng mood ko.

Medyo ninenerbyos siyang lumabas ng opisina ko. Pinindot ko ang line ng secretary ko.

"Mae."

"Sir Inigo?"

"Move my next meeting 30 minutes late. Sumama lang ng konti pakiramdam ko. Can you explain to the attendees?" Utos ko sa kanya.

"Ok po sir."

Sumandal ako sa swivel chair.

Haein.

The name echoed in my heart and ears as if someone called me with that just yesterday.

Kung okay lang sa akin na tawagin akong Haeily, off limits sa akin ang tawagin akong Haein.

As if it is a mortal sin.

Isinandal ko ang ulo ko sa silya ng tumunog ang office phone.

"Mae?"

"Andito po si sir Min, importante daw po. Papasaukin ko po ba?"

Si Min? Bakit kaya?

"Sige, papasukin mo."

Iniluwa ng pinto ang bestfriend ko na si Min.

"May problema ba?" maagap kong tanong.

"Bakit parang mukha kang nalugi, ok kalang ba?" tanong niya sa akin. He knows me too well.

"Masakit lang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Inigo."

"Ow."

"Tinawagan ako ng mga Kim. They increased their offer."

I chuckled softly. They really wanted to get my farm.

"Plus 20 million."

Napasinghap ako. Ganun nila kagusto ang lupa.

"That's 70 million Inigo. That's almost ten times---

"Tell them no."

"Inigo."

"Hindi ko ibebenta ang lupa. Kahit anong gawin nila, hindi magbabago ang isip ko."

The Kims wanted to build a hotel resort casino sa Santa Isabel. At ang lupang pag aari ko ay sagabal para maiclose nila ang deal nila sa investors.

And they have been sending tempting offers. Very tempting.

Hindi masyadong maganda ang financials ng farm. I hate to admit it na medyo tagilid, pero never kong naging option ang pagbebenta ng farm. Maraming dahilan para hindi ko ito ibenta. So I am trying my best to improve financials by gathering more investors.

Na mas mahirap kasi mas interesado sila sa hotel resort.

"Call them Min. Tell them it is a No. And that's final."


Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon