29

359 11 12
                                    

Chiara

Chi, ilang days pa akong di makakauwi, dito muna ako sa San Juan magsstay, hindi na tayo nagkita simula nung umuwi ka.

**Oo nga ate, ang busy mo sa hotel. Miss you ate.

I miss you too bunso. Ok ka lang naman? kamusta panliligaw mo kay Inigo.

**Same lang ate, mahirap pa rin ipersuade hehehe. Ah ate, may kilala kang architect dito sa Santa Isabel.

Hindi ba working charms mo? Bakit mo need ng architect?

**hahaha, slight charms lang. May icoconsult sana ako.

Urgent ba?
 

**Sana.

Sige I'll see what I can do.

🌳🐄🌳

Four days pagkatapos ng incident sa farm, I am back on the milk factory. Humingi ako ng dalawang araw na work from home setup kay Inigo pagkatapos ng tatlong araw kong stay sa bahay niya. Apparently, hindi din pala siya pumapasok dito dalawang araw na, and as per Mae, Inigo is doing business outside.

San kaya nagpunta nung huling dalawang araw?

I was sitting on my assigned desk when my phone rang.

A call from Charles.

"Musta ka jan? Wala bang nang aaway sayo?"

Inigo "Madaldal" Jung spilled the whole story to Carlitos, and obviously he was freaking mad.

"Hon, okay lang ako. Nothing too serious really. Kakapasok ko lang ngayon." Charles is somehow overprotective of me too, at nung knwento ni Inigo ang nangyari, he's on the verge of booking a ticket. Nicheck pa niya isa isa ang mga galos ko in a video call. Buti na lang, nadaan sa lambing ni Inigo, hindi na nagpilit umuwi.

Close na sila Charles and Inigo, being phonepals pa.

"Gusto kong umuwi, mangulam, manakit, manabunot, manampal. How could they? Kung nanjan ako, hindi mangyayari toh. Pag umuwi sila makikita nila hinahanap nila." I knew I am not on loud speaker but I still tried to look around worried na may makarinig.

"Just stop it Charles. I told you I am okay."

Ang kulit lang talaga.

Nakita ko na dumating na sina Min, Yiseo at Shin. Umupo sina Shin at Yiseo sa pwesto nila at nakatayo si Min sa cubicle na pumapagitna sa kanila. Lumapit si Shin sa akin.

"Chiara, okay ka na? I hope you were feeling better." I gave her a big smile. Sila ni Geonhee, walang masamang tinapay sa akin.

"Okay na ako Shin, salamat. May kausap pa pala ako sa phone." Paalam ko sa kanya at bumaling sa phone ko with Charles.

"So andyan na yung mga impaktong kaibigan ni Inigo. Sabihin mo lang pag inaway ka ha."

"Ok na nga di ba? Wag kang makulit, okay?"

"Eh kasi---

"Charles!!!" Napalakas ata ang boses ko at halos naglingunan silang lahat. "Itigil mo na okay, okay nga lang di ba?"

"Sis kasi---

"I will be fine. Please, tsaka sure ako mag uusap na kami lahat mamaya." Pabulong kong sabi sa telepono.

I sighed deeply. Kakapasok ko lang at ayaw ko sanang mabad mood. We decided to end the call since sinabi ko din na magtatrabaho na ako.

My phone rang again, at magsusungit na sana ako kasi akala si Charles na naman pero boses babae ang sumagot.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon