Inigo
Buhay ka pa?
**Seryoso Chi, 5AM mo ko ginising. Sinalubong ako ni Manang Letty ng kawali at sandok.
Hahahahahaha. Deserve mo yan for sleeping early last night.
**I can't believe nalasing ako kagabi. Did I say anything stupid or weird?
Apart from another wedding proposal while half asleep, wala naman, ikikwento mo pa sa akin ang buong pinag usapan nyo ni Dad.
**I proposed last night?
Totally not fair. You passed out on bed, telling me you are going to marry me.
**Ayaw mo yun, unconscious na ako mahal na mahal pa rin kita.
Pakaaga Haeily Inigo. Mag uusap tayo mamaya.
**Feeling ko malalasing ulit ako mamayang gabi.
Inigo!!!!!!
**See you later girlfriend. Mahal kita.
Better not get drunk after work. From your mad and loving no more hiding girlfriend.
**hahahahahahaha. Nope my mad, loving, no more hiding and gorgeous girlfriend, I'll get drunk while at work.. i love you.
🌳🐄🌳Maaga akong pumasok ng milk factory ngayon. Pagkadating ko ng bahay lampas alas singko ng umaga, nakakunot na noo ni Manang Letty ang sumalubong sa akin. Wala naman akong itinago na nalasing ako kagabi at kina Chiara ako natulog. Alam ko kakapangaral niya lang sa amin ni Chiara about sleepovers kahapon pero may alibi naman ako na matino.
Nagbabad ako sa shower ng matagal pagkaakyat ko dahil pumipintig pa ang ulo ko sa sakit.
Sa hangover at sa mga sinabi ni Tito John.
"Sir Inigo, nagconfirm na po yung Mango Growers Association, Friday next week po yung slot na nakuha natin for the visit." Boses ni Mae sa kabilang linya ang pumukaw sa isip ko.
Finally a slot for us.
"Call all department heads. We will meet in two hours. Pakitwagan din sina Lance at si Manong Jerry, isasama ko sila sa meeting. And Chiara too."
"Ok sir."
"Thank you Mae."
The first phase of Chiara's plan coincides with the deal I got from Zambales. It was like a cherry on top kung maiisara namin ito.
Nakasama ang Jung Farms sa mga pinagpilian ng Mango Farms Association sa isa sa tatlong mango farms na pagpipilian sa Calabarzon na target nila bilang kauna-unahang farm na bubuksan para sa mga local educational trips bilang parte ng pagpopromote ng farming sa Pilipinas, particularly sa Calabarzon. Kung mapipili ang farm, it will be part of the local school tours para iintroduce ulit ang farming sa mga kabataan. It will boost the overall image of the farm. And it will attract more investors.
And potentially, kung matutuloy ang collaboration ng Jung Farms at Jiselle Chiara Escapes, its like business and local tourism in one spot.
Seems everything are falling into its rightful places.
For me, nasa akin ang farm, girlfriend ko na si Chichi and most importantly, hindi na siya aalis.
For her, matutuloy ang hotel resort without me selling my land, we are together, and she keeps the job she loved in Korea despite dropping the CEO post.
BINABASA MO ANG
Say Yes
RomansaChiara has one mission, mapa-oo ang masungit na may ari ng maliit na farm na nasa gitna ng property ng mga Kim's para matuloy ang expansion ng hotel resort nila, kapalit ng kalayaan at mana niya. Say yes. Sa farm o sa puso ko? Highest Ranking: ❤️ 1...