Inigo
Tinanghali akong ng gising than my usual routine. Usually between 4-5AM (super late na nga ang 5AM), gising na ako, maagang naglilibot sa garden ng bahay, pagkatapos iikot sa farm. Pero ngayong araw, lampas 530 na ng umaga ako nagising. Napuyat ako kagabi.
Hindi ko mahagilap ang tulog ko dahil sa balitang nakarating sa akin.
Chichi is really back.
At kahit anong pilit kong ipikit ng paulit ulit ang mata ko kagabi, blangko. Hindi ako makatulog. The thoughts of her occupied my entire sanity.
Sumulyap ako sa salamin para makita kung hindi ako nangangalumata. Dahil sigurado ako kantyaw mula sa mga kaibigan ko ang maririnig ko. Nung masigurado kong okay naman, lumabas na ako ng kwarto.
Bumungad sa akin si Manang Letty na nagwawalis walis na sa harapan. Maaga siyang dumadating ng bahay, 5AM nandito na siya. Sinabihan ko silang mag stay in na lang ni Mang Jerry sa bahay pero mas pinili nilang manulugan sa staffhouse ng farm kesa sa bahay. Sila na ang naiwan kong maituturing na pamilya pagkatapos mamatay ng mga magulang ko.
"Tinanghali ka ata hijo." Bati sa akin ni Manang Letty. Lumapit ako sa kanya para yumakap. "Napasarap po ng tulog Manang." Tumango lamang siya at hindi na ako ininterrogate.
"Tatakbo ka na ba? Anong gusto mong almusal?" Tanong niya sa akin. Humarap ako kay Manang habang nagsimula na akong tumakbo patalikod.
"Tapsilog manang. Madami po bawang." Kumaway sa akin si Manang at nag umpisa na akong manakbo.
Part ng daily routine ko ang tumakbo. Brisk walking and running. Minimum na ang isang oras. Iniikot ko ang farm sa loob ng isang oras.
Tatlong taon ko na itong ginagawa. Noong una, pasulpot sulpot lang at kung kelan ko matripan, hanggang sa nakasanayan ko na. And became my form of exercise.
Jogging, tapos nagsubok ako ng cycling, hanggang sa naadik akong magboxing nung college. Mula sa patpatin na teen nung highschool, I slowly evolved and became physically fit. Madami nga sa mga kakilala namin ang hindi nakakilala sa akin agad lalo pag umaattend ako ng highschool or college gathering. They would always swoon on my looks and gasp on how I improved for the past 5 years. And they would always commend on how manly I have become when I started to manage the farm, yung dati kong mapusyaw at maputlang kulay ay napalitan ng tan colored skin complementing my built. Malayong malayo na sa itsura ko nung highschool.
Tumutok ang mata ko sa paligid habang tumatakbo ako. Nadaanan ko na ang ibang part ng farm, ang pastulan ng mga baka, the staffhouse, our piggery, ang milk factory, then the mango area. Mga lugar na marami akong masasayang memories.
Memories with her.
Dalawa lang naman ang palaging tambayan namin ni Chichi, ang farm nila at ang farm namin. Kung tutuusin magkatabi lang ang mga farm namin pero hindi masasabing magkalapit. Ang mga Kim's ang nag mamay-ari ng pinakamalaking farm dito sa Santa Isabel. Kulang ang isang buong araw para malibot ang farm nila sa laki at lawak. Ang farm din nila ang pinaka successful noong araw. Hanggang sa unti unti yung tumamlay simula ng mamatay ang mommy niya.
Recently, nabili na nila halos ang lahat ng maliliit na lupain na nakapalibot sa farm nila at sa Jung Farms. Dahil tuluyan na nilang igigive up ang farm. Para sa hotel resort na ipinupush ng daddy niya at ng town mayor. Na mahigpit kong inaayawan.
Marami kaming memories sa farm nila. Pero mas madami dito sa farm namin. Mas malapit kasi ang farm namin sa school kaysa sa kanila.
Napatigil ako ng mapatapat ako sa pinakamatandang puno sa loob ng farm. Attached to it is the tree house Papa built when he was alive. At sa tree house na ito mas madami kaming memories ni Chichi.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...