Chiara
Christmas Eve.
"San tayo pupunta?"
1030PM pa ang umpisa ng midnight mass, pero alas nwebe pa lang, nagyaya na si Inigo paalis ng bahay. Hindi niya sinabi kung saan kami pupunta. I haven't decided yet kung pupunta kami sa bahay sa Noche Buena so I don't think dadalhin niya ako sa doon.
Simula ng huling usap namin ni Dad sa telepono, madaming beses ulit akong kinulit ni Ate Yejin para umuwi na ng bahay, o kaya sa bahay mag Noche Buena at wala pa akong sinagutan ng oo kahit isa sa mga gusto niya.
I gave Inigo a confused look ng sa direksyon ng simbahan ng Santa Isabel kami dumiretso. Mas maaga kami ng isang oras para sa misa.
"Bakit maaga tayo? Mamaya pa naman ang umpisa ng misa."
He just gave me a sly smile.
Pumasok ang kotse sa vicinity ng Parish Church pero imbes na sa simbahan, sa rectory kami dumiretso.
Anong gagawin namin dito?
Pumasok kami sa loob at binati ang pailan ilang sakristan na nakasalubong namin. Hanggang sa may nakita siya sa loob ng rectory at tinawag iyon.
Si Father Mark Corpuz, ang aming kura paroko.
"Anong ginagawa natin dito?" Mahina kong bulong sa kanya habang nakita ko na masayang palapit sa amin si Father. Mga bata pa kami, si Father na ang aming kura paroko at kilala niya kaming dalawa.
Medyo nagpanic ako at gusto ko sanang humakbang paatras ng maisip ko na baka balak na niya akong ipakasal sa sarili niya ngayong gabi. I am wearing a knee length white laced dress. We bought it together last week, and I look fab daw on that dress, and he is wearing a white button down long polo paired on a denim pants, sleeves rolled up to his arms. I even joked at him earlier na puting puti ang suot namin ngayong gabi.
Are we getting married tonight?
Isang masayang bati ang ibinigay niya sa amin.
"Kumusta ka na hija, naalala mp oa ba ako? Antagal din kitang hindi nakita."
Nahihiya akong tumugon. "Ok naman po ako, medyo matagal tagal din po ako sa Korea."
"Natutuwa naman ako na magkasama na talaga kayong dalawa ngayon. Alam na ba niya Inigo?"
Ang alin?
"Hindi ko pa po sinabi sa kanya."
"Sunod kayo sakin, dun tayo sa opisina ko para mas tahimik."
Mas lalo akong kinabahan ng hagipin ni Inigo ang kamay ko, giving me a look of assurance. I thought he's gonna wear me a ring or something.
Naunang pumasok si Father sa loob, at hindi agad kami sumunod ni Inigo. Humarap siya sakin, holding both of my hands.
"I know after that phone call with your dad, you've been accusing yourself of different things, na matigas ang puso mo, na hindi ka marunong magpatawad, and because of that you've been pressuring yourself to forgive and forget because of your dad's condition."
He's been scolding me several times because of that.
"I just hate to see you doing that to yourself. Stop blaming yourself. People had wronged you. You don't even want to listen to me that none of it was your fault."
"Pero---
"This will help you lift those burdens, Chiara."
Hindi ko alam kung saan pupunta ang mga salita niya.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...