10

223 10 6
                                    

Inigo

Parang puputok ang ulo ko sa sakit.
Ginawa ko lang namang coke ang lambanog. Hindi ako dapat nagtataka kung bakit malala ang hang over ko ngayon. At muntik ng mas pumutok pa ang ulo ko kasi tanghali na nga akong nagising, tirik na ang araw, hindi ako nakatakbo, at namulatan ko pa sa loob ng kwarto ko sina Yiseo, Min at Suzy. Para silang mga pusa na nakapila, naghihintay na may malaglag na isda sa sahig. Yeah, ako yung isdang hinihintay nila.

"Anong ginagawa niyo ditong tatlo?" Pupungas pungas kong tanong.

Sumandal si Yiseo sa pader ng kwarto ko habang pumasok si Min sa CR. Nagbukas ng closet si Suzy at kumuha ng damit.

"Dragging you out of the cave." Si Yiseo ang sumagot sa akin. Si Manang naman pumasok, may dalang food tray, umuusok ang mangkok na nakapatong don. Her home cooked hangover food para sa akin. Inilapag ni Manang ang pagkain sa side table, inilapag ni Suzy ang damit ko sa paanan ng kama, at nakalinya silang nakatayo sa gilid na parang gwardya.

"What the heck?"

"Hindi ka magcacamping sa bahay mo ngayon. Halos patay ka ng nadatnan ni Manang kahapon. Kahit anong tapik sayo, knockout." Sagot ni Mingue.

"Manang?" Mahigpit kong ipinagbilin na huwag siyang babalik.

"Anak naman, baka masobrahan ka sa alak, sinilip ka namin ni Jerry. Tapos tinawagan ko sila na pumunta dito ngayon para pilitin ka ng pumasok."

I am grateful I have them. Sobra. Hindi ko naman balak magpakalugmok sa alak ng buong panahon. Isang araw lang ang hiningi ko.

"Ok na po ako Manang Letty. Sabi ko po di ba, kahapon lang. Okay na po ako ngayon." Paninigurado ko sa kanila. "Pahingi na lang pong pain killer."

"Lalabas na kami, hihintayin ka namin sa baba." Anunsyo ni Suzy.

Lumabas na silang tatlo, naiwan si Yiseo.

Nagsalita siya ng alam niyang malayo na yung tatlo.

"Seryoso ako, sasabunutan ko siya, isang beses pang magkaganyan ka." She warned.

"Ok na nga ako di ba?" Ulit ko na naman.

"Bakit siya umuwi?"

Hindi ko siya pinansin. Magiging tigre na naman siya anytime.

"Kaya kong malaman ang dahilan kahit hindi mo sabihin saken. I have connections inside Yejin's office."

Of course she has.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko.

"She's here to convince me to sell the farm." Pabulong kong sagot. Wala akong choice kung hindi umamin. Her eyeballs almost popped out, her hands covering her mouth, restraining herself to scream.

"Is this some kind of joke, Inigo? Kasi hindi nakakatawa."

"I wished it was. But it wasn't."

Lumabas siya ng kwarto ko, nagmamadali. Hinabol ko si Yiseo ng ilang hakbang pa lang. "San ka pupunta?"

"Kakalbuhin ko yang ex girlfriend mo, at kakaladkarin ko siya pabalik ng Korea, bruha siya."

"Hindi ko nga ex----

---and I asked her to come back and convinced me otherwise. I wanted to see how she will convince me."

"Huh masokista ka ba?"

Natigilan si Yiseo sa sinabi ko. Kunot na kunot pa rin ang noo niya.

"Lasing ka pa ba, ha Inigo? Anong katangahan mo to? Bakit mo siya pinababalik ng farm?" Pigil ang boses niya na sumigaw.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon