47

358 15 12
                                    

Chiara

Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ni Inigo. 4AM to be exact. Dahan dahan kong dinampot mula sa bedside table ang telepono niya, swiping it to snooze for ten more minutes. Gumalaw si Inigo, pero hindi nagising. Nang magising ako, nasa parehong posisyon pa rin ako, kagaya ng kung paano ako natulog kagabi.

Hindi niya ako ibinaba?

Nakadantay ang isang braso niya sa bewang ko, ang isa ay nakalapat sa kama. No signs of discomfort. I silently watched him sleeping soundly. I am lucky. Lucky enough that I have him.

Tumunog ulit ang alarm at napangiti ako. 4:10AM. I decided to extend for another ten more minutes.

Ano kayang mga plano niya ngayong araw?

Ten minutes of just staring and appreciating him, sa sunod na tunog ng alarm, I dismissed it. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Inigo.

"Gising na." Mahina kong bulong sa kanya. Umungol lang siya.

"Uy, gising na." Yugyug ko sa balikat niya. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata.

"Good morning." Bungad niya sa akin na nakangiti habang naghihikab. Diretso ang labi niya sa noo ko. "Did you sleep well?"

Not him instantly checking on me the moment he opened his eyes.

"Wag ako ang tanungin mo kundi yang katawan mo. Bakit hindi mo ako ibinaba sa gilid, eh mabigat ako? Hindi ka ba nagkacramps?"

He just shrugged it off, planting another light kiss, this time at the tip of my nose.

"Inihagis kita kagabi sa sahig nung nakatulog ka na, pinulot lang ulit kita kanina bago ka magising." Nagbibirong sabi niya. My lips automatically pouted with his early morning teasing. "Ten minutes pa." He bargained as he snuggled me closer to him, shutting his eyes again.

"Dalawang beses ko ng pinatay yung alarm Inigo. Actually, its 4:20 already.

Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga na parang nabuhusan ng malamig na tubig. Kasa-kasama ang katawan ko ng bumangon siya ng bigla.

"C'mon, get up. Let's get ready."

"San tayo pupunta ng ganitong kaaga?" Nagtataka kong tanong.

"We will catch the earliest mass."


Halos naging mabilisan ang naging kilos naming dalawa, and 20 minutes before 5AM, Inigo was driving on his way to Santa Isabel Parish Church. Sampung minuto lang ang layo namin mula sa simbahan.

"Ganitong kaaga talaga? Why not the late mass?" Nagtataka ko na namang tanong. Nung mga bata pa kami, we usually attend the 8AM mass when we were with our parents at nung natuto kaming magsimba na kaming dalawa lang, we picked the 930 AM or the 5PM mass. Matagal tagal na din nung huli kaming umattend ng mass na magkasama. Excluding the La Union trip which we missed the mass, today is the first time again after five years.

"Tanda mo nung highschool tayo?" He asked.

"Alin dun, andami kaya?"

We had a lot of memories together even going to church. We were literally inseparable way back then.

"Bukod sa mass reflection, may isang agenda ka pa noon kapag sumisimba tayo. Ang magbilang ng dadaan na pogi."

I literally squealed.

"Hoy, hindi ha. Sinong maysabi sayo niyan?"

"Nagkakasala kaya ako noon kahit nasa loob tayo ng simbahan. May Inigo ka na, nagaaudit ka pa ng gwapo sa simbahan. Remember once, I asked you that we chose the 5AM mass instead?"

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon