Inigo
Factory inspection today. My once in every two week routine/visit.
Masaya akong binati at tinanguan ng bawat empleyadong nakakasalubong ko, even most of them are wearing sanitary uniforms, naka pullover gear, face mask, hair mask. To avoid contamination inside. Even myself wears the same outfit.
Naging habitual na ang pagdalaw ko sa factory kahit na wala naman urgent na production o aberya. Ganito ako ka hands on. Gusto ko, nararamdaman ako ng mga empleyado ko. Pero today, hindi lang simpleng site visit ang pakay ko.
"Good morning Sir Inigo." Masiglang bati sa akin ng exit guard pagkatapos kong libutin ang maliit naming factory in less than an hour. Marahang tango lang ang isinukli ko.
Alam ko medyo aloof parin ang mga empleyado ko sa akin kasi may reputasyon akong suplado, pero hindi naman talaga ako ganun. Hindi lang talaga ako palabati pag hindi ko ganun kaclose.
"Inigo." Lumingon ako sa pinagmulan ng boses. Kumaway ako pabalik habang lumalapit. Isa sa malapit kong kaibigan simula pa noong highschool.
Si Yiseo. Ang head ng quality.
"Ngayon lang kita nakita. Busy ka ba?" Bati niya sa akin habang sabay kaming naglakad palabas ng main building. May bitbit siyang milk tea agang aga. "Hindi kita maalok kasi alam kong hindi ka naman umiinom ng tea." Tumango lang ako.
"Dumadalaw ako consistently. Nakaleave ka sabi ni Shin, nung huli akong umikot ng factory wala ka kaya di mo ko nakita." Isang mahinang "ow" ang binitawan niya.
"So bakit kailangan ng isang Inigo ang tenga ko today?" Straight to the point na tanong ni Yiseo.
Kung may isang tao akong nasasabihan ng lahat ng nasa isip at puso ko like an open diary, si Yiseo yun. Kahit sa mismong bestfriend ko na si Min, hindi ko masabi lahat ng inner battles ko. Kay Yiseo lang ako nakakavent out ng walang judgement, walang bias, purely objective insights.
"About the farm. Still."
"Offer ng mga Kims?"
"They increased by 20 million."
Kagaya ng una kong reaksyon na sa isip ko lang naibulalas, napasinghap si Yiseo sa narinig niya.
"70 million now?!!"
"Oo." Mahinang bulong ko to confirm.
"Pero ayaw mo parin? Nilalaban mo pa rin ang farm?"
Alam ni Yiseo na mahina ang recent incomes ng farm, nabanggit ko din sa kanya ang ilang financial issues na kinakaharap ko due to lack of investors, so she understands.
"Why not review again the pros and cons. If makikinabang ang lahat, or if you think dehado ka, why not counter their offer with your conditions? 70 million is 70 million Inigo."
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...