Inigo
"Good morning po Manang Letty." Malambing kong bati kay Manang na inawitan ko na pumasok ng maaga. Usually, alas sais ko na siya ng umaga pinapapunta, minsan matigas ang ulo, alas singko nandito na.
"Good morning, mukhang masaya ang mood mo ngayong umaga anak. May magandang balita ka ba?" Tanong niya sa akin.
I gave her a playful and wicked smile.
"May huhulihin lang po akong daga ngayon manang, malaking daga." I find myself giggling with the thought. The night she had the allergy attack, duda na ako, tapos yung kahapon. Magkakaalaman kami ngayon.
Yumakap ako kay Manang, at alam na niya na lalambing ako ng pabor ngayong araw. Medyo madami dami.
"Naku ikaw na bata ka, anong gusto mo?"
I heavily grinned, instructing her the things needs to be done this morning. Hinampas ako ni manang ng sandok pero pumayag naman siya.
You cannot fool me Chiara. Not me.
Chiara
"Hon, wag ka ng sumama. Masama ang gut feel ko dito." Bulong ko kay Charles. Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya sa sinabi ko.
"Aalis na ako sa Wednesday, nag offer si Inigo ng farm tour, tapos di mo ako isasama. Napakadamot mo Chiara, sharing is caring." As expected, parang gulong na umikot ang mata niya, 360 degrees. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. I know him like the back of my hand. And his playful smiles yesterday, his doubtful stares tell me he is up to something.
"If sasama ka, can you behave? Like wag palaging sa kanya nakatingin, wag parang lulunukin mo ng buo, walang pagnanasa, ganun." Bilin ko na lang. Wala na akong choice talaga. "Pagnanasa Hon? Di pwedeng marunong lang akong maka appreciate ng magandang likha ng Diyos?"
Lord, have mercy on me.
"Pag tayo talaga nabuking ni Inigo---
"Eh di may chance na kaming dalawa. Much better."
Hinampas ko siya ng hawak kong bag. "Halika na nagdidilim na paningin ko sayo." Tumayo na kaming dalawa at sinipat namin pareho ang sarili namin sa salamin. Hindi na ako nag office wear since farm tour daw kami today, all for Charles. Inigo, masyado atang hospitable.
Charles drove for us. Alam kong excited na siya with the way he smiles, parang kinikilig pa si bakla, samantalang ako, hindi na mapakali.
Ilang minuto ang itinakbo ng kotse namin hanggang marating namin ang farm at kagaya ng una kong tungtong dito after five years, Charles was amazed. Way too far from our own farm.
"Hon."
"Hmmm..."
"I am really having thoughts now selling my shares sa JCA, tapos iinvest ko lahat dito. Tapos pwede na din akong maging maybahay ni Inigo. Grabe ang ganda ng farm niya." Mangha nitong sabi. "Why don't you consider that. Galit ka din naman kay daddy, hayaan mo ng wag matuloy yung hotel, jusko kunin mo na lang mana mo pati si Inigo. Exciting!" Naiiling na lang ako sa mga idea ni Charles. Kung sana ganun nga lang kadali lahat.
Itinigil kami ni Charles sa mismong harapan ng bahay nina Inigo. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko.
730AM. Sakto lang sa 8AM naming usapan.
Pumasok na kami sa bahay na bukas naman ang pinto. At parang dejavu nung unang araw na tumuntong ako, isang shirtless Inigo na naman ang nabungaran ko.
The difference?
Dalawa na kaming nakanganga ngayon.
"Good morning." Masayang bati sa amin ni Inigo, his bright white teeth flashing na parang magshoshoot siya. ng toothpaste commercial. May nakasampay na tshirt sa balikat niya. "You are just in time for breakfast."
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomanceChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...