Chiara
The butterflies in my stomach intensified when I saw the entrance of the Jung Farms. Halo halong emosyon ang naramdaman ko sa pagbabalik ko. Limang taon. Limang napakahabang taon at ngayon, babalik ako sa isa sa mga lugar kung saan pinakamarami akong alaala ng aking childhood and teen life. Nag menor ako ng matapat ako sa gate. Kaagad naman akong pinagbuksan ni Manong Guard. Natatandaan pa niya ako dahil binati niya ako na Mam Jiselle. Nagdrive na ako papasok. Going inside felt so nostalgic.
Jung Farms is actually smaller, and from gate to the main villa, it will only took 5 minutes para marating ko ang bahay nila Inigo. Ang malaking part ng farm nila ay nasa bandang padulo pa. But unlike our farm, their farm really looks a legit farm compared to us. Busog na busog ang mata ko.
I pulled over my car in front of the Jung's main house. Pagbaba ko pa lang ng kotse, sumalubong na agad sa akin ang amoy ng danggit at champorado.
Matalik na magkaibigan sina Manang Letty at Manang Neli, at hiningi ko ang number niya at tinawagan siya kagabi. Sinabi ko na may appointment ako kay Inigo ng alas otso. Nag offer siya ng almusal na champorado at danggit, na syempre hinding hindi ko tatanggihan. Kaunti lang ang kinain ko nung almusal para hindi magtampo si Manang Neli sa akin, dito ako babawi ng kain.
As if makakakain ako ng madami pag kaharap ko na si Inigo.
Tinitigan ko ang harap ng bahay nina Inigo. Halos wala pa ring ipinagbago. Pumasok ako sa bukas na main door, ang amoy ng almusal ay parang hinihigop ako papasok ng bahay. At dahil kabisado ko naman ang bahay nila kahit pikit ako, dirediretso lang ako na feel at home.
Napatigil ako sa pagitan ng sala at dining area, at halos tumigil ata ang tibok ng puso ko.
Haeily Inigo is in front of me.
Haein.
At nagulat ako sa tumambad sa mata ko. Malayong malayo sa payatot at posporong na iniwanan ko noon.
Nakatalikod pa siya sa akin, pero halatang halata ang malaking pinagbago ng katawan niya. Malayo sa butuhin na katawan na madaming beses kong sinasandalan during our piggyback rides wayback in highschool. Well toned back, hindi taba kundi muscles. Wala na ang maputlang kulay niya na mukhang bampira, his tan colored skin screams 1000% manly vibe.
Nalaglag ang kubyertos na hawak ni Manang Letty at tumili siya ng malakas ng makita ako. Buti na lang yumakap siya sa akin, dahil kung hindi nag collapse na siguro ako.
Dahil biglang humarap si Inigo.
And if I am simping on his back as if I've seen a yummy bacon, sabi nya wait there's more. The front view is much better.
Nakatitig siya sa akin, his expression is unreadable. But unlike him, basang basa siguro ang reaksyon ko, because I am literally gaping at him.
Magulo ang buhok niya na basa pa at medyo tumutulo but obviously he had a clean cut, freshly shaved, walang walang trace ng Mr. Suave, bigote man o balbas, his jaw was like chiseled perfectly. Nakatapis lang siya ng towel na parang iniluwa ng shower just in time for my thorough inspection. Muscles? Muscles are all over his chest, and abs. Yeah, freaking yes. 8 pack? O san ka diyan Chiara, nakapagbilang ka pa ng abs ni Inigo.
Hindi naman ako nainform ni Manang na hindi lang pala champorado at danggit ang handa niyang almusal, may papandesal pa.
Jusme Jiselle Chiara, maghunusdili ka.
Bakit wala man lang nagwarning sa akin na ganito na ang itsura ni Inigo?
Damn.
Did ate Yejin just warned me by saying magdala ako ng panyo?
BINABASA MO ANG
Say Yes
عاطفيةChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...