08

251 9 6
                                    

Inigo

Dapat hindi na masakit. Dapat hindi na di ba?

Puppy love ko lang siya. Dapat hindi ganun kalalim. Pero bakit masakit pa rin?

Nakasilip ako sa bintana ng kwarto ko, hinihintay na lumabas ng bahay si Manang Letty. I wanted to be alone for the whole day. Hindi pa nagtagal, lumabas na si Manang Letty at naglakad paalis ng bahay.

Bumaba ako ng kusina, at hinanap ko ang mga lambanog na laging regalo sa akin ng mga trabahador ng farm. Binitbit ko ang isang malaking bote ng lambanog, isang baso at umakyat na ako sa kwarto ko.

Tumunog ang landline sa loob ng kwarto. Sinagot ko ang tawag.

Sir, yung mga buyer po ng mangga ngayong umaga ang---

*Nilinaw ko kay Manang na cancelled lahat ng appointments ko today di ba?

Pero sir---

Pabalang kong ibinagsak ang telepono. Nagsalin ako ng lambanog sa baso, puno. Ininom ko ng isang diretso. Heat immediately invaded my throat.

And my senses.

Sunod na tumunog ang cellphone ko.

Si Min.

Pare, bakit mo kinancel yung meeting natin dun sa prospective client? Mag susupply tayo dun sa itatayo nilang Samgyup---

*Can't you go alone? Do you need me?

Tangina pare ikaw ang may ari---

*Nasa legal ka. You can represent me.

Inigo you need---

*I might screw up everything pag lumabas ako ng bahay ngayon. Please. Isang araw lang.

I ended the call.

I cannot go out or attend any meetings at this state. I will end up getting upset for minor things and ruining everything. Ganito ang epekto sa akin ni Chiara.

Notifs popped up on my screen.

Yiseo and her beast mode

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yiseo and her beast mode.

*dont you dare.

I type and hit send.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon