42

460 15 6
                                    

Inigo

7AM.

"Chi....." Mahinang kong tawag sa kanya.

Nakasandal ako sa headboard, habang nakadapa pa rin si Chiara sa kama at ayaw pang bumangon. Abala ako sa pagbbrowse ng email sa telepono ko.

Maagang tumawag si Manong Jerry sa akin at inabisahan ako na magpahinga maghapon at sila na ang bahala sa farm. Confirmed na very minimal lang ang damage especially sa mango farm. Isa nalang ang issue namin, wala pa ring kuryente. Ayon sa kooperatiba na namamahala ng kuryente sa buong Santa Isabel, dalawa hanggang tatlong araw pa na walang kuryente.

"Chi...." This time, niyugyog ko na siya sa balikat. Her body was feverish.

Sinapo ko ang noo niya, and she indeed has a fever.

Nahawa ko pa nga.

I picked up the thermometer on my bedside table and check on her.

39.2. Damn it.

Tumayo ako para kumuha ng mga bagong set ng kumot sa closet and I wrapped her around with it to keep her warm. I snatched my phone from the bed and make some calls.

Manong Jerry, makakasaglit po ba kayo ngayon sa bahay? May ipapabili po sana ako sa bayan.

Manang Letty, maiipagluto niyo po ako ngayon? Nilalagnat po kasi si Chi.

Mae, hindi muna ako papasok ngayon.

Tito John, nasa bahay po kayo?

🌳🐄🌳

Mag aalas diyes na ng magising si Chi. Hindi ko siya ginising kanina para uminom ng gamot at hinayaan ko na lang siyang matulog.

Dahan dahan siyang nagmulat ng mata, and I was sitting next to her, working on my laptop.

"Hey, kamusta pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya. Naghihikab pa rin siya at nakasiksik sa magkapatong na comforter na ibinalot ko sa kanya.

"Masakit ang ulo ko..." She complained.

"You have fever." Maigsi kong sagot. Inilapag ko ang laptop ko sa gilid ng kama.

"Gusto mo na bang kumain para makainom ka na ng gamot?" Sinapo ko ang noo niya. Mainit parin dahil hindi ko pa naman siya napainom ng paracetamol.

Dahan dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard. Nakatingin siya sa akin.

"Hindi ka pumunta ng farm? You could seriously go to work now, hindi kita pipigilan."

I scoffed at her. "You think iiwanan kita ditong mag isa, eh nilalagnat ka. Sabi ko sayo di ba, pananagutan ko yang lagnat mo." Inaakbay ko ang braso ko sa balikat niya at kinabig ko siya palapit sa akin. Naiiling siyang natatawa sa sagot ko.

"So may kuryente na?" She asked, looking at the light on my ceiling.

"Nope."

"Wala pa, eh bakit may ilaw na?"

I gave her a sly smile.

"Nagpabili ako ng generator kay Manong Jerry. Dito ka muna sa bahay. Tumawag ako kay Tito John, nasa San Juan daw sila ni Yejin pareho, madami daw silang aayusin sa Yeri Jinelle's. Sakin ka muna daw." I playfully winked at her.

She pinched me on the side. "Tuwang tuwa ka naman..." Pang aasar niya saken.

"Di masyado. Magastos. Napabili ako ng generator ng di oras."

She looked at me adorably, as if I did something grand for her. Sinusuklian ko lang naman ang pag aalaga na ginawa niya sa akin ng dalawang gabi na maysakit ako.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon