27

337 15 4
                                    

Chiara

Isang black na oversize shirt at isang maong na short na hindi naman kaiklian ang pinili kong isuot. Inilugay ko ang mahaba kong buhok, at hindi na ako nagdala ng kahit anong bag. Inilagay ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ko. Dinaanan ako ni Manong Jerry eksaktong alas nwebe ng umaga.

Pagkatapos ng mga nangyari kagabi, I am starting to get a hint on why Inigo is so confident na sa aming dalawa, ako ang magbabago ng isip at hindi siya. Because a glimpse of their life inside, I found myself faltering on my decisions.

To side him and drop the proposals.

Farm over the resort.

Dumating kami sa manggahan, kung saan nakasetup na mahahabang tables na paglalagyan ng handa. I was expecting a warm environment after what happened last night.

Pero iba ang pakiramdam ko. Most of the eyes looking at me were full of judgement, may ilan pa nga akong nakikitang galit. Malayo sa kahapon.

What's happening?

Suddenly, I felt suffocated.

"Nandito ka pala." Salubong sakin nina Yiseo at Suzy. Bumati sakin si Shin sa likod at ang napaka bubbly na si Geonhee. Si Min walang imik.

"Enjoy ka ngayong piyesta ha, madami kaming palaro, sali ka!!" There was odd and unusual with her sudden friendliness. "Pretty sure, Inigo will be happy na mag enjoy ka ngayon."

I am not feeling good about this.

Nag ikot ikot ako sa paligid at mas pinili kong makisalamuha sa mga tao kahapon.

"Hello po." Bati ko sa kanila. May ilan na umiwas sa akin. May ilan naman na hindi.

Naku, siya pala ung anak ng mga Kim sa kabila. Nadinig niyo ba, kinukumbinsi pala niyan si Sir Inigo na ibenta yung farm. Eh saan tayo pupulutin pag binenta ni Sir yung farm. Hindi kaya inaakit niyan si Sir. Naku baka nga, tapos pag naakit niyan si Sir iwanan na tayo. Naku ambait bait pa man din natin kahapon, ganyan pala. Sana hindi magkagusto si Sir jan noh.

Dahan dahan akong lumayo sa kumpulan na yun. Karamihan medyo bata bata pa at hindi ako kilala. O siguro nandito na sila noon, hindi lang ako nakikita dahil hindi naman ako palahalubilo sa tao noon.

A heavy pang of pain strike my heart with their words. Tears are welling up, but I tried my best to control it.

Lumapit sa akin si Manang Letty. "Anak, ok ka lang? Hindi ka ata masyadong nakikihalubilo sa iba.

"Ok lang po ako manang." Mahina kong tugon.

Tinitigan pa niya ako ng matagal.

"Ok lang po ako, lalapit po ako kapag may kailangan po ako." Iniwan na ako ni Manang na mag isa at nagmasid na lang ako sa paligid.

Lumipas ang isa, dalawang oras. Iba't ibang palaro ang ginawa sa farm, at open na din ang mahabang buffet ng pagkain para sa lahat. May ilan parin na nakipag usap sa akin sa kabila ng narinig ko kanina.

But I still feel like an outcast.

"Ok ka pa girl?" Sabi ni Yiseo ng lumapit sa akin. Alam ko pakitang tao lang siya kanina sa akin. "Balita ko ang saya niyo dito kahapon. Nabola mo na ba si Inigo ng tuluyan?"

My teeth gritted with annoyance.

"You act as if walang sariling utak si Inigo." I replied.

"Meron, nawawala nga lang pag ikaw ang pinag uusapan. Nauubos lahat ng rationality niya sa katawan pagdating sayo." Sagot niya sa akin na nang aasar. "Buti nalang may boyfriend ka na, hindi ko maimagine na pipiliin ka niya ulit kung saka sakali. Tapos ano, iiwanan mo ulit after a month. Walang ka namang puso."

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon