17

361 14 12
                                    

Chiara

Jiselle... 

Chiara....

"Jiselle Chiaraaaa!!!!!"

Pumukaw sa tulog ko ang halos impit na tili ni Charles na nakatayo sa bintana ng kwarto ko. Dito na siya natulog kagabi dahil sa walang humpay na kakukulit niya sa akin tungkol sa amin ni Inigo.

Madami akong ikinwento sa kanya, liban na lang yung tungkol kay Dad, yung panic attacks ko at syempre yung mga secrets ni Inigo na for my ears only.

Umupo ako ng kama at tiningnan siya na nakatayo sa may bintana pero nakatago. Para siyang bulate na nilagyan ng asin. Hindi mapakali sa pagkakatayo.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan sa bintana?" Sumilip ako sa orasan, alas sais palang ng umaga.

"Chiara."

"Ow bakit nga?"

"Di ba gusto mong maging sole owner ng JCA?" Tanong niya na panay parin ang silip sa bintana.

Sino bang sinisilip nito?

"Ibebenta ko na lahat ng shares ko sayo sa JCA. Sayo na yung marketing firm. Dito nalang ako titira sa Pilipinas. I believe nasa pagsasaka at paghahayupan ang future ko."

"Nananaginip ka pa ba Charles? Ano bang sinasabi mo?" Tumayo ako at lumapit sa bintana. Halos matawa ako when we both gasped.

Nasa labas si Inigo. In his gray sweatpants, black sando and reversed black cap.

Tagaktak ng pawis. His daily routine of jogging.

"Hon, you know how good I am on the marketing field right?" Tanong niya sa akin.

"Oo bakit?"

"Ngayon lang ako nangarap ng wala sa field of expertise ko." Dramatic niyang sagot.

Na hindi ko naman nagets.

"Hon, gusto kong maging tuwalya ngayon, tapos iabsorb ko yung pawis ni Inigo, ganun." Kilig na kilig na sabi niya sabay hampas sa akin.

"What if, kumuha ako ng tshirt sa luggage ko, tapos ipahiram ko sa kanya, hmmmm eh di makakapag breakfast akong pandesal di ba. Tamang tama, di uso sa Korea pandesal." He said giggling endlessly.

Napakakiri mo Carlitos.

"Itigil mo na yan Charles. Hindi ka papatulan ni Inigo."

Padabog na lumapit siya sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "At bakit naman?"

"Kasi girlfriend mo ako, baka nakakalimutan mo." Natatawa kong sagot sa kanya, at nagdive na ulit ako pabalik ng kama. Hinatak niya ako sa braso. "Eh di magbreak nabtayo, Hon. Para sa ganun, may pag asa na ako kay Inigo." Tinabunan ko ng unan ang mukha ko para hindi ko na siya madinig.

"Bangon ka na, baba na tayo. Harapin natin si Bibi Inigo ko."

Napaupo ako para tingnan siya. "Charles...."

"Pagbigyan mo na ako Hon, mini crush lang naman, pag alis ko solong solo mo na si bibi ko." I rolled my eyes numerous times bago ako tumayo. Palabas na ako ng kwarto ng hinatak niya ako pabalik.

"Tingnan mo yang mukha mo, gumising ka na ngang mukhang Dyosa, tapos ikaw pa yung mahal. Bakit ang unfair, ako mukhang nasabugan ng bulkan ng magising. Wait mo ko magffreshen up lang ako ng ganda."

I burst out of laughter. "Hon, maganda ka din kahit bagong gising ka. Nagkataon lang na mas maganda nga lang ako." Tumirik ang mata niya sa pagkainis.

I put on a robe over my sleepwear at sabay na kaming bumaba ni Charles ng bahay after nyang magpaganda. Nasa may kusina na si Inigo at masayang nakikipagkwentuhan kay Manang Neli. Nakasandal ito sa doorframe ng kusina paharap sa dirty kitchen at dinig ang malakas na boses ni Manang, Inigo riding on her jokes.

Say YesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon