Chiara
Rose nasa Santa Isabel na ako. Thank you ulit ha, lalo na sa pagbobook ng tickets ko, pasabi sa kuya mo salamat ulit. Wala akong pinagsabihan na umuwi ako. Andito na ako sa bahay niyo.
Nakita mo ba si Inigo? Tsaka yung parents niya?
Oo, nakita at nasilip ko na sila tito at tita. Wala namang nakakilala saken. Kay Inigo, hindi na ako lumapit. Tinanaw ko nalang siya. Katabi naman niya lagi si Althea kaya hindi na din ako nagpilit na lumapit sa kanya.
Ano ka ba? Mas kailangan ka niya kesa sa babaeng yan. Tsaka bebe sure ka hindi ka magpapakita sa inyo?
Sure na Rose. Umuwi ako para naman kay Inigo. Nasa Maynila din naman si Ate. Walang dahilan para umuwi ako ng bahay. Kakapalan ko na mukha ko ha, 1 week ako dito sa inyo. Andami kong thank you kila tita, ipinasusundo nila ako at inihahatid sa farm.
Ano ka ba okay lang. Ingat ka ha.
Oo naman, salamat ulit Beb. See you in Korea in a week.
🌳🐄🌳
Isang malakas na hapit sa bewang ko ang unti unting nagpagising sa akin. Nakasiksik ang mukha ni Inigo sa batok ko ng hapitin niya ako sa bewang. Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan para icheck ang oras.
Alas dos ng madaling araw.
He hummed lowly against my nape. He's still sleeping.
Matindi talaga ang pagkalasing niya.
Humarap ako sa kanya. I traced my fingers on his face.
"Hmmm." ungol niya.
This familiar feeling was like dejavu.
Like everything happened yesterday.
Akala mo natiis kita talaga. Bulong ko kay, Inigo Hindi ha. Hindi kita kayang mag isa lang.
I rested my head in his chest and grabbed him closest to me, just like how I did 5 years ago.
🌳🐄🌳
Sinilip ko ang sarili ko sa isang kotse na nakapark sa Jung Compound. Walang makakakilala sa akin sa hitsura ko. Hoodie, mask at specs. Apatan at huling lamay ngayong araw ng mag asawang Jung. Maswerte akong naghihintay ang driver nina Rose sa labas. Hihintayin daw ako ni Manong drayber hanggang pag uwe at nakipaglamay nalang din.
Nakihalubilo ako sa hindi kadamihang tao at hinanap si Inigo. Wala. Bigla siyang nawala.
Madaming tao sa loob ng bahay nila upang makipaglamay. Alas onse na ng gabi pero wala siya sa loob ng bahay. Iniikot ko ang paningin ko para hanapin siya. Ng sa wakas nakita ko siya. He was sneaking at the back door wearing his black hoodie, when my eye caught him.
San kaya siya pupunta?
May dala siyang bote. Bote ng lambanog.
Sinundan ko siya with a comfortable distance between us. Base sa track ng lakad niya, parang alam ko kung saan siya pupunta.
Sa tree house.
May dalawa hanggang apat na tauhan siyang nakasalubong bago makarating sa tree house. Nang makarating, pinatay niya ang ilaw sa paligid at umakyat sa taas. Pinatay din niya ang ilaw sa loob. Kinapa ko sa bag ko ang spare key ng tree house. I still have it. Nang tantya ko na hindi na siya lalabas, umakyat ako sa taas. Sumandal ako sa likod ng pinto habang pinapakinggan ko siya.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...