35

470 22 15
                                    

Inigo

"Jiselle Chiara Kim is my girlfriend."

It might be the most impulsive decision I made in my life, but I have zero regrets.

Kinikilig na sumigaw ang wedding host with my revelation.

"Ay kaya naman pala super game ang dalawang ito kanina, totohanan naman pala sila. Sir, baka naman papunta na ding simbahan yan, kunin mo kong host."

Nagtawanan ang mga bisita sa sinabi niya. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Chiara.

"Bigyan mo kong calling card mamaya." Pabiro kong sagot.

The host ushered us back to our seats at nagpatuloy ang wedding program. Umupo na ako sa tabi ni Chiara.

"Uy seryoso--" Nag-aalalang sambit ni Chiara.

"It's okay." I whispered lowly and gave her a smile.

Mahigit isang oras pa ang nakalipas ng matapos ang buong program. Visitors are now starting to return to their villas/cottages. Mag aalas onse na ng tanghali, and the visitors can utilize the remaining two hours to use the resort facilities. At dahil parang mini reunion namin sa highschool at college ang kasal ni Rico, halos kami ang naiwan sa pavillion, merged on one long table, with glasses of beer and wine on it. May pailan ilan pa rin na bisita sa loob, both from Sab and Rico's side. Chiara and I were sitting next to each other.

Isang medyo tipsy na Althea ang lumapit sa amin, kasunod si Sabrina. Tumayo si Rico para ihigit ng upuan ang asawa. Puwesto si Althea sa likod ko, yumuko siya, clapping her hands next to my ears.

"Ang galing. Acting like a knight in shining armour kay Chiara. You really think people would believe that? Sab told me, Chiara announced na may boyfriend siya nung birthday ng daddy niya, tapos dito, ikaw ang boyfriend?" Her voice was slurry. Napalitan ng katahimikan ang kanina ay masayang kwentuhan namin.

Inalalayan siya ni Sab, I don't think tipsy lang siya. I think lasing na talaga siya.

"I told you not to do anything stupid on my wedding." Inis na bulong ni Sab. Humingi siya ng sorry sa amin, pero sa halip na umalis, si Chiara naman ang binalingan nito.

"Ikaw naman, so you figure it out that Sab and I are teaming up against you. Anong ginawa mo kay Inigo para mapapayag mo siya to play along with you, huh? Did you sleep with him?" She chuckled. "Tanga talaga si Inigo pagdating sayo."

Chair violently scraped against the floor as Chiara stood up, her fist clenched tightly. Mabilis ko siyang nahagip when she tried to launch herself to Althea. Naiharang ko ang sarili ko sa gitna nilang dalawa. "No Chi. Don't. Not worth it." I could see in her eyes how much she's trying to hold back.

"Maauna na kami ni Chiara, Rico. Mukhang hindi niyo na makontrol ang bisita niyo." Paalam ko sa kanila. "Nice to see you all here."

But Althea can't be stopped.

"So kayo na nga? Iniwan ka na, sinaktan ka na, pero paulit ulit mo parin pinili? Ano bang meron diyan na hinding hindi mo magawang lumingon sa iba ha?" Halos lahat kami tumingin kay Althea.

Sab and Rico were stopping her from making a scene, pero siguro dala ng alak, hindi siya mapigilan. Tumayo na din sa kinauupuan ang mga kaklase namin, balak ng maghiwa-hiwalay.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon