09

249 9 2
                                    

Chiara

Bakit ako naguguilty? Hindi dapat, pero yun ang nararamdaman ko.

Seeing Inigo earlier, seeing how mad and hurt he was, masakit sa akin. Wala akong planong saktan siya noon, at lalong wala akong plano ngayon.

Dahil kung may nanakit sa akin noon, siya yun. Sila ni Dad. Bakit parang clueless siya sa ginawa niya sa akin, acting as if siya lang ang nasaktan?

Halos sampung oras na din ang nakalipas mula ng makagaling ako sa Jung Farms, madilim na ang paligid ngayon. Hindi pa umuuwi si Ate mula sa San Juan kung saan siya ang nagmamanage ng hotel resort ng aming pamilya, our 1st business venture outside farming. It was indeed very successful. The main reason why they wanted an expansion here in Santa Isabel.

Dahil unti unti ng napapasok ng kapitalista ang area namin, mas naging in demand ang city like type of businesses. Mas mabilis ang return of investment, mas malaki ang revenue, mas malaking tax, mas pabor sa lugar. Unlike sa farming, matagal, mabusisi, madami kang kalaban. Fast pace life, kalamidad, mga sakit sa hayop, peste at madami pa.

That's why farmlands are now converted to subdivision, business establishments, malls, hotel resort. Kagaya ng business na gustong iexpand ni Dad dito sa Santa Isabel.

Sad, but reality.

Lalabas na sana ako ng kwarto to grab a quick dinner ng makadinig ako ng mahihinang katok. Iniluwa ng pinto si Dad. He smiled at me, a sad one.

Gaano na ba katagal kaming not in good terms ni Dad? 10 years. 10 long years.

"Chi, kumain ka na ba? Sabi ni Manang Neli hindi ka daw lumabas ng kwarto mo pagkagaling mo kina Inigo. May problema ba kayo? Hindi ba okay ang naging pag uusap niyo?"

Gusto kong mainis. He is acting innocently and here I am feeling so miserable about it.

"You really expect na magiging okay ang pag uusap namin Dad?" May halong panunumbat ang boses ko.

"Anak."

Nakatingin siya sa akin, his face was like begging.

"Hindi mo pa ba ako napapatawad--

I cackled at him. "How dad? Tell me how?"

"I already regret it Chi. God knows I--

"Regret? Will your regret turn back the time? Mabubuhay ba ng mga pagsisisi mo si Mom? Will you be able to bring her back alive?"

"Chi."

"And worst, you pushed Inigo. You pushed Inigo away from me. You pushed him to cheat on me."

"Hindi totoo yan Chiara."

"Making your mistress happy in exchange of my happiness. And you expect forgiveness Dad?"

"How dad? I wanted to know how? Baka sakaling mapapatawad ko din ang sarili ko being the worst daughter to my own mom."

Naglandas ang luha sa mga mata ko, remembering all the pain dad caused me.

Sigurado ka na wala si Lyn dito sa bahay niyo John? Pano ang mga katulong niyo? Your daughters? Narinig kong tanong ng isang babae, obviously talking to my dad. Papasok na sana ako sa office ni Dad para ipakita ang letter galing sa school. Kahit wala pa ang finals week, nagdeliberate na sila ng mga candidates sa honor list. Inigo made it to top 5 candidate, and I, Jiselle Chiara, is a valedictorian candidate. Dahil nagkabiglaang meeting ang teacher namin sa last subject, pinauwi na kami ng class adviser ng maaga, para narin maihatid namin ang magandang balita sa mga magulang namin. A letter of invitation for the formal announcement.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon