Inigo
"Are you okay? Hindi ka ba nahihirapang huminga? Why did you even take it, alam mo naman na may mani yung kare kare di ba? Gusto mo na bang mamatay? It could gone worse." Sunod sunod kong tanong kay Chiara. Kasunod ko siya habang naglalakad kami papasok ng main villa. Binagalan ko ang lakad ko para sabayan siya, and I am still holding her hand. Hindi naman niya binawi ang kamay niya.
May pa ilan ilang pantal na siya sa kamay, sa braso, sa pisngi.
"I am okay Inigo." Mahina niya lang na tugon. Medyo namumula na ang mukha niya. Hanggang makapasok na kami ng bahay. "Mauna ka sa taas, kukuha lang akong tubig. I'll be quick." At first, she was hesitant to leave. "Go. Susunod ako. Sige na." Tulak ko sa likod niya at hindi na siya nakipagtalo.
Pumasok ako ng kusina para kumuha ng tubig. Nadun si Manang Neli.
"Hijo, anong kaylangan mo?" Takang tanong ni Manang.
"Tubig po, tsaka po kahit anong matamis. Nakakain po ng kare kare si Chiara, namamantal po."
"Ay naku, andito si Dok sa mga bisita. Gusto mo bang hanapin ko?" Tarantang tanong ni Manang.
"Nailuwa naman niya po agad, i think ok na po sa oral meds." Paninigurado ko kay Manang. Inabutan niya ako ng isang basong tubig at ibat ibang kakanin. "Akyat na ako agad Manang, kailangan po ito ni Chiara." Hindi naman ako pinigil ni Manang.
I went up sa second floor, passed through the powder room, the alley going to the guest rooms, his dad's room, Yejin's. Sa pinakadulo ang kwarto niya. Marahan kong pinihit ang seradura ng pinto and there she is inside, sitting at the edge of her bed, gently brushing her arms. Agad akong pumasok at inabot sa kanya ang tubig, her pill for allergy on her palm. Ininom niya yun at inabot sakin ang baso. I know she would feel hot by this time. Tumayo ako para ilagay sa bedside ang baso katabi ng platito ng kakanin, inadjust ko na din ang temp ng aircon ng kwarto niya to a colder one.
Umupo ako sa tabi niya. "Alam mo na bawal sayo, did you do that to please your boyfriend?" Halos paangil kong tanong. "Hindi ko alam if you are just really stubborn or careless."
"I am both Inigo."
I let out an exasperated sigh.
"Let me see your back."
Tinapik ko siya sa hita at agad naman siyang tumalikod sa akin. She cleared all the hair at her back bringing them all in front. Nag uumpisa ng humupa ang mga pantal niya sa may likod ng tenga. Wala na din sa likod.
My sinful eyes wandered again at her bare back. And heat rushed through my veins in an instant. Pakiramdam ko namula ang punong tenga ko. Iniiwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
Control Inigo. This is wrong.
"Humuhupa na ang mga pantal mo. You should be fine."
"Thank you." Bulong niya.
We are now facing each other at the edge of her bed.
"Boyfriend mo ba talaga yun?" Hindi ko maiwasang magtanong. I was at least expecting he will be barging in after what happened.
"He should be here checking on you."
Wala siyang naitugon.
"Is he always treating you this way?"
Silence.
"Is he taking good care of you?"
Wala pa rin. Maybe I sucked out all the possible air that my lungs could contain, but I got no answer from her. We stayed that way, tension starting to build between us. I had to cut it fast.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...